Chapter 51

1.9K 35 0
                                    

Lizzy's Pov

Halos isang linggo na akong hindi nakakapag jogging pero maaga parin akong bumabangon para tumulong sa gawaing bahay. Ayaw nga nila akong pakilusin dahil hindi ko daw iyon trabaho pero nagpupumilit ako dahil wala naman akong ginagawa, pati nga si Sir Terrence ayaw ng serbisyo ko. So anong gagawin ko dito diba? Ayoko naman umalis dahil ayokong iwanan si Sir Terrence lalo na sa ganitong sitwasyon niya. Ayoko din naman sumahod ng walang ginagawa kaya tumutulong ako sa gawaing bahay.

Eksaktong ala sais y medya ng kumatok ako sa kwarto ni Sir Terrence. Ginagawa ko parin kasi yung trabaho ko katulad ng pag aayos ng panghilamos niya satwing umaga kahit tila wala siyang pakialam. Mukha ngang pumapasok lang siya sa banyo niya para umihi at dumumi.

Pagpasok ko sa kwarto niya ay nakahanda na ang ngiti ko at ang pagbati sa kanya ng magandang umaga. Kadalasan kapag papasok ako ng ganitong oras ay gising na siya, ngunit iba ngayon. Nakahiga pa ito sa kama at mukhang mahimbing na natutulog.

Bigla akong kinabahan kaya dali dali akong lumapit sa kanya. Bigla kasi akong nag overthink na baka may ginawa na siyang hindi maganda sa sarili niya.

Paglapit ko ay agad kong hinawakan ang mukha niya tinapik at tinawag ang pangalan niya. Idinikit ko rin ang tenga ko sa dibdib niya at lumuwang ang dibdib ko ng marinig kong tumitibok ang puso niya.

Inayos ko nalang ang kumot sa katawan niya at umalis mula sa pagkakaupo sa kama. Nadulas ako ng may maapakan akong bote na nasa lapag. Kahit masakit ang pwetan dahil sa pagbagsak ko ay pinilit kong huwag makagawa ng ingay. Pinulot ko ang bote ng blue label na naapakan ko kanina at nakitang ubos ang laman nito.

Muli kong tinignan si Sir Terrence na mahimbing parin sa pagtulog, hinaplos ko ang mukha niya at minasdan ang gwapo nitong mukha kahit kumakapal na ang bigotte at balbas niya dahil sa hindi pag s-shave nito. Ilang minuto rin akong nandoon at pinapanood siya habang natutulog hanggang sa nagpasya na akong iwanan na siya doon at gawin ang mga dapat kong gawin.

"Good morning" nagulat pa ako ng makita ko si Ma'am Cecille paglabas ko sa kwarto ni Sir Terrence, mukhang pupuntahan din niya ang anak.

"Good morning din po ma'am" bati ko rin sa kanya ng makabawi sa gulat. Ngumiti ito at napansin ang hawak ko na bote ng alak, naiwan ang mga mata nito doon habang kinakausap ako.

"Kumusta naman siya?" Tanong nito na tinutukoy ang kanyang anak

"Mahimbing parin po siyang natutulog mukhang nalasing kaya hanggang ngayon ay natutulog pa" sagot ko at tinaas para ipakita ang bote ng alak

"Matagal ng panahon ng huli ko siyang nakitang uminom, siguro nga tama lang na uminom siya para makatulog siya" Sabi naman nito

"Nangingitim na nga po ang paligid ng mga mata niya halatang kulang na kulang siya sa pagtulog. Ang laki rin po binagsak ng katawan niya dahil sa hindi niya pagkain" pagpunang sabi ko sa itsura ni Sir Terrence

Bumuntong hininga si Ma'am Cecille at lumapit sa'kin at niyakap ako.

"Hindi ko alam kung hanggang kailan siya magiging ganito ikaw na sana bahala magpasensiya sa kanya. Alam kong ikaw lang makakatulong sa kanya kaya sana huwag mo siyang sukuan"

"Hindi naman po siya iba sa'kin kaya huwag po kayong mag alala, mas hahabaan ko pa lalo ang pasensiya ko at pang unawa sa kanya. Gagawin ko po lahat makakaya ko para manumbalik siya dati ngunit sa ngayon hahayaan ko muna siya dahil masyado pang sariwa yung sakit sa puso niya. Naniniwala naman po ako na makakayanan niya lahat ng ito, pagsubok lang naman ito at pagkatapos nito mas magiging matatag na po siya" sabi ko at malungkot na ngumiti

Nagkatitigan naman kami ni Ma'am Cecille at naiiyak na tumango tango at nagpaskil ng ngiti sa mga labi. Muli niya akong niyakap at sa pagkakataong ito ay naramdaman ko sa balikat ko ang mga pumatak na luha niya.

****

Dahil nalaman ni Manang Lita na uminom kagabi si Sir Terrence ipinagluto niya ito ng chicken soup para mainitan ang tiyan nito.

"Oh dalhin mo ito kay Terrence at kung mapipilit mo siya sabihin mo ubusin niya para gumaan ang pakiramdam niya, sigurado masakit ang ulo ng batang iyon dahil sa hangover" sabi ni Manang Lita na nagpangiti sa'kin. Halata kasi sa matanda ang pagmamahal sa alaga niya.

"Hayaan niyo po pipilitin ko siya kahit masigawan pa niya ako" nakangiting sabi ko

"Huwag mo nalang pala siyang pilitin at baka itapon pa sa'yo ang sabaw, alam mo naman ang batang iyon ayaw sa makulit at pinangumgunahan siya" -Manang Lita

"Sige po ako nalang ang bahala" Sabi ko at kumuha ng tray para doon ilagay ang mangkok na may mainit na sabaw.

Kumatok muna ako bago buksan ang pinto at nakita ko agad si Sir na nakaupo sa wheelchair niya. Katulad ng dati nakatanaw ito sa labas ng bintana at nakatingin sa malayo.

Tahimik na iniligpit ko muna ang dinala kong almusal niya kanina. Dinalhan ko siya ng heavy breakfast kanina pero yung ham sandwich lang ang kinain niya. Hindi rin nito ginalaw ang kape at tubig lang ang ininom. Agad ko rin napansin ang mga gamot niya na hindi niya ininom. Hindi na siya uminom ng gamot mula ng umuwi siya at hindi narin nagpa therapy.

"Sir may dala akong soup para mainitan ang tiyan mo, si Manang ang nagluto nito at ibinilin sa'kin na ipaubos sa'yo" Sabi ko habang nakatingin sa kanya. Wala siyang reaction at tila hindi narinig ang sinabi ko.

"Sir higupin mo na habang mainit pa, hindi na kasi masarap kapag lumam-"

"Pwede bang tumahimik ka at umalis nalang?! Napaka ingay mo!" Sigaw nito na nanlilisik ang tingin sa akin

Napakagat naman ako ng labi at tumango.

"S-sige po Sir" Sabi ko pa

"Umalis kana!" Muling sigaw nito kaya naman nagmadali akong lumabas. Hindi ko man lang nagawang dalhin yung pinagkainan niya.

Dahil hindi ko napigilan ang pagtulo ng mga luha ko ay pumasok ako sa kwarto ko at doon binuhos ang mga luha ko. Ayokong makita ako ng mga kasamahan ko na umiiyak dahil ayokong mas maawa sila sa'kin. Umiyak lang ako ng umiyak, kulang nalang ay sumigaw ako para mabawasan yung bigat ng nararamdaman ko.

Naghilamos at nag pulbos ako bago lumabas ng kwarto ko, sana lang walang makapansin sa bahagyang pagmamaga ng mga mata ko.

****

Lahat kami nagulat ng makita naming lumabas si Sir Terrence sa kwarto niya. Nasa sala kasi kami at nanonood ng drama.

"Sir saan ka pupunta?" Tanong ko na mabilis na tumayo at nilapitan siya.

"Ikuha mo ako ng alak" Sabi nito habang pinapaikot ang sariling gulong ng wheelchair niya papunta kung saan naroon ang liquor racks nila.

"Pero Sir ang aga pa para uminom" Sabi ko ng makarating kami sa tapat ng mga lagayan ng alak.

"Hindi ko hinihingi ang opinyon mo! Kunin mo iyon!" Turo nito sa alak na may tatak na Dalmore. Nang hindi ako gumalaw para kunin iyon ay tinignan niya ako ng masama at isinigaw ang pangalan ni Margie. Mabilis naman lumapit sa'min si Margie at sinunod ang inuutos ni Sir Terrence sa kanya.

"Palayasin niyo ang babaeng yan, ayoko ng makita ulit ang pagmumukha niya" madilim ang mukhang sabi nito bago niya muling pinaikot ang mga gulong ng wheelchair niya palayo. Sumunod naman si Margie sa likuran niya dahil baka may iutos pa ito sa kanya.

Bigla akong nanlambot sa kinakatayuan ko. Mabuti nalang agad akong nahawakan ni Ate Kiray at inalalayan para makaupo sa bar stool na naroon.

"Huwag mong pansinin ang sinabi ni Sir wala pa siya sa sarili niyang katinuan" Sabi ni Ate Kiray

Wala akong naging tugon kundi ang tahimik na pag iyak. Hinagod naman ni Manang ang likuran ko upang pagaanin ang kung ano mang nararamdaman ko ngayon.

****

Baby Big Boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon