Chapter 43

2.2K 35 0
                                    

Lizzy's Pov

"Hindi mo naman ako kailangan ihatid sanay naman ako mag commute at maaga pa" Sabi ko.

Nagkatitigan kami at sa huli ako rin ang sumuko. Bakit ba kasi lalo siyang gumagwapo sa paningin ko kapag nagpapa cute at pini please ako. Okay sige ako na ang marupok.

"Oo na po sige na pero mamaya pa okay? Tapusin ko muna trabaho ko ang aga pa kaya" Sabi ko sabay tingin sa relo ko alas kwatro palang ng hapon. Gusto kasi niya ihatid na ako sa bahay dahil day off ko bukas.

"Alright mamayang 5 o'clock nalang" malapad ang mga ngiting sabi niya na ikinatawa ko ng mahina

"Nagsawa kana sa mukha ko kaya atat na atat kang umuwi na ako no?" Natatawang sabi ko

"Baby alam mong hindi yan totoo, kung pwede nga dito ka nalang dahil mamimiss kita ng sobra. But I understand that you need to go home to rest and spend time with your family.  I can endure a day without you pero isang araw lang, kung hindi susunduin kita sa bahay niyo para ibalik ka dito" sagot naman niya

"Ay sus!" Sabi ko nalang at dinampihan siya ng halik sa labi.

"I did not expect that isa pa" tukoy nito sa pagkiss ko sa kanya. Ngumuso pa siya at naghintay pero tinawanan ko lang siya.

Mahigit isang buwan narin simula ng sabihin namin sa lahat ang relasyon namin. Parang kahapon nga lang ng ipakilala ko siya kay Mama at Leanna bilang boyfriend ko.

*****

Sa kakapilit sa'kin ni boss na umuwi ng 5 o'clock at huwag ng maghintay ng 7 pm ay pumayag narin ako. Actually 4:30 palang at wala pang 5 pm, maaga kasing umuwi si Ma'am Cecille kaya libre na si Mang Jun para ipag drive kami.

"Mang Jun daan muna tayo sa The Pantry may bibilhin lang ako" utos ni Sir Terrence

"Sige po Sir" sagot naman ni Mang Jun

"Anong bibilhin mo?" Tanong ko naman

"Masarap sushi nila doon gusto ko dalhan sina Mama at Leanna para matikman nila" nakangiting sagot naman nito

"Mang Jun diretyo na po tayo sa bahay hindi na po tayo pupunta dun sa The Pantry na sinasabi ni Sir Terrence" mabilis na sabi ko kay Mang Jun at tumingin ulit kay Sir Terrence "kaya ayokong magpahatid sa'yo kapag umuuwi ako kasi lagi nalang ganito, hindi mo naman kailangan magdala ng pasalubong sa pamilya ko satwing hinahatid mo'ko sa bahay" Sabi ko

"Ayaw ba ni Mama?" Inosenteng tanong pa niya

"Hindi sa ayaw pero kasi hindi mo naman kailangan gawin iyon kung nagpapa impress ka lang" Sagot ko

"Baby look hindi ako nagpapa impress lang sa pamilya mo okay? kaya ko naman ibigay at maliit na bagay lang naman iyon. Ayoko din naman pumunta sa bahay niyo na wala akong dala kahit papaano pamilya ko narin ang pamilya mo" Sabi naman niya

"Naiintindihan ko naman I'm sorry, pero Sir ayoko lang kasi baka isipin mo na obligado ka pasalubungan pamilya ko kada uuwi ako na kasama ka. Pwede ka naman kasi pumunta sa bahay na walang dala ng kahit ano" Sabi ko

"Hindi ko naman inoobliga ang sarili ko ginagawa ko'to kasi gusto ko maliit na bagay lang naman to pagbigyan mo nalang ako" Sabi niya habang nakatingin ng diretyo sa mga mata ko. Pilit akong nagpakawala ng ngiti at tumango nalang.

"Mang Jun tuloy tayo sa The Pantry House" utos ulit ni Sir Terrence. Nag okay naman si Mang Jun at tumahimik nalang ako habang nakatingin sa labas ng bintana.

Baby Big Boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon