Chapter 41

2.3K 43 0
                                    

Lizzy's Pov

Tulad ng nakasanayan babangon ako ng 5 o'clock ng umaga at maghahanda para mag jogging. Tamang stretching muna bago mag jog sa park ng village.

Hindi ko nakita si Gladys o Jayson ngayon kaya parang ang boring ng pag j-jogging ko. Iba talaga kapag may kasabay ka at nakaka kwentuhan. Nung malapit ng mag ala sais ay bumalik na ako sa bahay para naman maihanda at maiayos mga gagamitin ng boss ko. Nang maalala ko ang boss ko ay namula ako, sa totoo lang napuyat ako kagabi kakaisip sa kanya at hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na boyfriend ko na siya. Akala ko nga kaninang magising ako ay panaginip lang pero nabasa ko chat niya sa'kin kagabi.

Pagdating ko sa bahay ay agad akong naligo after nun ay kumatok na ako sa kabilang kwarto upang ayusin ang mga gagamitin ni Sir Terrence. Simple lang naman ginagawa ko nilalagyan ko lang ng toothpaste yung toothbrush niya, malinis na towel na gagamitin niya pagpunas ng mukha niya. Naka ayos naman na kasi yung skincare routine niya at kukunin niya nalang. Di naman siya mababasa dahil pinasadya yung lavatory basin niya.

"Good morning" masiglang bati niya sa'kin pagpasok ko sa kwarto niya

"Good morning boss" bati ko din sa kanya "ayusin ko lang gagamitin mo" Sabi ko sa kanya at naglakad papunta sa banyo niya

"No need tapos na ako naghilamos" Sabi niya at lumapit sa'kin

"Tapos kana? Bakit di mo ako hinintay ang aga pa ah" Sabi ko dahil literal na six twenty palang at six thirty siya lagi naghihilamos na tumatagal ng halos 20 minutes kung minsan.

"Binawasan ko lang trabaho sa umaga para mas makasama ka ng mas matagal" sagot naman nito "now where is my good morning kiss?" Sabi pa niya na ikinapula ko ng husto

"Tigilan mo nga ako" galit galitan na sabi ko "huwag mo na ulit gagawin 'to hintayin mo'ko para maasikaso ka. Wala na nga akong gaanong ginagawa dito babawasan mo pa trabaho ko. Atsaka Sir ang aga aga kung ano ano sinasabi mo"

"Gusto ko lang naman makasama ka ng mas matagal at good morning kiss" sabi naman niya

Umikot ako sa likuran niya at hinawakan ang wheelchair niya.

"Sir maghapon po tayong magkasama at oras po ito ng trabaho ko kaya wala pong good morning kiss, okay na yung magbatian tayo ng good morning pero walang kiss" Sabi ko habang tinutulak yung wheelchair niya papunta sa kama niya.

" But even so, you're still my girlfriend at gusto ko lang naman ng good morning kiss" sagot niya sa'kin kaya umupo ako sa kama niya at humarap sa kanya

"Kahit ano pa dahilan mo caregiver mo parin ako at ayokong mahaluan ang trabaho ko ng ibang bagay. Labas ang trabaho ko sa personal kong buhay okay ba boss?" Nakangiting sabi ko habang nakatingin sa kanya

"Hindi ko naman sinabi na huwag mo ng gawin ang trabaho mo, ang ginawa ko lang naman kanina ay binawasan ko gagawin mo. Hayaan mo 'di na mauulit, 'di na kita pangungunahan at hahayaan kang gawin ang trabaho mo katulad noong dati. Pero I want to remind you that in addition to being my caregiver, I am also your boyfriend and it's not bad to ask you for a kiss" Sabi naman niya. Pilit kong tinatago lumabas ang ngiti ko pero hindi ko narin napigilan ang sarili ko

"Hindi ka talaga magpapatalo no?" Nakangiting sabi ko at nagkusa na akong bumalik sa labi niya. Actually mabilis lang yun smack lang at nakita ko sa expression niya na nagulat siya. "Okay na po siguro tayo dun sa kiss na yon no boss?" Sabi ko pa

"Kiss ba iyon?" Pag iinarte pa niya pero tinaasan ko ng kilay at tumahimik naman siya

"Nakakapanibago ka ang daldal mo na" Sabi ko

Baby Big Boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon