Lizzy's Pov
Nakangiting nakipag kamay kami sa mag asawang bumili ng bahay at lupa namin. Halos isang buwan din ang naging transaction namin sa kanila buhat ng mag desisyon kaming ibenta iyon sa kanila.
Ang kwento ng mag asawa ay binenta nila ang mga ari arian nila sa Iloilo upang lumipat dito sa Manila at dito na manirahan. Maliban daw kasi na laging sinasalanta sila ng bagyo doon ay dito na sa Manila nagtatrabo ang padre de pamilya nila at dito narin balak mag aral at magtrabaho yung mga ana nila. Nakiusap din kami sa kanila na bigyan pa kami ng isang linggong palugit para tumira sa bahay at pumayag naman sila. Inaayos pa kasi namin yung bahay na lilipatan namin sa Pampanga.
"Maraming salamat po sa pag intindi sa kalagayan namin, huwag po kayong mag alala kapag nahakot na lahat ng mga gamit namin aalis din kami agad sa bahay kahit wala pang isang linggo" Sabi ni Mama
"Okay lang po may isang buwan pa naman kami sa apartment na nirerentahan namin. Hindi rin naman kami agad lilipat sa bahay dahil aayusin pa namin ng kaunti" sabi ni Tita Becky na bumili ng bahay namin. Ma'am Becky talaga tawag ko sa kanya at Sir Fred sa asawa niya pero masyado daw pormal kaya Tita at Tito nalang daw. Naging ka close ko rin yung anak nilang si Betinna at nagpatulong sa'kin pumasok sa kumpanyang pinapasukan ko. Ang huling pag uusap namin ay nakapasa siya at mag t-training na siya.
Tungkol naman sa trabaho ko na pinanghihinayangan ko talaga, hindi parin ako makapag desisyon kung mag r-resign ako o mag a awol nalang. Nasabi ko narin ang balak ko sa sub at team leader namin. Ang sabi nila mag resign ako para kung sakaling gusto kong bumalik para magtrabaho ulit doon ay malinis ang record ko. Madali lang naman daw magpasa ng resignation letter, pero kung wala naman akong balak bumalik pa at ayoko ng maraming cheche bureche mag awol nalang daw ako.
"So paano mauna na kami at may mga aasikasuhin pa din kami" paalam nila
"Ihahatid ko na po kayo sa labas" Sabi ko at hinatid namin ang mag asawa sa labas ng bahay. "Mag ingat po kayo" paalam ko pa at muling nagpasalamat naman si Mama bago sila tuluyang umalis sakay ng isang kotse na sinabi nila ay hiniram lang nila.
Bago kami pumasok sa loob ng bahay ay kapansin pansin ang mga kinikilos ng mga marites. Tiyan na kami na naman ang topic nila dahil may bisita kami kanina pero ayoko ng magpa apekto bahala sila.
Pagbalik namin sa sala ay muli naming binilang ni Mama yung one point five million na cash na ibinayad nila. Nagpauna na kasi sila ng isang milyon na down payment two weeks ago para daw masigurado nilang hindi na magbabago ang isip namin. Prinesyohan namin ng tatlong milyon ang bahay at lupa ngunit nakuha sa tawaran ng dalawa't kalahating milyon nalang. Sila na din daw ang bahala magbayad sa tax declaration at yung pagpapalipat sa pangalan nila sa titulo.
"Sasamahan mo ba ako na I deposit ang pera o ako nalang?" Tanong ko kay Mama
"Napakalaking pera niyan kaya mo bang mag isa?" Tanong ni Mama
"Huwag kayong mag alala p-protektahan ko ito higit pa sa buhay ko. Ito yung kapalit ng bahay natin at ito yung natitira at huling pag asa natin" sabi ko
"Kung sakaling may mangyaring hindi maganda ibigay mo nalang ang mahalaga ligtas ka" natawa naman ako sa sinabi ni Mama
"Malapit lang naman yung banko Ma huwag ka ngang mag isip ng nega. Buti pa iwan ko sayo itong isang daang libo at ikaw ang magtabi. Idedeposito ko lang 'tong iba para masigurong safe ang pera" Sabi ko
"O sige ikaw ang bahala mag ingat ka at umuwi ka agad. Magpa service ka nalang kay Tino nakita ko siya sa labas kanina" bilin nito
"Okay Ma, sige na aalis na ako" paalam ko
BINABASA MO ANG
Baby Big Boss (COMPLETED)
RomanceSi Lizzy Ocampo ay simple lang ang gusto sa buhay yun ay ang mabigyan niya ng magandang buhay ang kanyang pamilya. Namasukan siya bilang isang caregiver sa isang pamilya at sinwerte naman siya sa kanyang naging amo at itinuring siyang kapamilya. Hin...