Chapter 23

2.6K 59 3
                                    

Talitha's Pov

Apat na araw din bago gumaling si Boss sa sakit niya. May sumpong na naman siya kaya nandito ako ngayon sa kusina kasama si Manang habang nanonood ng drama.

"Hindi kapa nasanay kay Sir huwag mo kasi siyang sinasagot sagot" payo ni Manang ng magreklamo ako sa kanya dahil nga may sumpong na naman amo namin.

"Hindi naman po eh, kapag naman kasi hindi ko siya sinasagot nagagalit din siya, para siyang babae na nireregla" simangot na sabi ko

"Intindihin mo nalang" sagot naman nito

"Lagi ko naman siyang iniintindi ako ba iniintindi niya? hindi naman po eh" may lungkot sa boses na tanong ko

"Alam mo anak, hindi lang pinapakita ni Sir pero sigurado iniisip din niya kapakanan mo. Ayaw niya lang ipakita dahil baka isipin natin na mahina siya kaya naman tinatago nalang niya sa loob niya" bumuntomg hininga ako at tipid na ngumiti kay Manang

"Alam ko naman po na may mabuting puso si Boss talagang sensitive lang po siguro ako ngayon"

"Kapag may ganyan kang nararamdaman dapat kumain ka, gusto mo ba ng ice cream?" Napangiti naman ako

"Sige po pahingi ako" nakangiting sabi ko

Hindi ako mahilig sa ice cream pero halos maubos namin ni Manang yung 1.5L na keso flavoured ice cream. Kung hundi lang kami sinita ni Ate Kiray dahil hindi daw kami nag si share hindi ko pa mapapansin na nakarami na ako ng kain.

"Thank you sa pa ice cream Manang, puntahan ko lang si Boss baka may gustong iutos" sabi ko

"Hayaan mo nga si Sir dito ka lang kumain tayo, sa lahat ng mga nag alaga sa kanya ikaw lang ang bukod tangi na gustong inuutusan niya" natawa naman ako sa sinabi ni Ate Kiray

"Hindi naman sa gusto kong inuutusan niya ako, ayoko lang kasi topakin siya kapag hindi ko ginagawa trabaho ko, kailangan ko din kasing i massage paa niya kasi magsisimula na siya ng therapy sa makalawa" sagot ko

"Mabuti pumayag na siya magpa therapy no? Tagal na kayang kinukulit ni Ma'am Cecille at ni Ma'am Shaina yang si Sir na magpa therapy" sabi pa ni Ate Kiray. Napaisip tuloy ako kung pumayag nga ba si boss o pinangungunahan ko na naman siya.

"Sige mauna na ako baka magpakuha din siya ng meryenda eh" paalam ko at tumalikod na sa kanila.

Habang naglalakad papunta sa kwarto ni Boss hindi mawala sa isip ko yung therapy niya. Pumayag ba siya? Parang hindi eh. Paano kung magalit na naman siya sa'kin dahil pinangunahan ko siyang mag desisyon? Huwag naman sana niya akong tanggalin sa trabaho, kailangan ko pa naman ang trabaho ko dito.

Kumatok muna ako bago ko binuksan ang pinto, nakita ko naman siya na mukhang bagong ligo, may mga basa kasing nakakalat sa sahig at basa din ang wheelchair niya. Nakaupo ito sa kama niya habang may binabasa siya.

Niligpit ko yung dalawang towel na ginamit niya at pumasok sa banyo para kunin yung marurumi niyang damit. Lumabas din ako agad sa kwarto niya para kumuha ng mop para patuyuin ang sahig niya.

"Sir gusto mo ng meryenda?"

"Sige" hinihintay ko pa na may sabihin siya pero yun lang talaga. Bitbit ang mop na ginamit ko at mga basahan na pinampunas sa wheelchair niya ay lumabas ulit ako sa kwarto niya.

"Sir meryenda ka po muna' magalang na sabi ko pagka baba ko ng food tray sa side table niya.

"Iwanan mo nalang diyan" hindi parin siya tumitingin na sabi niya

Baby Big Boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon