Lizzy's Pov
Mabilis lumipas ang mga araw at nakalipat na kami sa probinsya. Hindi pa tapos ang pag aayos sa bahay na binili namin kay Auntie pero pwede ng tirhan. Yung minanang lupa pala ni Mama na dapat paghahatian nilang magkakapatid ay hindi na niya kinuha. Kinuha kasi ni Auntie yung parte ni Mama, pinaayos kasi ni Auntie yung lumang bahay nina Lolo at pinalaki niya iyon.
Dahil nahihiya si Auntie sa nagawa niya ay binenta nalang niya sa'min yung bahay at lupa na hindi niya napatapos maipagawa sa'amin. Kung tutuusin mas maliit yung lote kumpara sa dapat mamanahin ni Mama. Pero dahil narin sa kapatid niya ito at kahit papaano'y nasimulan na yung bahay ay tinanggap na niya. Humingi nalang si Auntie ng isang daang libo bilang bayad sa nagastos niya sa bahay. Kung iisipin maliit na halaga nalang yung one hundred thousand kung ihahambing sa natapos na sa bahay. Pinatapos nalang namin yung bahay na may dalawang palapag at pinadagdag ng isa pang kwarto para tig iisa kami. Wala naman kaming masyadong binago maliban lang dun sa kwarto at sa kusina. Gusto kasi ni Mama na malaki yung kusina kaya ginamit narin namin yung sobrang lote sa likuran para gawing dirty kitchen.
So far maayos naman ang lahat. Nakakatuwa dahil pinagluto pa kami nina Auntie sa pagdating namin, para ngang may fiesta. Tumulong din ang mga pinsan ko at ibang kapitbahay na lalaki sa pag hahakot ng mga gamit namin at sa pag aayos sa loob ng bahay.
Naging mainit ang pagtanggap sa'min ng mga kapitbahay at mga tao doon. May nagbigay pa nga ng mga gulay sa'min na never nangyari nung nasa Maynila pa kami. Wala kasing libre doon at lahat may bayad. Ngayon palang masasabi kona na gusto ko dito sa probinsya.
****
Ang balak talaga namin ni Mama na mag imbita ng pari para sa house blessing kapag natapos na yung bahay. Ang kaso ay nag imbita na si Auntie which is okay lang, mas okay nga kasi matutulog kami sa bahay na may basbas. Humingi naman siya ng pasensiya sa'min kung pinangunahan niya kami, nagkusa daw kasi si father na mag offer na siya na ang mag bless nitong bahay pagkalipat namin. Nalaman ko rin na kamag anak namin si father dahil Tito daw nito si Lolo sa pinsan.
Marami pang nagpakilala sa'min at halos magkakamag anak pala kami. Lahat kami may connection sa pamilya, nakakatuwa dahil sa Maynila wala kami ni isang kamag anak. Nag iisang anak lang kasi ang Papa ko at maaga siyang naulila sa magulang.
Nang matapos ang kainan ay nagsipag uwian narin ang mga bisita. May mga naiwan para tumulong samin sa paglilinis at sobrang na appreciate namin iyon. Lalo na dahil hindi sila humingi ng bayad o kapalit.
Dahil madilim na nagpasya narin kaming magpahinga. Hindi pa kami totally tapos sa pag aayos sa bahay pero kailangan na namin magpahinga. Hindi naman ganoon kalayo ang Pampanga sa Manila pero nakakapagod parin yung byahe namin lalo na't wala kaming pahinga. Isa pa kailangan rin bumalik ni Leanna sa Manila bukas, may pasok pa kasi siya sa susunod na araw at may mga documents pa siyang aasikasuhin para sa paglipat niya. Ilang araw nalang naman siya doon at thakful talaga kami sa family ng kaibigan niya na pinayagan siyang makituloy dun muna.
****
Alas tres na ng hapon ng umalis si Leanna, tinulungan pa kasi niya kaming mag ayos ng bahay. Sa ngayon okay naman na ang lahat, napapabilis talaga ang trabaho kapag nagtutulungan ang lahat.
"Ano next step natin Ma?" Natatawang tanong ko kay Mama. Wala na kasi kaming ginagawa.
"Ayaw mo bang magpahinga muna bago magkikilos ulit?" Tanong niya na hindi sinagot ang tanong ko.
"Siyempre gusto kaso hindi ako sanay na tahimik paligid natin, ganitong oras sa Manila marami ng Marites nagkukumpulan sa labas, mga naglalarong bata na nakikipag patintero sa mga sasakyan. Mga umiinom na nag v-videoke at mga kapitbahay na sumisigaw sa kakasaway sa mga asawa't anak" nakangiting sabi ko
BINABASA MO ANG
Baby Big Boss (COMPLETED)
RomanceSi Lizzy Ocampo ay simple lang ang gusto sa buhay yun ay ang mabigyan niya ng magandang buhay ang kanyang pamilya. Namasukan siya bilang isang caregiver sa isang pamilya at sinwerte naman siya sa kanyang naging amo at itinuring siyang kapamilya. Hin...