Chapter 60

2.3K 46 19
                                    

Lizzy's Pov

Ang bilis talaga ng panahon. Kapag talaga nagsumikap ka pagpapalain ka. Lahat ng pagtiis at paghihirap masusuklian ng ginhawa basta magpatuloy ka lang at huwag susuko kahit gaano pa kahirap. Naniniwala ako na hindi ibibigay sa'yo ng Dakilang Lumikha ang mga pagsubok kung hindi mo kaya. Lahat ay may dahilan at kasagutan at lahat ay may hangganan.

Dalawang taon na simula ng manirahan kami dito sa Pampanga at hindi ko inaasahan na magiging maganda ang buhay namin dito. Mabuti nalang talaga at nakinig ako kay Leanna at Mama na lumipat nalang dito.

May mga pagkakataon din naman na nahirapan kami, nagkakaroon ng problema lalo na sa tindahan pero naaayos din naman. Hindi kami pinapabayaan ng may kapal at alam namin na ginagabayan din kami ni Papa.

Wala naman gaanong nagbago sa pamumuhay namin pero masasabi kong smooth at stable ang income namin. Kung dati mga kapitbahay lang namin bumibili sa mga frozen foods na timpla ni Mama ngayon ay nag s-supply na kami sa mga nagtitinda sa palengke. May tatlong katulong narin kami sa pag r-repack ng mga paninda ni Mama pero dalawang beses lang sa isang linggo, parang part time lang nila kumbaga. Hindi na kasi namin kakayanin na kaming dalawa lang ni Mama dahil sa demand ng mga orders sa'min. Hindi rin nakakatulong sa'min si Leanna dahil busy sa pag aaral at boyfriend niya.

Mas lumaki narin ang frozen meat na paninda ko. Kung dati isang malaking freezer lang ang gamit ko ngayon ay naging tatlo na. May mga nagdedeliver na sakin ng kahon kahon na frozen meat at minsan ay isda rin. Dito narin sa'kin bumibili si Mama ng mga karne na ginagamit niya. Mula kasi ng lumaki at dumami mga customers namin naisipan namin na ipaghiwalay nalang ang kita sa paninda niya, sa sari sari store at sa frozen products na paninda ko.

"Bakit kasi hindi ka kumuha ng tao mo ng hindi ka nahihirapan mag isa dito" puna sa'kin ni Paloma na naging kaibigan ko. Lagi siyang tumutulong sakin sa tindahan kapag may oras siya lalo na kapag day off niya. Sana all nalang talaga may day off, pinaka pahinga ko kasi ay ang pagtulog ko lang. Wala akong panahon para mag relax at grateful naman ako, ibig sabihin kasi super bless ako dahil maganda ang takbo ng negosyo.

"Kaya ko naman andiyan ka naman eh" nakangiting sabi ko sabay kindat sa kanya habang inililipat yung mga frozen meat sa freezer.

"Eww.. kinakabahan na ako sa'yo ah! Kung hindi lang kita nakitang may tinitignan na picture ng lalaki iisipin ko talaga na tomboy ka at type mokong bruha ka!" Sabi nito

"Huwag ka ngang maingay baka marinig ka ni Mama" Sabi ko naman na tumingin pa sa labas.

Isa sa mga napansin ko rin dito sa Pampanga ay ang lakas ng mga boses ng mga tao. Akala mo nakikipag away pero may kausap lang sila.

"Luh! Hindi naman ako sumisigaw ah!" Umirap na sabi naman niya at pinagpatuloy ang ginagawa nitong pagbibilang ng mga kahon.

"Hindi ka nga sumisigaw pero parang sumisigaw ka sa lakas ng boses mo. Sinabi ko naman sa'yo na ayokong mag alala Mama ko at kapatid ko sa'kin kapag nalaman nila ang nalalaman mo" Sabi ko

"Bakit kasi hindi mo pa sagutin si Daniel o kaya si Teddy mukhang seryoso naman sila sa'yo" Sabi pa nito

"Kung may nararamdaman akong spark sa kanila sasagutin ko sila kaso wala eh, kaya nga tinapat ko na sila na humanap nalang iba. Ang kaso hindi daw sila susuko edi bahala sila. Mabait naman sila gentleman pero hanggang kaibigan lang pwede kong I offer sa kanila" Sabi ko at nag unat ng kamay at likod

"Baka naman kakahintay mo ng spark na yan tumanda kang dalaga. Sesssh bente otso kana!" Napatakip naman ako ng tenga at tinawanan siya

Baby Big Boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon