Lizzy's Pov
Kahit tatlo lang kami sa bahay ay sinisiguro naming nagkakaroon kami ng oras kahit sobrang busy namin. Tulad ngayon araw ng sabado may meeting kaming pamilya.
"Ma, Ate" simula ni Leanna. Ang sabi kasi niya may sasabihin siyang mahalaga kaya seryosong tinipon niya kami sa sala.
"Sige magsalita ka" Sabi naman ni Mama ako naman ay tumango sa kanya
"Alam niyo naman na sa susunod na buwan matatapos na school year" Sabi nito at tinignan muna kami bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Ang totoo niyan may ginawa ako na maaring ikagalit niyo kaya ngayon palang humihingi na ako ng pasensiya" sabi niya na nagpakaba sa'kin
"H-huwag mong sabihin nag shift ka ng course mo o tumigil ka?" Nautal na tanong ko sa kanya. Mabilis na umiling naman siya kaya nakahinga ako ng maluwag
"Kung ganoon anong ginawa mo na pwedeng ikagalit namin ng ate mo?"
"Ma alam ko naging selfish ako at nagdesisyon ng hindi sinasabi sa inyo ni Ate at walang permiso niyo, pero pwede pa naman bawiin kung ayaw niyo talaga"
"Bakit hindi mo nalang diretyahin at binibitin mo pa kami? Sabihin mo nalang ng malaman namin ng Ate mo at matulungan ka habang maaga kung may problema ka"
"Kasi Ma nung isang araw may nabasa akong post sa Facebook. Ang sabi doon naghahanap sila ng house and lot na pwedeng lipatan agad dito sa area natin. Wala sa loob ko na inoffer ko itong bahay at naging interesado sila. Ilang beses ko na silang nakausap at na meet ko narin yung mag asawa na bumili ng bahay natin, gusto nga nila na makita sana pero sabi ko I schedule muna namin" Sabi nito
"Anong pumasok sa isip mong bata ka at gusto mong ibenta itong bahay natin? Saan tayo titira kung sakali?" Sabi ni Mama na napatayo at nagparoot parito sa sala. Magsasalita narin sana ako pero nagsalita ulit si Leanna
"Umupo ka muna Ma at pakinggan ako. Kung ayaw niyo kasi suggestion ko pwede namang tumanggi dun sa gustong bumili" Sabi ni Leanna. Napatingin naman ako kay Mama na huminto sa paglalakad at seryosong tinignan si Leanna bago umupo
"Diba may lupa ka naman na minana kina Lolo sa Pampanga? Pwede tayong doon nalang tumira. Gamitin natin yung perang mapagbibilhan ng bahay natin dito para magpagawa ng bagong bahay doon. Nag research din ako may state university doon na pwede kong pasukan. Atsaka Ma kung doon tayo hindi na tayo ma sstress sa mga marites na kapitbahay natin na iniisip na nagtatrabaho si Ate sa bar kaya inuumaga sa pag-uwi" Sabi nito
"Kahit na. Hindi mo ba naisip na itong bahay ang kauna unahang napundar nila ni Mama? Nandito rin si Papa at hindi pa tapos ang kaso niya" Sabi ko naman
"Kung nandito si Papa sigurado papayag siya sa naisip ko. Pwede naman natin siyang dalawin sa puntod niya tuwing namimiss natin siya. Hindi na kasi tayo tulad ng dati na nirerespeto dahil sa kanya. Nakalimutan na siya ng mga tao at mga kabutihan naitulong niya. Oo nga ito ang kauna unahang maipundar nila ni Mama pero sapat na dahilan ba 'yon para mag stay tayo kahit stress na tayo sa kakaisip sa problemang pinansyal tapos idadagdag mo pa yung stress na dulot ng kapitbahay? Gusto ko ang lugar na ito at mahal ko ang lugar na ito, hindi lang pinundar nila Mama at Papa to, dito rin ako sa bahay na'to lumaki at nandito rin ang mga pinaka masayang alaala ko" Sabi nito
BINABASA MO ANG
Baby Big Boss (COMPLETED)
RomanceSi Lizzy Ocampo ay simple lang ang gusto sa buhay yun ay ang mabigyan niya ng magandang buhay ang kanyang pamilya. Namasukan siya bilang isang caregiver sa isang pamilya at sinwerte naman siya sa kanyang naging amo at itinuring siyang kapamilya. Hin...