Chapter 65

2.3K 50 8
                                    

Lizzy's Pov

Isang linggo ng narito si Terrence at napapansin ko na unti unting nag iiba ang pagtrato ni Mama at Leanna sa kanya. Marahil dahil naaawa ang mga ito sa kanya.

Kada umaga pagkagising ko ay malinis na ang bakuran. Alas singko palang kasi nandito na si Terrence at nagwawalis ng bakuran namin pati sa harapan ng tindahan.

Sa isang linggong  na nandito siya ay hindi pa siya bumabalik sa Maynila. Sinubukan narin siyang pauwiin ulit ni Mama dahil may trabaho siya pero sinasabi nito na okay lang dala naman daw niya laptop niya. Minsan nga kapag nakikipag zoom meeting siya nandito lang siya sa tindahan. Ewan ko ba gustong gusto ko siyang nakikita kapag naka focus ito sa trabaho niya lalo akong naga gwapuhan sa kanya.

Dahil isang linggo na siya dito isang linggo narin siyang gumagastos sa motel na tinutuluyan niya. Buong araw siyang nandito at bumabalik lang sa motel para maligo at matulog. Ilang araw din na hindi namin alam kung saan siya kumakain, feeling ko hindi siya kumakain lalo na ng lunch dahil hindi naman siya umaalis dito sa tindahan. Hindi naman namin siya tinanong ni Mama hanggang sa kailan lang si Mama na nagsabi na sumabay na siya sa pagkain sa'min. Malaking tulong din naman siya sa'min at mas mabigat pa nga trabaho niya dahil nagkaroon kami ng instant tagabuhat. Hindi ko din naiwasan matawa noong minsan kay Leanna ng bigyan niya ito ng meryenda at nagsabi pa noon ng  'huwag mong isipin na mabait ako dahil hindi talaga. Ayoko lang yung kumakain ako tapos yung iba hindi. Kahit asong gala nga pinapakain ko' obvious naman kasi na para kay Terrence yung meryenda dahil pang apat na tao ang binili niya

Hanggang ngayon ilag parin ako kay Terrence at hindi talaga siya kinakausap lalo na kung hindi naman kailangan. Hindi ko narin kasi kailangan magsalita dahil kumikilos agad siya. Hindi ko nga din alam kung bakit maging ang pagsabi ng salamat sa kanya satwing tinutulungan ako ay hindi ko magawa.

"Good morning po ngayon lang po yata ulit kayo napasyal?" Nakangiting tanong ko sa suki namin.

*Good morning din hija oo nga eh pumunta kasi kami ng Cebu ng asawa ko at nagbakasyon ng ilang araw. Pabili nga ako ng ma s-stock ko sa bahay" Sagot nito at tumingin sa mga nasa freezer

"Tapos na Ma may iuutos kapa?" sabay pa kaming napatingin ng kostumer ko kay Terrence na lumabas galing sa loob ng sari sari store. Inutusan kasi siya ni Mama kanina na lagyan ng soft drinks yung ref sa loob.

"Anak mo? Ang gwapo ah!" Sabi naman ng kostumer ko kay Mama at tinignan ang kabuuan ni Terrence. Naka puting t-shirt lang si Terrence at casual na short.

"Ah oo salamat" sagot naman ni Mama. Lumapad naman ang ngiti ni Terrence dahil siguro sa sagot ni Mama at tumingin sa pwesto ko. Poker face naman ako na sinalubong ang tingin niya. At least ngayon kahit papaano ay kaya ko ng makipaglaban ng tingin sa kanya.

"Anong pangalan mo hijo? Ang tangkad mo naman nagmana ka siguro sa tatay mo" Sabi nito

"Ah opo, Terrence po pangalan ko" magalang na sagot naman ni Terrence

"Ang tagal ko ng bumibili dito pero bakit ngayon lang kita nakita? Nagtatrabaho kaba?" Tanong pa ng Ale

"Sa Manila po kasi ako nakatira at nandoon ang trabaho ko"  -Terrence

"Ah talaga? Anong trabaho mo?" -Ale

"Isa po akong architect" magalang na sagot pa ni Terrence. Napahaba naman ang nguso ko dahil parang bigla akong naging proud sa kanya

"Wow! Ang ganda pala ng profession mo. Alam mo may anak akong dalaga na teacher,  nakapasa na siya ng LET last year at nagtatrabaho sa Isang private school. Tignan mo ang picture sandali" natutuwang sabi ng Ale at inilabas sa bag ang phone niya "tignan mo tignan mo ang ganda niya diba? Matalino pa" proud na sabi pa ng Ale

Baby Big Boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon