Chapter 25

2.4K 44 2
                                    

Terrence Pov

Sa loob ng isang linggo dalawang caregiver na ang pumalit sa posisyong iniwan ni Lizzy pero ni isa sa mga ito ay walang nagtagal. Pagkaalis ni Lizzy ay may tinawagan si Mommy na bagong caregiver at pinapunta sa bahay kunabukasan. Unang araw palang niya sa bahay ay umiiyak na agad siya at sa pangalawang araw ay nagsi alsabalutan na ito.

Dalawang araw ang lumipas ay nagpapunta na naman si Mommy ng caregiver dito sa bahay, noong una'y akala ko ay magtatagal siya dahil sa pagiging istrikto nito at pagiging propesyonal pero tatlong araw lang umalis na din siya.

Mukhang sumuko narin si Mommy sa pagbigay ng caregiver sa'kin kaya madalas si Manang ang tumutulong sa akin. Halos dalawang linggo narin ang nakakaraan mula ng umalis si Lizzy at hindi ko alam kung bakit mas naging mainitin ang ulo ko ng umalis siya. Kahapon lang ng mapaiyak ko si Ate Kiray dahil sa mga nasabi ko? Hanggang ngayon hindi ko alam kung anong mali sa sinabi ko. Siguro napagod lang siya sa mga utos ko at sa mga pgsigaw sigaw ko.

"Hi beh! Kumusta kana?" Masiglang sabi ni Margie habang nakatingin sa phone niya, mukhang hindi niya napansin na nandito ako sa patio

"Heto okay lang namimiss ka" sabi pa nito. Napangisi at iling nalang ako, aalis na sana ako dahil ayokong makinig sa lambingan nila ng boyfriend niya.

"Okay lang din sina Manang at Ate Kiray, napag kwentuhan ka nga namin nung isang araw. May darating ulit bagong mag aalaga kay Sir bukas, nakita ko yung picture sa resume niya ang ganda niya" napa kunot naman ako ng noo at nakinig pa sa pakikipag usap niya

"Wala naman nagtatagal kay Sir, ikaw nga lang ang tumagal sa kanya. Sabi mo nahihirapan kang maghanap ng trabaho diba? Bakit hindi ka nalang bumalik dito" si Lizzy ba ang kausap niya? Siya lang kasi ang nagtagal na caregiver ko.

"Ahh ganoon ba, kumusta naman business niyo? Hindi na nahihilo Mama mo?"

"Oo nga eh, pag may oras ka pasyal ka naman dito, namimiss kana kaya namin lahat dito lalo na si Thomas"

Umubo ako para mapansin ni Margie. Bakit nilalahat niya mga tao dito sa bahay eh hindi ko naman namimiss si Lizzy.

"Ay Sir nandiyan po pala kayo, sorry po hindi ko kayo napansin kanina" sabi ni Margie ng makita ako

"Sino ba yang kausap mo at ang ingay ingay mo" salubong ang kilay na tanong ko tsaka lumapit sa kanya

"Si Lizzy po Sir nag v-video chat po kami" sabi nito at pinakita ang screen ng phone niya. Nakita ko naman si Lizzy at kumaway ito sa akin.

Walang paalam na umalis nalang ako at pumasok sa loob ng bahay hanggang makarating sa kwarto ko.

Inangat ko ang telepono at walang pakialam na sumigaw doon pagkatapos may mag hello.

"Ipagdala niyo ko ng whiskey dito bilis!" Sigaw ko at pabagsak na binaba ang telepono.

Ilang sandali lang ay may narinig akong katok sa pintuan at ang pagbukas nito. Iniluwa doon si Ate Kiray na mukhang kinakabahan dahil sa panginginig ng mga kamay niya.

"Bilisan mong maglakad!" Sigaw ko dito at nagmadali nga ito at inilapag sa bilog na mesa "ang ayos ng mga paa mo hindi mo gamitin ng tama" bulyaw ko pa dito

"S-sir konti lang inumin mo ha? Bawal kasi ang alak baka hindi tumalab mga gamot mo" nabubulol pang sabi nito

"Ano bang pake mo?! Edi ikaw uminom ng gamot ko baka sakali umayos yang paglalakad mo!" Sigaw ko dito tsaka kinuha ang whiskey at sinalinan ang baso ko

"U-utos po kasi ni Ma'am na huwag kayong painumin ng alak" mahinang sabi nito

"Bakit mo'ko binigyan kung ganoon? pwede ba lumayas ka sa paningin ko baka mabato ko pa sa'yo ang hawak ko" napatingin naman ito sa basong hawak ko na may lamang alak

Baby Big Boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon