Chapter 31

2.3K 39 0
                                    

.

Lizzy's Pov

Okay na kami ni Boss napatunayan na niya na wala akong balak na masama sa kanya kasi nag sorry siya hehehe. Biglang bait nga niya at hindi ako pinahirapan painumin siya ng gamot kanina.

Paano nga pala ako napatahan ni Boss kanina? Simple lang binola lang naman niya ako. Kinuha niya ulit sa'kin yung pagkain niya tapos sinabi na masarap daw yung sawsawan na ginawa ko. Turuan ko daw si Manang Lita na gawin yun tapos biglang bawi na huwag na daw pala dahil ako na gagawa nun simula ngayon. Iba daw kasi kapag master ang gumawa. Dahil mababaw lang ang kaligayahan ko napatawa niya ako tapos okay na kami.

"Sir dinalhan ko po kayo ng juice" Sabi ko pagkatapos kumatok at pumasok sa kwarto niya. Wala siyang reaksyon nakatutok lang ang mga mata niya sa monitor ng computer niya. Nakakabilib nga e nag d-drawing siya sa tablet pero yung mata niya nasa monitor ng computer niya tapos ang ganda pa ng bahay na dino drawing niya. Tapos ang gwapo gwapo niya pang tignan kapag seryosong gumuguhit siya. Aist! Ano ba na naman itong iniisip ko! Erase! Erase! Erase! Baka masabihan na naman akong naglalaway sa kanya.

Nilapag ko nalang yung orange juice at chocolate muffin sa mesa niya at nakinood nalang din sa ginagawa niya. Amaze parin ako sa ginagawa niya na kada guhit niya hindi niya tinitignan yung kamay niya pero saktoat ang ganda ng kinalabasan.

Walang ingay na pinapanood ko lang siya at hindi namin napapansin yung oras. Ako lang din kumain at uminom ng juice niya kasi di naman niya ginalaw, sobrang naka focus siya sa ginagawa niya. Dadalhan ko nalang ulit siya mamaya hehe.

Ilang minuto pa lumipas at nilagay na ni boss yung pirma niya sa drawing niya. Nag hand over head stretching siya pati ginalaw galaw ang leeg niya. Sigurado nangawit siya maghapon ba naman siyang nakatutok lang sa computer niya.

"Wow! Ang ganda! Ang galing mo talaga boss!" Pumapalakpak na sabi ko. Tumingin naman siya sa'kin na parang nagulat pa. Hindi niya ata alam na nandito ako. Unti unting nawala ang mga ngiti sa labi ko at at napalitan iyon ng ngiwi. "Ah eh boss ikukuha lang ulit kita ng meryenda" Sabi ko tsaka kinuha yung tray na dala ko kanina at nagmamadaling umalis kaso bumalik ulit ako nakalimutan ko kasi yung baso at platito. Hindi ko nalang tinignan si bossing at halos takbuhin ko ang pintuan para makalabas lang.

Nakahinga naman ako ng maluwang ng makalabas ako ng kwarto. Ang lamig sa kwarto ni boss pero pinagpawisan ako.

"Lizzy may gagawin ka?" Tanong ni Margie ng makita akong palapit sa kanila nina Manang Lita.

"Wala naman ikukuha ko lang ng juice si Sir Terrence" sagot ko at dumiretyo sa may refrigerator at kinuha ang nakaboteng orange juice at nagsalin sa baso.

"May iuutos pa kaya siya sa'yo?"  Tanong ulit ni Margie. Kumunot ang noo ko at tumingin sa kanya

"Hindi ko alam e itatanong ko, bakit ba?" Sagot at tanong ko sa kanya

"Ehh kasi ano" sabi nito na nanulis pa ang nguso na parang bata

"Kasi ano? Ano ba yun?" Tanong ko. Na curious narin kasi ako.

"Hay na'ko bakit kasi hindi mo pa sabihin sa kanya" Sabi naman ni Manang Lita

"Mamaya ko nalang sasabihin dalhin mo muna yan kay Sir" Sabi naman ni Margie

"Ngek! Para kang Ewan diyan, kung mangungutang ka sa'kin sinasabi ko na sa'yo 500 lang pera ko" Sabi ko at nginitian si Manang Lita bago umalis sa kusina para dalhin kay boss ang juice at muffin niya.

"Hindi naman ako mangungutang may pabor lang ako" rinig kong sabi ni Margie

"Hintayin mo'ko bigay ko lang to kay Sir" Sabi ko na lumingon pa sa kanya na nakangiti

Baby Big Boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon