Lizzy's Pov
"Sir inom kana ng gamot mo" malapad ang ngiting sabi ko
Kinuha nanan niya iyon at ininom.
"Sir pupunta kaba ulit sa office ngayon?"
Hindi niya ako sinagot at nakatingin lang siya sa laptop niya.
"Kung pupunta ka ng office pwede bang dumaan muna tayo sa hospital?"
Sa wakas tumingin na siya sa akin.
Kinunot nito ang noo niya.
"Anong gagawin mo doon?" Tanong nito
"Kasi boss may check up... ako ngayon hehe" pagsisinungaling ko
"May sakit kaba?" Nag iba naman ang tono ng boses nito na tila nag aalala
"W-wala po" nautal ko pang sagot dahil na guilty "kailangan lang po" pilit akong ngumiti
"Ipapahatid nalang kita kay Mang Jun"
"Hindi pwede dapat kasama ka!" Napatutop naman ako ng bibig ng ma realize na lumakas ang boses ko.
"Bakit kailangan pa ako hindi naman ako mag papa check up" sabi naman nito. Akala mo lang hindi ikaw pero ikaw talaga.
"Kasi kailangan ko ng guardian' hindi ko alam kung saan ko napulot ang sinabi ko
"Edi si Mang Jun nalang, malala ba sakit mo bat kailangan mo ng guardian?"
"Sabi kasi ng doktor dapat boss ko kasama ko, boss ko ba si Mang Jun?" Tinaasan ko pa siya ng isang kilay
"Saang hospital ba iyan bat kailangan ako pa" inis nitong sabi
"Sa St. Lukes lang boss" sagot ko na may nakapaskil na matamis na ngiti
"Tsk!" Sabi lang niya at muling tumingin sa laptop niya "anong oras ba ng makaligo muna ako" tanong nito na nakatingin parin sa laptop niya
"Pwede ngayon pwede rin mamaya after lunch" ngiting ngiting sagot ko tsaka ito nag angat ng mukha at tinignan ako
"Anong oras mo ba gusto?" Malumanay na tanong nito
"Kung anong oras ka pwede"
"Pwede ako kahit anong oras"
"Talaga? Pwede kahit ngayon na?" Namilog ang mga mata kong tanong sa kanya
"Tsk!" Sagot naman nito na kinasimangot ko. "Ikuha mo ako ng maisusuot maliligo muna ako" sinara nito ang laptop niya at kusang pinaikot paalis ang wheelchair niya. Napangiti naman ako at sumunod sa kanya.
"Hintayin mo'ko boss!" Masayang sabi ko at hinawakan yung handle ng wheelchair niya. Tinulak ko siya hanggang makarating sa kwarto niya.
"Boss anong damit gusto mong suotin?" Tanong ko habang tinitignan ang mga damit niya
"Yung maayos" sagot nito at pumasok na siya sa banyo.
Maayos lahat ang nakikita kong damit niya mukhang bago pa nga sila. Anong klaseng maayos ba ang gusto niya? Ang dami niya kasing damit dito.
Nagandahan naman ako sa light brown na linen long sleeve rounded cuff niya na may apat na butones at welt pocket sa chest. Tinernuhan ko iyon ng gray pleated buckled slim pants. Naghanap din ako ng sapatos na ipapares sa damit niya, nakakalula sa dami ang mga sapatos niya para siyang may tindahan ng mga sapatos. Nasusuot pa kaya niya lahat ng mga to? Nag mini mini mini mo nalang ako hanggang sa kunin ang isang kahon na napili, pagbukas ko ay kulay brown leather tassel loafer iyon at napangiti ako.
BINABASA MO ANG
Baby Big Boss (COMPLETED)
RomanceSi Lizzy Ocampo ay simple lang ang gusto sa buhay yun ay ang mabigyan niya ng magandang buhay ang kanyang pamilya. Namasukan siya bilang isang caregiver sa isang pamilya at sinwerte naman siya sa kanyang naging amo at itinuring siyang kapamilya. Hin...