Chapter 27

2.3K 51 0
                                    

Lizzy's Pov

Araw ng miyerkules at tapos na ako sa mga gawaing bahay at buryong buryo na ako dito. Wala kasi si Leanna may pasok sa eskwela si Mama naman isinama ng kumare niya magluto sa birthdayan.

Binuksan ko nalang yung tv at humilata na sa may sofa. Mag m-movie marathon nalang ako kahit mga luma na ang mga pelikulang naka line up na palabas.

Sinimulan kong panoorin yung tagalog dubbed movie ni Mandy Moore na A walk to remember. Nasa kalagitnaan na ang pelikula nang simulan kong panoorin ito. Natapos ang pelikula at hindi ko napansin na naghahalo na pala ang luha at uhog ko dahil sa lungkot. Lalo tuloy akong nakaramdam ng lungkot dahil mag-isa lang ako ngayon.

Inayos ko nalang ang sarili ko at hinintay ang kasunod na pelikula. Napangiti naman ako ng makita ko ang next na palabas na ipinakita sa commercial, heto yung pinanood namin nila Manang na tawang tawa kami. Pagka alala ko kina Mang Lita ay parang biglang may umilaw na bumbilya sa utak ko at tuluyan ng napangiti.

Mabilis akong tumayo at pinatay ang tv tsaka nagpunta sa kwarto upang kumuha ng damit. Mabilis lang akong naligo at nagpalit ng damit pang alis na isusuot. Simpleng blouse at pantalon lang ang sinuot ko na pinaresan ko ng puting rubber shoes ko na 5 years na yata sa'kin.

Dumiretyo ako sa kusina at kumuha ng ilang mga frozen food sa refrigerator, nakakahiya kasi kung pupuntahan ko sila Manang Lita at wala akong dalang kahit ano. Gipit din kasi ako ngayon at nagtitipid dahil wala pa akong trabaho kaya next time nalang ako pupunta doon na may dalang ibang pasalubong.

Nag double check muna ako sa bahay bago lumabas. Iba na kasi nag-iingat lalo na at uso ang akyat bahay ngayon. Nang masigurong okay na ang lahat tsaka ako lumabas ng bahay para pumara ng tricycle.

Halos isang oras ang binyahe ko at heto ngayon nasa tapat na ako ng gate ng mga Andrada. Hindi ako nakapag text kina Margie na pupunta ako ngayon dahil naubusan ako ng load kaya isusurprise ko nalang sila.

Isang doorbell lang ang ginawa ko at mabilis akong pinagbuksan ng pinto ni Mang Caloy na lumapad ang ngiti ng makita ako. Ginantihan ko naman siya ng ngiti at kinamusta bago pa ako tuluyang makapasok.

"Mabuti naman naalala mo kami at napasyal ka, kanina lang ay nabanggit ka sa'kin ni Ma'am Cecille ng makita ang mga bulaklak" Sabi ni Mang Caloy

"Pasensiya na po ngayon lang ako nakadalaw tumutulong po kasi ako sa nanay ko sa paggawa ng paninda namin" nahihiyang sabi ko

"Ganoon ba, akala ko'y nagtatrabaho kana. Nung nakaraang linggo parang narinig ko si Kiray na nag apply ka daw bilang factory worker" Sabi pa nito

"Opo ang dami ko na nga pong inapplayan pero hanggang ngayon wala parin tumatawag sa'kin maski isa sa mga inaplayan ko" malungkot pero nakangiting sagot ko naman

"O sige na pasok kana sa loob sigurado matutuwa si Manang Lita mo at yung iba kapag nakita ka" nakangiting sabi pa ni Mang Caloy

"Sige po papasok na ako puntahan ko lang po muna sila, salamat po" masiglang paalam ko sa kanya at nakangiting nagtuloy tuloy sa paglalakad hanggang makarating sa tapat ng pintuan.

Agad akong kumaway ng mapansin agad ako ni Ate Kiray. Napahiyaw pa ito ng makita ako at tinawag na bakla. Sunod naman nagtinginan sina Manang Lita at Margie at bakas sa mukha nila ang saya ng makita ako.

"Bakla kumusta kana? Lalo kang sumexy ah!" Sabi ni Ate Kiray pagkatapos niya akong yakapin

"Pumayat ba ako? Parang di naman" nakangiting sagot ko naman

Baby Big Boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon