Lizzy's Pov
Pagkarating namin sa bahay ay nagpahatid agad si Sir Terrence sa kwarto niya. Inutusan din niya akong dalhan siya ng malamig na tubig at heto nga hahatiran ko na siya. Tanda ng pag galang kumatok muna ako bago buksan ang pintuan niya.
"Sir tubig mo po" abot ko sa isang basong tubig na may yelo
"Sa susunod huwag mo akong pangunahan magdesisyon lalo na tungkol sa lagay ko" sabi nito tsaka kinuha ang basong hawak ko.
"Pasensiya na po Sir gusto ko lang po kasing makatulong hindi na po mauulit" nakayukong sagot ko.
"Ilagay mo ang sarili mo sa lugar kung ayaw mong mawalan ng trabaho" napakagat ako ng labi sa narinig. Hindi ako pwedeng mawalan ng trabaho.
"Opo Sir sorry po ulit" sagot ko. Inabot naman niya sa'kin yung baso na nakalahati niya ang laman.
"Sige na lumabas kana gusto kong magpahinga"
"Tulungan na po kita" napahinto ako sandali sa sinabi ko, bigla ko kasing naalala yung nangyari kanina nung tulungan ko siya.
"Huwag na kaya ko na" sabi nito
"Sure ka Sir?" Alangan na tanong ko pa kahit kinakabahan
"Mas makakatulong ka sa akin kung lalabas ka" sagot nito
Bahagya akong lumayo at tinignan ulit siya.
"Sige po Sir tatawagin nalang po kita kapag kakain na" mabilis akong tumalikod at lumabas ng kwarto niya.
Pumasok ako sa kwarto ko at malalim na nag isip. Humiga ako sa kama, pumikit at inalala yung kanina. Wala naman kaso sa'kin yung pagpapaligo ko kay Sir Terrence dahil trabaho ko naman talaga iyon. Naka kita narin ako ng tweet tweet pero sa mga video scandals lang na napapanood ko, atleast alam ko kung ano ang itsura ng tweet tweet. Yung pagtulong ko sa kanya mag suot ng underwear ay parte parin ng trabaho ko kaya hindi dapat ako mag inarte, pero yung paghalik niya sakin paano ko ieexplain yon?.
Ayokong isipin yung hindi sinasadyang pagdikit ng mga labi ni Sir Terrence pero pilit na bumabalik balik sa'kin. First time ko kayang mahalikan ng lalaki, well hindi naman halik iyon pero nagdikit parin sila diba? So kiss din yon tama? Waaah! Para akong mababaliw sa kakaisip at kakasagot sa mga sariling tanong ko.
Pilit kong pinakalma ang sarili at paulit ulit na huminga ng malalim. Umupo ako sa kama ko at nag meditate ng five minutes. Ayoko munang mag isip dahil na s-stress ako sa sarili ko. Kahit papaano naman ay gumaan ang pakiramdam ko.
"Beh nandiyan kaba?" Dinig kong tawag ni Margie habang kumakatok sa pintuan ko
"Bukas yan pasok ka nalang" may kalakasang sabi ko
Nakangiting pumasok naman ito at tumabi sa'kin.
"Okay ka lang?" May pag aalalang tanong nito sa'kin
"Oo naman bakit?" Takang tanong ko
"Huwag kanang magkaila kwinento na sa'min ni Papa yung nangyari. Bakit mo naman kasi ginawa iyon? Kahit si Ma'am Cecille hindi pa naisip lokohin si Sir Terrence para lang ma check upan"
"Yun ba? Hahaha ang totoo hindi ko rin alam bat ko naisip yon eh, napansin ko kasi na in good mood siya kaya sinamantala ko na yung pagkakataon."
"Kumusta ka naman? Umiyak ka daw sabi ni Papa e, kaya kaba nagkulong dito? Nag aalala kaya kaming lahat sayo" sabi pa nito
"Ano kaba ayos lang ako, umiyak ako pero ayos lang ako. Alam ko naman na ako yung mali kaya wala akong karapatan mag inarte kaya naman mabuti pa puntahan na natin si Manang ng mahatiran ko na ng pagkain si bossing" ngiting ngiting sabi ko
BINABASA MO ANG
Baby Big Boss (COMPLETED)
RomanceSi Lizzy Ocampo ay simple lang ang gusto sa buhay yun ay ang mabigyan niya ng magandang buhay ang kanyang pamilya. Namasukan siya bilang isang caregiver sa isang pamilya at sinwerte naman siya sa kanyang naging amo at itinuring siyang kapamilya. Hin...