Chapter 44

2.2K 44 0
                                    

Lizzy's Pov

Dahil yata nasanay na katawan ko magising ng maaga kaya kahit puyat ay nagising ako ng maaga. Tulog pa si Mama ng bumangon ako, hindi naman ako nag j-jogging kapag day off ko kaya nagpasya nalang ako magwalis muna sa labas.

"Ang aga mo naman" napatingin ako sa babaeng dumaan at nginitian siya si Aling Marissa pala, may dala itong bayong at mukhang pupunta ng palengke.

"Magandang umaga po" magalang kong bati sa kanya

"Good morning din nasaan ba nanay mo at ikaw pinagwawalis niya?" Tanong nito na huminto sa harapan ko para kausapin ako

"Tulog pa po eh" sagot ko at pilit na ngumiti

"Nakakainggit yang nanay mo napaka swerte niya sa'yo, kung kasing sipag mo lang sana si Catherine wala akong magiging problema sa kanya. Ang kaso mukhang walang pangarap kuntento ng nasa bahay lang" Sabi pa niya. Nginitian ko nalang siya. Ewan ko ba kung bakit may mga tao ikinukumpura ang mga anak sa anak ng iba.

"Balita ko may jowa kana sayang hindi ko nakita pero ang sabi mukhang mayaman daw" sabi nito kaya napatingin ako sa kanya "saan mo ba nakilala yung boyfriend mo baka may kaibigan siya na single ipakilala mo naman si Catherine ko" malambing na sabi nito

"Uhm, sige po tatanungin ko siya kung may maipapakilala siya kay Cath" sabi ko nalang para matapos na ang usapan at umalis na siya

"Alam mo tama yang ginawa mo na pinairal mo ang utak mo. Anong mapapala mo sa walang kapansanan kung mahirap naman siya magugutom ka lang. Kaya tama lang na kahit lumpo jowa mo mabubusog ka naman" Sabi pa niya kaya seryoso akong tumingin sa kanya.

"Hindi naman po ako mabibili ng pera. Hindi ko naman po minahal boyfriend ko dahil mayaman siya. Opo lumpo nga po siya e ano naman po ngayon diba? Hindi naman hadlang kapansanan niya sa pagmamahalan naming dalawa" sabi ko sa kanya at tinaasan naman niya ako ng kilay

"Wala naman akong sinabing hadlang pagiging paralitiko niya kung tutuusin pinupuri pa nga kita dahil sa pagpili mo sa kanya. Alam naman ng lahat na nanliligaw yung binata ni Delfin sayo tapos makikita ka nalang namin na may boyfriend kana pala. Hindi naman kita masisisi kung yung lumpo ang pinili mo mas gaganda naman talaga buhay mo sa kanya" sagot pa niya. Gusto ko sana siyang patulan pero nagpipigil ako. Gusto kong ipaliwanag side ko sa kanya at sabihin kung bakit si Sir Terrence pinili ko pero huwag nalang. Kahit kasi magpaliwanag ako yung gusto parin niyang paniwalaan yun ang paniniwalaan niya.

"Sige po papasok na po ako" yun nalang ang sinabi ko at iniwan siyang nakatayo doon. Hindi ko na hinintay sumagot pa siya at tinalikuran ko nalang, bahala siya kung sabihin man niyang bastos ako.

Nakasimangot na pumasok ako sa loob ng bahay sakto naman na palabas si Mama sa kwarto niya. Pilit akong ngumiti ng mag tama ang mga mata naming dalawa.

"Oh! Anong ginagawa mo diyan?" Tanong nito habang ipinupusod ang buhok

"Uhm, wala nakaupo lang kakagising ko lang kasi' Sagot ko

"Ganun ba, gusto mo kape o hihintayin mo na yung sinangag? Marami pa yung natirang kanin kagabi" Sabi ni Mama

"Magtitimpla nalang ako mamaya ng akin Ma" sagot ko habang naglalakad ito papunta sa kusina

"O sige ikaw ang bahala" Sabi naman nito

Huminga muna ako ng malalim bago muling tumayo, tumingin muna ako sa labas at wala naman akong nakitang taong nakatambay doon. Siguro dahil maaga pa. Lumabas na ulit ako ng bahay at itinuloy ang pagwawalis ko.

Baby Big Boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon