Chapter 50

2K 33 0
                                    

Lizzy's Pov

Ilang araw ng tahimik na nagluluksa si Sir Terrence, madalas naririnig ko siyang umiiyak. Sinubukan kong lapitan siya pero nasa pintuan palang ako ng kwarto niya pinapaalis na ako. Ang sabi ni Ma'am Cecille ay hayaan na muna namin siya kaya yun ang ginagawa namin ngayon.

"Kawawa naman si Sir ilang araw na siyang ganyan, buti nalang napilit siyang kumain kanina ni Ma'am Cecille ng almusal" Sabi ni Ate Kiray

"Pasalamat nalang tayo nagkalaman ang tiyan niya, malay natin mamaya lang maghanap siya ng pagkain at magbalik na siya sa dati" sabi naman ni Manang Lita

"Mas gusto ko pa yung masungit siya at laging galit kaysa sa ganyang tahimik siya at ayaw makakita ng tao" -Margie

"True!" Sang ayon ni Ate Kiray

"Ikaw beh kinakausap kana ba niya?" Tanong naman ni Margie sa'kin. Mapait akong ngumiti at umiling

"Kanina sinubukan ko pero tulad ng dati hindi niya hinayaan na makalapit ako sa kanya. Hindi nga niya ako binigyan ng pagkakataon magsalita at galit na pinalabas niya ako ng kwarto niya" sabi ko

"Hintayin nalang natin na matapos pagluluksa niya, maging ako din naman nalungkot sa nangyari kay Yndra. Guilty din ako dahil hinusgahan ko siya" -Manang Lita

"Oo nga po eh pati ako nakukunsensiya sa pag iisip ng hindi maganda sa kanya. Noon pa man kasi mabait na si Ma'am Yndra, hindi niya tayo itinuring na kasambahay lang" -Margie

"Lalo na ako! Kung ano anong pinagsasasabi ko at sinusumpa ko pa siya hanggang sa pagtulog ko noong hindi siya sumipot sa kasal at sumama kay Sir Llyod!" -Ate Kiray

"Ah Lizzy pagpasensiyahan mo na kung nababastusan ka sa sinasabi namin hindi naman namin intensiyon iyon. Huwag ka nalang magpa apekto. Alam naming kayo na magkasintahan ngayon ni Terrence at yung mga sinabi namin huwag mo nalang pansinin. Ang mahalaga ngayon ay kayong dalawa ni Terrence at nakaraan na yung kay Yndra, nabuksan lang naman ito dahil sa nangyaring hindi maganda" -Manang Lita

"Huwag po kayong mag alala naiintindihan ko naman po iyon. Maging ako ay nalungkot sa nalaman ko" Sabi ko

"Mabuti pa ay tigilan na natin ang kwentuhan tungkol sa nangyari at nakaraan. Mag isip nalang tayo ng bagay na pwedeng gawin para mapabilis ang pagluluksa ni Terrence sa anak niya at kay Yndra" -Manang Lita

***

Nasasaktan ako sa pambabalewala niya sa'kin pero naiintindihan ko naman dahil sa pinagdadaanan niya. Kahit sino naman maiintindihan siya pero sana huwag naman niyang pabayaan ang sarili niya tulad ng ginagawa niya ngayon.

Magbuhat ng bumalik siya ng bahay kasama si Sir Llyod ay nagkulong na siya ng kwarto at hindi na lumabas. Hindi rin niya ginagalaw ang pagkain niya mabuti nalang kahit papaano ay umiinom siya ng tubig. Wala rin siyang kinakausap maging sino sa amin, kapag narinig niyang nagsalita ako at magsasalita pa ay pinapaalis ako. Ayoko naman mas magalit siya, po mas magalit siya dahil lahat ng lumalabas sa bibig niya kapag nagsasalita ay pagalit kaya sumusunod nalang ako.

Sa totoo lang nahihirapan ako sa sitwasyon namin ngayon pero pinipilit kong intindihin siya dahil hindi biro ang pinagdadaanan niya pero sana huwag naman niya akong balewalain. Kahit man lang sana hayaan niya akong manatili sa tabi niya para man lang may makasama siya lalong lalo na sa oras na pakiramdam niya ay hindi na niya kaya.

"Lizzy ihatid mo na pagkain ni Sir ng makakain na siya" utos ni Manang Lita. Matipid akong ngumiti at kinuha yung tray na may lamang pagkain.

"Sige po Manang salamat" Sabi ko bago umalis ng kusina

Nakasalubong ko naman si Ate Kiray ng papasok siya ng kusina at sinabing hihintayin nila ako sa kusina at sabay sabay na kaming kakain. Tumango at ngumiti naman ako sa kanya at sinabing ihahatid lang ang pagkain ni Sir Terrence.

Pagdating ko sa tapat ng kwarto ni Sir Terrence ay huminga muna ako ng malalim bago kumatok ng tatlong beses at buksan ang pintuan. Tumuloy ako sa loob at nakita kong nakaupo siya sa wheelchair niya at nakatingin sa labas ng bintana. Walang ingay na ibinaba at inayos ang pagkain niya sa mesa at kinuha yung 2 food supplement bottle niya. Kumuha ako ng dalawang capsule doon at inilagay sa tabi para mainom niya pagkatapos niyang kumain.

Tahimik na minasdan ko lang siya habang tulala siyang nakatingin sa malayo. Ang gulo ng mahabang buhok niya at tumutubo na ang mga balbas niya. Ilang araw narin siyang hindi naliligo at nagpapalit ng damit.

Naiiyak na lumabas ako sa kwarto niya pagkatapos kong palitan ang saplot ng kama niya, malinis na comforter at mga punda. Sinabi ko rin sa kanya na kumain na siya at babalik nalang mamaya para kunin ang mga pinagkainan niya.

Inayos ko ang sarili paglabas ko ng kwarto niya at nagpaskil ng ngiti habang naglalakad papalapit sa kusina kung saan hinihintay ako ng mga kasama ko para mananghalian. Ngunit unti unting nawala ang mga ngiting iyon ng marinig ang pag uusap nila.

"Kawawa din naman si Lizzy" yun ang unang narinig ko na boses ni Ate Kiray

"Kung sa'kin mangyayari yung ganyan sigurado aalis nalang ako. Oo nga nagluluksa si Sir Terrence pero dapat isipin din niya si Lizzy dahil siya na ang karelasyon nito" -Margie

"Tama, respeto ba" -Ate Kiray

"Magiging ayos din ang lahat at hindi naman habang buhay magluluksa si Terrence bigyan lang natin ng panahon. Nakita niyo naman siguro kung gaano niya kamahal si Lizzy, kailangan lang niya ngayon ng panahon at pang unawa lalo na kay Lizzy. Nakikita ko naman sa batang iyon mahal na mahal din niya si Terrence at magtitiis siya mapabuti lang si Terrence" -Manang Lita

"Sa sobrang pagtitiis nagiging kawawa siya, parang martir ba. Biruin niyo yung boyfriend niya hindi maka get over sa ex niya"  -Ate Kiray

"Iba naman kasi ang lagay nung kay Terrence. Sa mahabang panahon naniwala siya na pinagtaksilan siya ng best friend niya at ni Yndra. Lilipas din naman pagluluksa niya at babalik ulit sa dati" -Manang Lita

"Ang tanong babalik nga ba sa dati? Siyempre diba magiging okay na si Sir e kumusta naman sila ni Lizzy? Magiging katulad parin ba ng dati? Hindi ba mahihiya si Sir kay Lizzy dahil sa mga panahon na nagluluksa siya sa pagkamatay ng ex fiance niya ay napabayaan niya ang girlfriend niya at nakita pa ni Lizzy ang lahat ng iyon?" -Margie

"Nasa kanilang dalawa na iyon. Kung si Lizzy lang din naman nakikita ko na matatag siya at hindi susukuan si Terrence. Si Terrence naman hindi yan papayag na hindi makabawi kay Lizzy. Pabayaan nalang natin ang tadhana ang bahala sa kanila" -Manang Lita

"Bigla akong nagutom sa amoy ng ulam parang mapaparami yata ako ng kain ng kanin" malapad ang ngiting sabi ko at kunwaring hindi narinig pinag uusapan nila.

"Halika kana dito ng makakain na tayo" Sabi ni Manang Lita "Kiray ikaw na kumuha ng pinggan ni Lizzy" dagdag pa nito

"Huwag na po ako nalang maghuhugas din ako ng kamay" Sabi ko at nginitian si Ate Kiray

Naging magana akong kumain habang nanonood kami ng Eat Bulaga. Hindi ko ipinahalata na narinig ko ang pinag uusapan nila kanina. Kahit sobrang busog na ako pinipilit ko parin ang sarili kong kumain para mapansin nila na malakas ako, na kaya kong ihandle ang relasyon namin ni Sir Terrence kahit nasa ganitong sitwasyon.

****

Baby Big Boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon