Chapter 22

2.6K 51 5
                                    

Lizzy's Pov

Tatlong katok muna ang ginawa ko bago ko buksan ang pintuan ng kwarto ni Sir Terrence. Naabutan ko naman siyang nakatulukbong parin ng kumot kaya binaba ko agad yung tray sa side table at umupo sa tabi niya.

"Sir kain kana po" mabait na sabi ko pero hindi niya ako pinansin

"Tulog kaba?" Tanong ko ulit pero hindi niya ulit ako sinagot

"Pinagluto kita ng soup, kain kana ng mainitan sikmura mo" sabi ko at hinawi yung kumot para makita siya.

Pagtanggal ko sa kumot bumungad sa'kin yung mga mata niyang nakatitig sa akin. Ang gwapo ni boss kahit may sakit siya, kahit saang angulo ko siya tignan gwapo talaga siya. Gwapo parin siya kahit seryoso at walang pakialam ang mukha niya pero mas gumagwapo siya kapag nakangiti siya. Bigla naman akong nahiya sa sarili ko, dahil ba tinukso ako sa kanya kaya kung ano ano ang naiisip ko? Pero wala naman masama kung magka crush ako sa kanya diba? Crush lang naman dahil gwapo siya tsaka ako lang naman nakakaalam.

"Nagugutom na ako" sambit nito na nagpabalik sa'kin sa mundo ko.

"Ahh s-sige tulungan na kitang maupo ng makakain kana" nautal pang sabi ko bago ko hinawak ang mga nanginginig kong kamay sa kanya

Nang makaupo na si Boss ng maayos ay tumalikod na ako sa kanya. Tinago ko yung nanginginig na kamay ko at kinuha yung breakfast table. Pinakalma ko muna ang sarili ko at bumuga ng malalalim na hininga bago ito nilagay sa kama niya kasunod mga pagkain niya.

"Okay na Boss pwede ka ng kumain" nakangiting sabi ko tinatago ang pagkailang ko. Nakatitig lang ito sa akin at hindi ginagalaw ang pagkain niya. Nagsimula namang lumakas kabog sa dibdib ko at iniwas nalang ang tingin sa kanya.

"Subuan mo'ko" sabi nito na nagpatingin ulit sa'kin sa kanya

"Boss kaya mo na yan" pag cheer ko sa kanya. Mukha naman kasing kaya na niya, nasisigawan na nga ako diba?

"Nanlalambot ako hindi ko pa kaya" pag iinarte nito, wala naman akong choice kaya umakyat ako sa kama niya para subuan siya.

"Tikman mo muna itong soup para hindi mabigla ang tiyan mo" sabi ko at hinihipan yung kutsara bago pinasubo sa kanya

Naging mabait naman si Sir at nakalimutan rin ang hiya ko habang pinapakain siya. Buti nalang naisipan kong ipagluto siya ng soup dahil hindi niya masyadong gusto yung liempo.

"Sige na Sir konti nalang 'to ubusin mo na" pilit ko sa kanya dahil konti nalang talaga natitirang kanin sa plato niya

"Ayoko na itabi mo na yan" sabi nito na sinandal pa ang ulo sa headboard ng kama niya

"Sayang kasi" mahinang sabi ko

"Yung gamot ko" paalala nito kaya naman binuksan ko yung drawer niya at inilabas yung dalawang gamot niya.

Inabot ko sa kanya yung dalawang gamot at ininom naman niya. Muli siyang sumandal sa headboard at tinignan ako habang nililigpit yung pinag kainan niya. Wala na finish na, uminom na siya ng gamot kaya hindi ko na mapipilit na ubusin ang pagkain niya.

"Sir akin nalang ang tira mo, sayang kasi" sabi ko at hindi na hinintay pa ang sagot niya at nilantakan yung natitirang pagkain niya.

"Hindi ka paba kumain?" Tanong nito habang pinapanood ako

"Kumain na, busog na busog nga ako kaso sayang 'to" sagot ko na hindi tumitingin sa kanya. Ang sarap kaya ng ulam niya lalo na yung crispy na balat na ayaw niya. Hindi niya alam kung ano ang masarap hehe

Baby Big Boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon