Terrence Pov
Nakatingin lang ako sa pintuan na unti unting bumubukas. Sumilip doon si Mommy na nakangiti at ng lumuwang ang pagkakabukas niyon ay may nakita akong babae sa tabi niya. Pinagmasdan ko ang kasama ni Mommy mahaba ang buhok nito na may bilugang mata, matangos din ang ilong nito at mapulang mga labi. Naka suot ito ng kulay rosas na blusa at short na sakto lang ang haba.
Hinawakan ni Mommy ang kamay ng babae at hinila ito palapit sakin. Ganitong ganito rin gawi ni Mommy kapag may pinapakilala na bagong aalalay sakin. Alam kong imbalido ako pero kailangan bang ipamukha sakin ang pagiging pilay ko?. Masamang tingin ang sinalubong ko sa mata ng babaeng kasama ni Mommy na nagpawala ng ngiti sa labi niya.
"Terrence si Lizzy nga pa-" hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Mommy at nagsalita na ako
"Ma ano na naman to? Hindi ko kailangan ng nurse, caregiver at yaya!" Mariin na sabi ko
"Alam ko kung anong makakabuti sayo kaya sa ayaw mo at hindi may mag aasikaso sayo at mag papaalala ng gamot mo" sabi nito
Dalawang taon na akong pilay at hindi ko narin alam kung ilan na ang mga nurse at caregiver na kinuha ni Mommy para tumingin sakin.
"Siya si Lizzy ang bagong caregiver na kinuha ko para mag asikaso sayo. Nakikiusap ako na huwag mo siyang pahirapan tulad ng ginawa mo sa dating nag aalaga sayo" sabi pa ni Mommy na nagpakulo ng dugo ko
"Hindi ako bata na kailangan pang alagaan! Paalisin mo ang babaeng yan dito sa kwarto ko dahil hindi ko siya kailangan!" May kalakasang sabi ko
"Hindi ko siya paaalisin hanggat hindi siya ang kusang aalis!" Mariin na sabi pa niya na halatang hindi natinag kahit halos sigawan ko na siya
"Kailangan mag kusa siya? Oh sige iwan mo siya dito siguradong bukas o makalawa lang iiyak yan na nagpa paalam sayo" malumanay na sabi ko at tinignan ang babaeng tahimik lang na nakamasid sa amin
"Lizzy tulungan mo si Sir mo lumabas ng kwarto niya para makapag almusal na siya" utos ni Mommy sa babaeng Lizzy pala ang pangalan. Tinignan ko ulit ng masama ito pero parang nakakalokong nginitian pa ako
"Sir umupo po kayo ng maayos at itutulak ko po wheelchair niyo palabas" mahinahon na sabi nito. Hindi ako sumagot at hinayaan ko lang siyang itulak ang wheelchair papunta sa dinning room kung saan naroon ang almusal ko.
"Iiwan ko muna kayo ikaw na bahala sa Sir mo ha? Painumin mo siya ng gamot sa tamang oras at hilut hilutin mo mga binti niya. Tawagan mo'ko kung may problema" bilin pa ni Mommy na nagpangisi sakin. Ewan ko lang kung makatagal ang babaeng ito sakin.
"Sige po Ma'am ingat po kayo" hindi ko alam pero sa unang pagkakataon nagandahan ako sa boses niya. Pumikit nalang ako at hinilot ang sentido.
"Sir Terrence okay ka lang po ba? Gusto mo bang hilutin ko ang ulo mo?" Dinig kong tanong nito na nagpasakit lalo ng ulo ko
"Sige na iwan mo na ako kaya kong kumain mag isa" taboy ko sa kanya
"Sige po" mahina pero narinig kong sabi nito. Bakit ba kasi kailangan sumagot pa siya Aisst!
Habang umiinom ng kape ay busy rin ako sa pag check ng email ko sa cellphone. Dahil sa kalagayan ko ay hindi na ako pumupunta sa kumpanya para doon magtrabaho bagkus ay dito nalang ako sa bahay nagtatrabaho pumupunta nalang ako sa kumpanya satwing may importanteng meeting na kailangan ang presensya ko.
"Ate Kiray paki kuha nga yung laptop ko sa kwarto" utos ko sa kasambahay namin na hindi lumilingon. Ilang sandali lang ay dumating na ito at inilapag sa mesa ang laptop ko. Nang iangat ko ang ulo para magpa salamat sana sa kanya ay hindi si Ate Kiray ang nakita ko kundi si Lizzy na matamis na nakangiti sakin. "S-salamat" nabulol pang sabi ko tsaka ako umiwas ng tingin sa kanya at uminom ng kape
BINABASA MO ANG
Baby Big Boss (COMPLETED)
RomanceSi Lizzy Ocampo ay simple lang ang gusto sa buhay yun ay ang mabigyan niya ng magandang buhay ang kanyang pamilya. Namasukan siya bilang isang caregiver sa isang pamilya at sinwerte naman siya sa kanyang naging amo at itinuring siyang kapamilya. Hin...