Lizzy's Pov
Sinisimulan na nina Mang Philip at ng dalawa pang kasama niya ang pagtatayo ng tindahan namin ni Mama. Bali isang kwadrado o butas lang iyon ngunit dalawa ang negosyong nasa loob. Sa kaliwa ay ang sari sari store at sa kanan naman ay ang frozen meat products na naisip ko. Napansin ko kasi na walang mga frozen store sa palengke nung pumunta kami ni Mama at nung naglibot akong mag isa.
Gusto ko sanang bumili ng second hand na malaking chest freezer pero ang sabi ni Mama ay yung brand-new na daw bilhin ko. Hindi kasi daw namin alam kung makakatipid nga kami sa second hand dahil yun ang dahilan ko.
Habang itinatayo ang tindahan ay sinimulan narin namin mamili ni Mama ng paninda. Ang gusto ni Mama ay kumpleto yung laman ng magiging tindahan niya kahit kaunti lang, tipong hindi na kailangan pang pumunta sa ibang tindahan yung costumer niya.
Dalawang push cart na ang napupuno namin ng paninda pero parang kulang pa. Napagkasunduan nalang namin na pumila at magbayad na at kung sakaling may kulang pa bibilhin nalang namin bukas. Sabi ni Mang Philip baka abutin ng tatlong araw bago matapos yung tindahan kaya may ilang araw pa naman kami. May pinakilala ring carpentero si Mang Philip sa amin para gumawa ng mga estante sa tindahan. Siguro aabutin pa ng isang linggo bago kami makapag simulang magbukas.
***
"Oh buti hindi ka nanligaw?" Natatawang tanong ko kay Leanna ng umuwi siya
"Tss! Ang dali lang naman, isang sakay lang ng bus at bababa ka sa Robinson tapos may jeepney terminal na doon na ibababa ka sa mismong plaza tapos tricycle nalang para makarating dito" mayabang na sabi niya
"Mabuti pa kumain ka muna" Sabi ni Mama sa bunso niya
"Gutom na nga ako eh sabayan niyo na ako" Sabi naman ni Leanna
"Sige na kumain kana tapos na kami kanina pa" sabi ko naman. Tumingin naman ito sa relo niya sa kamay.
"Alas onse y medya palang ah! kumain na talaga kayo?" Tanong pa niya
"Bago mag alas onse kumain na kami, maaga akong nagluto at wala naman kaming hinihintay ng kapatid mo" sagot ni Mama
"Mukhang nakakasabay na kayo sa pamumuhay probinsiya ah! Hahaha!" Tumatawang sabi naman ni Leanna
"Ano naman masama kung ganoon nga? Dito naman tayo nakatira kaya dapat lang masanay tayo. Ang sarap kaya dito, malayo sa polusyon at maiingay na kapitbahay. Minsan pumupunta si Auntie dito at yung ibang kapitbahay at nakikipag kwentuhan kaya hindi naman kami naiinip" sagot ko
"Teka nga, kumusta pala yung mga papeles mo? Kailan kaba mag e-enroll dito?" Tanong naman ni Mama
"Okay na Ma nung huwebes pa, may mga tinapos pa kasi ako sa school kaya ngayon lang ako nakauwi. Bali sa lunes nalang ako babalik para kunin yung ibang gamit ko kina Katrina" Sabi nito
"Bakit hindi mo pa dinala lahat ng mga gamit mo ngayon?" Nameywang na sabi ni Mama
"Paano ko madadala eh ang liit lang ng backpack ko? Buti nga may paper bag ako nailagay ko yung ibang mga damit ko. Hindi naman kasi ako si Darna na kayang buhatin na parang nag s-shopping lang yung mga libro ko ang dami kaya ng mga iyon" angil naman niya
"Kung ganoon samahan na kita sa lunes para makuha mo na lahat ng mga gamit mo. Dalawin narin natin si Papa at magpaalam sa kanya na matatagalan bago natin ulit siya madalaw" Sabi ko naman
"Kung pupunta pala kayo sa Papa niyo sasamahan ko narin kayo, matagal tagal narin nung huling bumisita ako sa kanya" Sabi naman ni Mama
"Akala ko ba sa lunes na kayo magbubukas ng tindahan?" Tanong naman ni Leanna
BINABASA MO ANG
Baby Big Boss (COMPLETED)
RomanceSi Lizzy Ocampo ay simple lang ang gusto sa buhay yun ay ang mabigyan niya ng magandang buhay ang kanyang pamilya. Namasukan siya bilang isang caregiver sa isang pamilya at sinwerte naman siya sa kanyang naging amo at itinuring siyang kapamilya. Hin...