Chapter 16

2.7K 52 4
                                    

Lizzy's Pov

Kakatapos lang akong sermunan ni Manang Lita at pupunta na sana sa kwarto ni Sir Terrence bitbit ang gamot niya ng magkasalubong kami nito. Panandalian na huminto siya at tinignan ako sa huli ay dumiretyo siya at tuloy tuloy lumabas. Nagmadali naman akong sumunod sa likuran niya pero hindi ko naman siya matawag para sabihin uminom na siya ng gamot dahil mukhang mainit parin ang ulo niya. Bakit ba kasi hindi ko mapigil ang bibig ko. Kahit sino naman kapag sinabi mga sinabi ko maiinis. Hayan tuloy 'di ko magawa ng maayos ang trabaho ko.

"S-sir! Sir! Teka lang" tawag ko sa pansin niya ng pagbuksan siya ng pinto ni Mang Jun

Tumingin lang siya sakin pero hindi kumibo.

"S-sir saan ka po pupunta?" Tanong ko sa kanya

"Bakit sasama ka?" Malamig na tugon niya tsaka ito tumingin kay Mang Jun at sinenyasan ito. Tinulungan naman siya ni Mang Jun na pumasok sa kotse at inupo.

"T-teka teka" sabi ko at walang paalam na pumasok rin sa loob

"Anong ginagawa mo?!" Inis na tanong ni Sir Terrence sakin

"Hindi ka pa kasi uminom ng gamot tsaka hindi ko alam kung saan ka pupunta bilin ng mommy mo huwag kitang hayaan mag isa" sabi ko tsaka pinakita ang dalawang gamot na hawak ko pati ang isang basong tubig

Marahas na kinuha ni Sir Terrence sa kamay ko yung gamot at uminom. Nagkatitigan pa kami at sumenyas siya na sinasabing lumabas na ako ng kotse.

"Saan ka po ba pupunta?" Tanong ko ulit sa kanya

"Sa impyerno sasama ka?!"  Halos pasigaw na sagot niya

"Kahit saan pa yan Sir sasama ako" malakas na loob na sabi ko. Muli niyang tinignan ang suot ko at ngumisi. Tinignan ko naman ang suot niya at napansin na naka suit ito, napayuko ako at pasimpleng tinignan ang suot kong pambahay.

"Sige na Mang Jun umalis na tayo sasama daw itong si Lizzy" utos nito kay Mang Jun na tahimik lang naka masid samin

"T-teka lang pwede bang magpalit muna ako ng damit?" Tanong ko

Tumingin si Sir Terrence sa relo niya at tinignan ako "nagmamadali ako" sagot niya sakin "alis na tayo" sabi pa nito kaya naman nagsimula na si Mang Jun mag drive.

Kinakabahan man ay pilit kong pinakalma ang sarili ko, pasimpleng tinignan ko ulit siya at sa itsura ng boss ko siguradong sa disenteng lugar siya pupunta tapos ako naka pang araw araw lang. 

Higit kumulang trenta minutos ng huminto ang kotseng sinasakyan namin sa basement ng isang building. Bumaba si Mang Jun sa kotse at kinuha ang wheelchair ni Sir Terrence at dun ko narealize na kailangan ko na din bumaba dahil bababa na din ang boss ko.

Hindi ko alam kung papaano tulungan si Mang Jun sa pagbuhat kay Sir matangkad kasi si Sir Terrence at may kaliitan naman si Mang Jun. Halatang nahirapan silang pareho pero nakalipat naman ng maayos si Sir Terrence. Tumikhim muna si Sir Terrence bago niya sinenyasan si Mang Jun na aalis na sila.

"Mang Jun ako na po" sabi ko lumingon naman sakin si Sir Terrence pero hindi ito nagsalita "papasok ba tayo don?" Turo ko kay Mang Jun

"Oo doon tayo dadaan" sagot nito

"May nakikita ka bang ibang papasukan?" Iritadong sabi naman ni Sir Terrence na nagpasimangot sakin

Pumasok kaming tatlo sa may entrance exit doon at huminto sa may tapat ng elevator at pumasok ng magbukas yon. Tinignan ko yung numerong pinindot ni Mang Jun at nakita ko naman na number eight yon dahil narin umilaw ito. Nasa second floor kami ng bumukas ang elevator at may dalawang babaeng masayang nagkukwentuhan na pumasok.

Baby Big Boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon