Lizzy's Pov
Buhat kahapon di ako pinapansin ni Sir Terrence at napansin din yon ng mga kasama namin dito sa bahay na talagang sinasadya niyang hindi ako pansinin. Tinanong pa ako ni Ma'am Cecille kagabi kung ano ang ginawa ko at kung nag away ba kami. Wala naman akong natatandaan na ginawa kong mali na pwedeng ikagalit niya.
Kung dati lagi siyang nagpapatimpla ng kape sa'kin satwing almusal ngayon siya pa ang pumunta sa kusina para sabihin kay Margie na ipagtimpla siya ng kape kahit nasa tabi lang niya ako. Hindi rin siya nag heavy breakfast at nag ham sandwich lang siya ngayon. Nung ibigay ko naman mga gamot niya hindi naman siya nagreklamo at ininom agad niya. Ang weird lang niya parang di ako nag e exist sa paningin niya. Imposible namang hindi niya ako nakikita at naririnig dahil ako nagtutulak ng wheelchair niya at kanina ko pa siya dinadaldalan.
"Saan ka pupunta? Papasok kana po ba?" Tanong ko ng paandarin nito ang wheelchair niya. Hindi siya sumagot at pinagpatuloy lang ang pagpapaikot sa gulong ng wheelchair niya. O diba parang hangin kausap ko.
*Margie pakikuha nga sa kwarto ko yung librong 79 park avenue" utos ni Sir kay Margie ng makita niya ito. Agad namang kumilos si Margie at muling bumalik naman si Sir sa may patio. Parang tanga lang e, pwede naman niya sa'kin iutos.
Nagkatinginan kami ni Margie at maging siya na w-weirduhan narin sa kinikilos ng amo namin. Pumikit at umiling nalang ako sa kanya. Nagsimula ng magbasa si Sir at ako naman nakatingin lang sa kanya naghihintay kung may iuutos siya.
"Sir kung imasahe ko na kaya paa mo habang nagbabasa ka?" Masiglang sabi ko pero wala siyang reaction
"Sir sumagot ka naman para akong tangang kumakausap sa hangin eh" Wala parin siyang imik pinaninindigan talaga niya na di ako pansinin
"Sir sige ka kikilitiin kita" pananakot ko. Actually nagbibiro lang naman ako at wala akong balak gawin talaga iyon pero ang tigas kasi niya wala man lang siyang reaction kahit tignan man lang sana niya ako kahit masamang tingin okay lang.
"Sir" tawag ko sa kanya at sinundot ang kilikili niya pero no effect. Gusto ko sanang hawakan na mga paa niya at imasahe na siya kaso natatakot ako baka magalit siya, kahit kasi nagsabi ako wala parin permiso niya. Nanahimik nalang ako at hinayaan siya sa trip niya.
"Sir gusto mo ikuha kita ng maiinom? tubig? juice o coffee?" Tanong ko ng di ako makatiis. Papasok kasi ako sa bahay at iinom. "Sir uy!" Sabi ko sabay kuha sa kanya sa binabasa niyang libro. Sinalubong naman niya ako ng matalim na mga tingin. Bumilis naman tibok ng dibdib ko sa kaba dahil sa takot. Dapat pala hindi nalang ako humiling na mapansin niya kahit masamang tingin dahil nakakatakot talaga. Walang salitang inagaw lang niya ang libro sa kamay ko pero ramdam ko yung galit niya sa ginawa ko. Mabilis naman akong nag sorry at nagpaalam na kukuha ng maiinom niya.
*****
Lumipas ang mga oras at never talaga niya akong kinausap, nag aalala tuloy ako na baka last day ko na ngayon. Ilang oras nalang din kasi ang hihintayin ko at uuwi na ako, day off ko kasi bukas at mukhang wala na akong trabahong babalikan sa lunes.
Alas singko y medya ng pumasok si Ate Kiray sa bahay at nakita kong kasunod niya si Leanna na ngiting ngiti at kumaway pa sa'kin. Nagulat ako noong makita ko siya pero naalala ko na pinapapunta nga pala siya ni Sir Terrence dito sa bahay ngayon. Pilit akong ngumiti sa kapatid ko at pinaupo siya sa sofa.
"Ang laki at ang ganda pala ng bahay ng boss mo Ate" masiglang sabi ni Leanna habang inililibot ang paningin sa paligid
"Oo nga eh kahit tatlong reincarnation ko pa di ako makakabili ng ganitong bahay" sagot ko sa kanya
BINABASA MO ANG
Baby Big Boss (COMPLETED)
RomanceSi Lizzy Ocampo ay simple lang ang gusto sa buhay yun ay ang mabigyan niya ng magandang buhay ang kanyang pamilya. Namasukan siya bilang isang caregiver sa isang pamilya at sinwerte naman siya sa kanyang naging amo at itinuring siyang kapamilya. Hin...