Terrence Pov
Tunog ng katok sa pinto ang gumising sakin pagtingin ko sa wall clock ay alas syete na pala ng gabi.
"Sir kakain na po" tumingin ako kay Lizzy at muling pumikit.
"Sige pupunta nalang ako" walang ganang sabi ko
"Tulungan ko na po kayong makaupo sa wheelchair niyo" sabi pa nito na ikina init ng ulo ko. Tumingin ako ng masama sa kanya at gusto ko sana siyang bulyawan pero pinigilan ko nalang ang sarili ko at muling pumikit.
"Hindi mo ako kailangan tulungan dahil kaya ko" mariin na sabi ko tsaka muling nagmulat at pinilit na maka upo sa kama. Hindi ko alam kung anong problema ko bakit pinapahiya ng katawan ko ang sarili ko.
Naramdaman ko ang mainit na kamay na humawak sa balikat at likod ko kasabay ng maayos na pag upo ko. Hindi nalang ako nagsalita at hinayaan nalang si Lizzy ng muling tulungan niya akong makaupo sa wheelchair ko. Sinimulan na niya rin itulak ang wheelchair palabas ng kwarto hanggang sa makarating sa dining room. Nandoon na si Mommy nakaupo sa pwesto niya at si Thomas na tila hinihintay ako.
"Hello Tito everyday ka nabang sasabay samin kumain ni Mamita?" Masayang tanong ni Thomas sakin
"Not sure pero pipilitin ko anyway how's school?" Tanong ko at sumandok ng kanin at inilagay sa plato ni Mommy
"Thanks son" sabi ni mommy. Ngumiti lang ako
"I had a long day today" sagot naman ni Thomas sakin habang kumukuha siya ng ulam. Napakunot naman ang noo ko at seryosong tintigan siya. Mukha naman siyang okay.
"Are you being picked on?" Wala sa loob na tanong ko
"No one will dare to bully me Tito I'm not gonna let them" sagot nito sakin at kinindatan pa ako. Napangisi naman ako. That's my boy sabi ko nalang sa sarili ko.
Nagsimula narin akong kumain at nagkwento naman si Mommy tungkol sa nangyari kanina sa kumpanya. Tinatanong rin niya kung kailan ko maisa submit ang mga draft designs para sa Real Estate Project ng kumpanya.
"May tatlo na akong natapos at tinatapos ko pa yung isa. Sa wednesday pa naman ang deadline may mahigit isang linggo pa naman ako para maipasa mga yon" balewalang sabi ko
"Eh ang appointment mo kay Dr.Villegas?" Singit pa nito na nagpatigil sa pagsubo ko.
"Alam ko pero hindi ako pupunta" sagot ko
"Anak naman kailang-"
"Ma please let me eat in peace" mariin na sabi ko na nagputol sa sasabihin pa niya
Tahimik na tinuloy nalang namin ang pagkain at walang nagtangkang magbasag ng katahimikan kung hindi lang kay Lizzy na paika ikang lumapit at inabot kay mommy ang telepono.
******
Lizzy's Pov
Pagkatapos kumain ni Sir Terrence ay hinatid kona siya sa kwarto niya, pinainom kona rin siya ng gamot at buti nalang sinunod niya ako ng walang sinabing ano paman. Tatanungin ko sana siya kung gusto na niyang mahiga para matulungan siya pero naunahan niya akong magsalita.
"Pwede ka ng umalis" malamig na sabi nito
"Sige po" sagot ko at tumalikod na "teka" dinig kong sabi nito kaya humarap ulit ako "tawagin mo si Mommy papuntahin mo siya dito ngayon na" sabi pa niya
"Sige po Sir" muling sabi ko tsaka lumabas na ng kwarto niya
Umakyat ako sa second floor at kumatok sa kwarto ni Ma'am Cecille habang tinatawag ang pangalan niya. Bumukas ang pinto at sinabi ko ang inutos ni Sir Terrence sakin. Sumunod naman siya sakin at sabay na kaming bumaba. Muli akong kumatok sa kwarto ni Sir Terrence at binukas iyon.
BINABASA MO ANG
Baby Big Boss (COMPLETED)
RomanceSi Lizzy Ocampo ay simple lang ang gusto sa buhay yun ay ang mabigyan niya ng magandang buhay ang kanyang pamilya. Namasukan siya bilang isang caregiver sa isang pamilya at sinwerte naman siya sa kanyang naging amo at itinuring siyang kapamilya. Hin...