Chapter 30

2.5K 38 0
                                    

Lizzy's Pov

Ala singko palang ng umaga nakahanda na ako para umalis ng bahay papunta sa bahay ng mga Andrada. Hindi maalis ang ngiti sa mga labi ko dahil may trabaho na ulit ako at excited na makabalik sa bahay na 'yon.

Sabay kaming nag almusal ni Mama pagkatapos ay umalis narin agad ako, hindi na ako nag paalam kay Leanna dahil ang sarap pa ng tulog niya. Nag paalam narin naman ako sa kanya kagabi.

Halos isang oras din ang binyahe ko papunta sa lugar nila Ma'am Cecille kahit wala pang traffic. Sinalubong naman ako ni Mang Caloy ng makita niyang bumaba ako sa tricycle, nag wawalis kasi siya sa harapan ng gate.

"Good morning po" nakangiting bati ko

"Good morning din akala ko'y mamaya kapa daratingani Mang Caloy

"Ayoko pong ma late sa unang araw ko ng trabaho nakakahiya rin po sa mga amo ko" Sagot kong nakangiti

"Sabagay, o tara na sa loob ako na magbibutbit nitong bag mo"  -Mang Caloy

"Huwag na po magaan lang naman kayang kaya ko na po iyan" nakangiting sabi ko at kinuha ang bag ko sa kamay niya

Hindi narin kami nagkulitan ni Mang Caloy at hinayaan na niya ako, tinuloy naman niya ang kanyang ginagawa

Pagpasok ko sa pinto ng main door bumungad agad sakin si Ate Kiray na nagpupunas ng mga muwebles sa sala. Ewan ko ba kay Ate Kiray parang hindi kami nagkita kahapon kung makahiyaw.

"Baklaaa! Totoo nga! Akala ko joke lang na mag tatrabaho kana ulit dito!"  Masiglang sabi ni Ate Kiray na yumakap sakin 

"Naka oo na ako kay Ma'am Cecille at Sir Terrence kahapon kaya hindi pwedeng hindi ako pumunta para magbalik trabaho" ngiting ngiting sagot ko naman sa kanya.

Napatingin naman ako kina Manang Lita, Margie at Mang Jun ng sabay sabay silang lumabas at nakangiting lumapit sa'kin.

"Good morning po nandito na po ulit ako" nakangiting sabi ko

"Good morning beh! Welcome back!" Sabi ni Margie na malawak na nakangiti at yumakap at nag beso beso pa sa'kin.

"Akala ko kung napaano na itong si Kiray, sige na dalhin mo na mga gamit mo sa kwarto mo malinis na doon tapos bumaba ka sabayan mo na kaming mag almusal" Sabi naman ni Manang Lita

"Sige po Manang ayusin ko lang po mga gamit ko"  nakangiting paalam ko

Napatingin naman ako kina Mang Jun at Ate Kiray tsaka natawa. Kunwaring sinasakal kasi ni Mang Jun si Ate Kiray, nag alala daw kasi sila akala nila'y naaksidente kaya sumigaw. 

Nakangiting naglalakad ako palapit sa kwarto ko at mas lumapad ang ngiti ng mapadaan sa kwarto ni Sir Terrence na katabi lang ng kwartong uukupahan ko. Huminto ako sa tapat ng kwarto niya at kakatok na sana para sabihin nandito na ako pero nahinto ang kamay ko sa ere at bahagyang nawala ang ngiti. Mamaya nalang pala baka kasi tulog pa siya, baka imbes na matuwa siya pag nakita ako magalit pa dahil naistorbo ko tulog niya. Atsaka bakit naman siya matutuwang makita diba? Hay naku. Kibit balikat na pumasok nalang ako sa katabing kwarto.

*****

Huminga muna ako ng malalin at hinanda ang ngiti bago kumatok sa kwarto ni Sir Terrence, ala sais y medya na kasi at ganitong oras siya nagigising. Kailangan ko kasing ihanda yung pang morning routine niya bago siya mag breakfast.

"Good morning Sir kumusta po tulog niyo?* Malapad ang ngiting tanong ko habang nakaupo ito sa kama niya at hawak ang phone niya. Salubong ang kilay na tumingin naman siya sa'kin.

Baby Big Boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon