Chapter 63

2.1K 36 0
                                    

Lizzy's Pov

"O boss nandito kapa?" Tanong ni Kuya Mateo na isang baranggay tanod.

"Ah oo" sagot naman ni Terrence na nakatayo sa labas ng tindahan namin.

Agad ko namang inistima si Kuya Mateo na hindi pa alam kung anong bibilhin.

"Kilala mo ba siya?" Tanong ni Mama at nginuso si Terrence na nasa labas.

"Hindi niyo ba siya kilala? Inabutan siya ng curfew kagabi kaya pinasama namin sa baranggay hall. Nasa tapat nga ng bahay niyo eh" sagot ni Kuya Mateo

"Kilala namin siya" Sabi naman ni Mama na pilit ngumiti at tumawa

"Yun nga din ang sabi niya kay Kapitan, girlfriend nga daw niya si Lizzy" kwento pa nito "nag away ba kayo? Ang sabi taga Maynila pa siya" tanong nito

"Hindi po ayos lang kami" sagot ko naman sa kanya at tumingin kay Terrence na nakatingin pala sa amin. Mukhang alam niya na siya ang pinag uusapan namin.

"Sabi pa nga ni Kapitan bakit hindi siya tumawag sa inyo para makapasok siya ang sagot niya ayaw daw kayong maistorbo sa pagtulog. Hindi nga gaanong nakumbinsi si Kapitan kaya kahit mukhang matino at hindi naman mukhang magnanakaw ay ikinulong parin siya, kaninang alas singko nga lang siya pinalabas. Nagbigay pa nga ng isang libo yan kanina at nagpabili ng almusal naming lahat" pagkukwento pa nito

"Naku! Hindi naman yan magnanakaw ang yaman kaya niyan, kung sakaling makita niyo ulit siya na naabutan ng curfew sa labas ng bahay paki tawagan nalang kami ha?" Sabi naman ni Mama

"Sige po Aling Matilda walang problema. Pagbilhan niyo nalang po ako nitong barbeque marinated chicken niyo at mag p-prito nalang ako" sagot naman ni Kuya Mateo. Agad naman binigay ni Mama yung binili niya na may halagang 110 pero isang daan nalang ang isiningil niya.

Pagkaalis ni Kuya Mateo ay tinawag naman ni Mama si Terrence. Nakangiting agad lumapit ito.

"Ano bang ginagawa mo at hating gabi na ay nasa labas kapa at sa tapat talaga ng bahay namin ah?" Tanong ni Mama sa kanya

"Pasensiya na po hindi ko naman gusto na mabahala mga tao, ang plano ko po ay matutulog ako sa kotse ko kapag dinalaw ako ng antok kaso lang po naabutan ako ng curfew" sagot naman ni Terrence

"Hindi ba umuwi kana kagabi? bakit nagbalik kapa kasi" tanong pa ni Mama sa kanya

"Hindi po ako umuwi umalis lang po ako para maligo at kumain sa may motel malapit sa bayan" sagot naman niya

"Ano nalang sasabihin ng Mommy mo sa amin kung sakaling may nangyari sayo habang nandito ka?! Umuwi kana sa inyo tutal ay nakita mo narin naman kami, huwag kang mag alala kinalimutan na namin yung nangyari kaya kalimutan mo narin" Sabi ni Mama

"Kahit nga po si Mommy gusto ring pumunta dito para makahingi ng despensa ngunit ang sabi ko ay saka nalang kapag nakausap ko na kayo ng maayos. Pinapakamusta nga po niya kayo.." Sabi nito at tumingin sa'kin "pinapasabi rin niya na miss na miss kana niya"

"Ilang beses na kitang itinaboy pero hindi ka parin umaalis, sakaling may nangyari sayo dito at napag tripan ka hindi na namin kasalanan iyon. Bahala kana kung ano gusto mong gawin dito sa lugar namin huwag mo lang kami iistorbohin. Napakatigas ng ulo mo at nagsasawa na akong ipagtabuyan ka at nagmumukhang masama ang ugali ko. Nakita mo naman si Leanna kanina galit na galit sa'yo sa ginawa mo sa Ate niya. Ang daming mga lalaking may gusto sa mga anak ko dito at baka bigla nalang mapagtripan ka nila at hindi kana talaga makaalis dito" lumiwanag naman ang mukha ni Terrence sa sinabi ni Mama

"Pangako po Ma hindi ako mang iistorbo dito lang po ako magbabantay at tutulong kapag kailangan niyo" malapad ang mga ngiting sabi naman niya. Tumalikod nalang ako sa kanila at pumasok sa sari sari store at doon umupo.

"O siya sige doon kana ulit sa labas at dalhin mo itong upuan at ng hindi ka mangawit sa kakatayo. Kapag mainit sumilong ka pero inuulit ko na sa'yo huwag mo kaming iistorbohin o kahit kausapin. Makita palang namin mukha mo naiinis na kami kaya hanggat maari huwag kang haharap o titingin sa'min. Naiintindihan mo ba?" Pahabol na sabi pa ni Mama

"Naiintindihan ko po" sagot naman nito at kinuha yung monoblock na upuan at pumwesto sa harapan.

****

"Terrence halika nga saglit" tawag ni Mama na ikinagulat ko. Wala naman kasing dahilan para tawagin niya ito.

"Bakit po Ma?" Tanong naman ni Terrence pagkalapit niya

"Samahan mo ako sa bahay at tumulong ka nalang sa pag pack ng mga manok kaysa para kang security guard na nagbabantay dito" Sabi ni Mama

"Nandun naman sina Aling Perla ah" Sabi ko naman kay Mama

"Okay lang gusto kong makatulong" sagot naman ni Terrence sa'kin

"Hayaan mo na siya doon kaysa nandito't nakatambay wala namang kausap o kumakausap sa kanya. Sigurado doon hindi siya maiinip kahit taga ayos lang ng mga narepak at taga bilang" Sabi naman ni Mama sa'kin

"Tanungin mo muna kung gusto niya, ayaw niyan sa makukulit baka makulitan kina Aling Perla masigawan niya" balewalang sabi ko

"Baby ayos lang kahit mas makulit pa sila sa'yo pangako hindi kita ipapahiya sa kanila"  Sabi naman niya ngunit kunwari hindi ko nalang siya narinig at hindi siya pinansin

"Tara sumunod ka sa'kin" utos ni Mama at sumunod na nga ito sa kanya.

Noong naglakad na sila palabas ay hindi ko naman mapigilan ang hindi mapatingin sa likuran niya at habang naglalakad ito. Hindi ko naman inaasahan na lilingon pa ito sa'kin kaya naman nagtama ang mga mata namin. Nakita ko ang pagngiti nito na parang sinasabi na huwag akong mag alala. Iniwas ko nalang ang tingin ko sa kanya hanggang sa alam kong wala na sila.

Tulalang nakatingin lang ako sa kulay asul na record book habang iniisip ko si Terrence. Oo mahal ko parin siya ngunit kahit idinasal ko na sana makita pa ulit siya hindi kailanman pumasok sa isip ko na makipag balikan sa kanya. Kuntento naman ako na ako lang ang may alam sa nararamdaman ko sa kanya.

Alam ko na matagal ng tapos ang relasyong namin dalawa ngunit hindi ko alam kung bakit hindi ko kayang tumingin sa mga mata niya at kung bakit hindi ko kayang makipag usap sa kanya kahit wala naman pumipigil sa'kin para gawin iyon.

Alam ko masyado akong nasaktan sa mga nangyari sa nakaraan ngunit kahit ganoon man pinili ko parin intindihin ang lahat ng nangyari. Natural lang naman siguro sumama ang loob ko sa una ngunit napag isip isip ko rin noon na may kasalanan rin ako. Kung hindi lang sana ako pumasok sa kwarto niya at hindi siya narinig magsalita at kinulit ay baka maayos parin kami ngayon. Kung hindi lang sana ako nagmadali na ayusin niya ang sarili niya masaya pa siguro kami hanggang ngayon.

Kahapon noong makita ko siya at narinig ang sinabi nitong mahal na mahal niya ako may parte sa puso ko ang natuwa at umasa. Tapos kanina lang din sinabi ulit niyang mahal niya ako. Gusto kong maniwala, gusto kong sa pagkakataon na ito totoo na talaga nararamdaman niya sa'kin at hindi panakip butas lang ng kahit na sino. Ngunit natatakot akong pakinggan siya, natatakot akong madismaya at masaktan ulit sa pangalawang pagkakataon. Sa tingin ko kasi okay lang na tumanda akong mag isa at mahalin siya na ako lang nakakaalam. Mas mabuti na siguro ang ganoon dahil hindi ko na kakayanin pa yung sakit kapag nasaktan niya ulit ako.

****



Baby Big Boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon