Terrence Pov
Sinabunutan ko ang buhok ko ng makalabas si Lizzy sa kwarto. Ano bang nangyayari sa akin at bakit ko ginawa lahat ng iyon.
Napatingin ako sa damit ko sa kama, pinilit kong abutin iyon at sinuot ito. Binasa ko ang labi ko at parang naramdaman ulit ang malambot na labi ni Lizzy na nakadikit sa mga labi ko.
"Ahhh!" Sabunot ko ulit sa buhok ko sa kisame at tinatanong ang sarili.
Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatanga sa kisame at tinatanong paulit ulit ang sarili ko kung bakit ko ginawa lahat ng iyon. Lahat na tanong ko naman ay nasagot ko pero hindi ako kumbinsido sa mga iyon.
Bumukas ang pinto at iniluwa doon si Lizzy, nagka bangga ang pamingin namin at mabilis din iniwas ang tingin namin sa isa't isa. Lumapit ito sa wheelchair ko at sinimulang punasan iyon.
"Tama na yan iutos mo nalang yan kay Ate Kiray" sabi ko
"Okay lang madali lang naman to" sagot nito at pinagpatuloy ang ginagawa
"Sabi kong tigil na diba? Kunin mo yung isang wheelchair ko ng makaalis na tayo" iniwan naman nito ang ginagawa at kinuha ang inuutos ko.
Mukha naman itong naiilang ng lumapit siya sa akin at tangkain na tulungan ako. Yumuko ito sa akin para matulungan akong lumipat sa wheelchair ko at para itong napaso at mabilis na inalis ang kamay niyang humawak sa braso ko. Tinignan ko pa siya at parang takot na takot.
Wala na yung ngiti na lagi kong nakikita sa mukha niya. Bumilis ang tibok ng puso ko at napuno ng pangamba.
"Yung nangyari kanina kalimutan mo na, nabigla lang ako pasensiya na" mahinang sabi ko pero alam kong narinig niya.
"A-ano ba yung nangyari Sir? Hahaha" alam kong pilit ang pagtawa niya
"Salamat" sambit ko
"Wala po iyon para yun lang, kalimutan mo Sir wala lang yon" hindi ko alam pero nainis ako.
"Wala lang sa'yo yon?" Hindi napigil na tanong ko
"S-sir" nautal na sambit niya "W-wala lang talaga iyon Sir promise" nabubulol na sabi pa niya
"Ahh.. okay" tumatangong sabi ko
Nanginginig ang mga kamay nito ng muling humawak sa braso ko. Naiinis na tinignan ko naman siya kaya mas pinahirapan ko siya. Kulang nalang magpabuhat ako para lang makalipat ng upuan. Sinadya ko rin ipagbangga ang mga ilong namin at tinignan kung anong magiging reaksyon niya.
Mabilis itong lumayo sa akin at umiwas ng tingin. Para rin itong nalilito kung saan pupunta at kung ano ang gagawin. Pinagalaw ko ang wheelchair ko at binuksan ang drawer ko kung saan naroon ang wallet ko. Kinuha ko rin ang cellphone ko na naka lapag sa study table.
"Tara na" aya ko sa kanya "kunin mo na mga dapat mong dalhin ng makaalis na tayo"
"O-okay na Sir"
Nagpakawala ako ng malalim na hininga bago naunang lumabas kay Lizzy sa kwarto, nakasunod naman ito sa likuran ko.
"Mang Jun sa St. Lukes tayo"
"Sige Sir" sagot nito at pinagbuksan ako ng pinto, binuhat rin ako nito para makapasok sa loob ng sasakyan. Tinupi naman ni Lizzy ang wheelchair at umupo sa front seat.
"Buti naman Sir naisipan niyong magpa check up" tanong ni Mang Jun na nakatingin sa rear view mirror.
"Hindi ako ang magpapa check up, sasamahan ko lang si Lizzy" sagot ko sa kanya
BINABASA MO ANG
Baby Big Boss (COMPLETED)
RomanceSi Lizzy Ocampo ay simple lang ang gusto sa buhay yun ay ang mabigyan niya ng magandang buhay ang kanyang pamilya. Namasukan siya bilang isang caregiver sa isang pamilya at sinwerte naman siya sa kanyang naging amo at itinuring siyang kapamilya. Hin...