Margie's Pov
Ke aga aga pero nadedemonyo na'ko, konti nalang talaga at gigilingin ko na si Niña.
"May kaaway kaba anak? Bat ganyan ang mukha mo?" Pansin sa'kin ni Papa ng abutan akong nag v-vacuum dito sa sala
"Ikaw Papa sinasabi ko na sa'yo kapag nagpa akit ka sa impaktang si Niña kalimutan mo ng anak mo'ko" inis na sabi ko
"Bakit ano ba ang ginawa niya sa'yo?" Tanong nito
"Wala! Sana nga meron para nakalbo ko na siya!" Gigil na sagot ko
"Nasisiraan ka naba ng bait anak? Bakit gusto mong kalbuhin yung tao na wala naman ginagawang masama sayo"
"Nakakagigil kasi siya eh! Akala mo kung sino siya utusan ba naman akong linisin yung kwarto niya!" Reklamo ko
"Bakit hindi mo nalang linisin trabaho mo naman maglinis ng mga kwarto"
"Papa, trabaho ko ang maglinis ng mga kwarto pero linisin din ang kwarto ng isa ring katulong hindi ko iyon trabaho"
"Hindi naman katulong si Niña, caregiver siya ni Sir Terrence"
"Hindi mo kasi maintindihan eh! Kung umasta kasi siya parang amo din dito sa bahay!" Bwisit na sabi ko
"Hayyy.. pagbigyan mo na para wala ng gulo" sabi ni Papa na nilamukos pa ang mukha ko tsaka siya tumawa
Lalo lang akong nagdabog at binato sa kanya yung basahan pero hindi naman siya natamaan.
*****
Kiray's Pov
"Psst baluga ipagtimpla mo nga ako ng kape" napatingin ako kay Niña na kadarating lang
"Ano kaba naman Niña huwag mo ngang tawaging baluga itong si Kiray at may pangalan siya" sabi ni Manang
"Ang oa mo ah, eh sa baluga naman talaga siya at hindi ko alam ang pangalan niya" pinaikot pa nito ang eyeballs niya
"Ngayon alam mo na ang pangalan niya kaya huwag mo na siyang tawagin ng kung ano ano"
"Grabe para yun lang edi okay sige ano nga kasi ulit pangalan niya? Kirara?" Sabi pa nito tsaka ito tumawa
"Kahit hindi mo alam ang pangalan ng tao dapat matuto kang gumalang, pwede mo siyang tawagin miss at magpakilala ka pagkatapos" sabi ni Manang
"Ang dami mo namang sinasabi kung itinimpla niyo nalang ako ng kape edi tapos ang usapan"
"Aba't bastos kang bata ka ah! Wala kang respeto!" Sa unang pagkakataon ay narinig kong nagtaas ng boses si Manang Lita
"Manang kalma lang po hayaan niyo na siya, tawagin niya ako ng kung anong gusto niya at tatawagin ko din siya kung ano ang pangalan niya" sabi ko na hinawakan si Manang at hinagod ang likod
"Ang drama niyo naman nakakasuka" hirit pa ni Niña
"Hoy pokpok kung gusto mo ng kape mag timpla ka ng sarili mo, kung gusto mo na ipagtimpla ka pumunta ka sa coffee shop at mag order ka" hindi ko mapigilang sabi ko
"Anong sabi mo?!" Sigaw nito sa akin
"Bingi ka pala? Uso kasi maglinis ng tenga"
"How dare you!" Sigaw nito tsaka ako dinuro
"Anong problema nag aaway ba kayo?" Nakapagitnang tanong ni Mang Jun na kadarating lang
"Jun alisin mo dito ang babaeng yan at baka hindi ko matantiya masaktan ko siya" pigil ang galit na sabi ni Manang
BINABASA MO ANG
Baby Big Boss (COMPLETED)
RomanceSi Lizzy Ocampo ay simple lang ang gusto sa buhay yun ay ang mabigyan niya ng magandang buhay ang kanyang pamilya. Namasukan siya bilang isang caregiver sa isang pamilya at sinwerte naman siya sa kanyang naging amo at itinuring siyang kapamilya. Hin...