Lizzy's Pov
Parang walang nangyari kanina at nagbibiruan na sina Mama at Leanna. Kakatapos lang namin mag lunch at naglalaro ng sosolitaryo si Mama ng hikayatin ni Leanna si Mama mag tong hits.
"Tigilan mo'ko wala akong pera kung gusto mo inuman nalang ng tubig" tanggi ni Mama sa gustong mangyari ni Leanna
"Ang kuripot mo talaga piso piso lang naman ihh" pangungulit pa niya
"Bakit di ang ate mo kulitin mo wala nga akong pera" -Mama
"Syempre kasali siya tayong tatlo maglalaro" -Leanna
"Ayoko dadayain niyo lang ako, akala ko ba wala kang pera anong ibabayad mo sa'kin kung manalo ako?" Sabi ni Mama na unti unti ng nakukumbinsi ni Leanna
"Si Mama naman parang bente pesos lang naman na puhunan pampalipas oras" -Leanna
"Ang dami mong oras ngayon ah? Bakit di ka nalang mag aral ng lekayon mo tulad ng parating ginagawa mo" -Mama
"Kailangan din magpahinga ng utak ko baka mabaliw ako sa kakaaral kaya kailangan mag relax ng utak ko ngayon" -Leanna
"O siya! Sabihin mo sa Ate mo" malapad na nakangiti namang tumingin sa'kin si Leanna na ngitian ko naman pabalik pero umiling ako.
"Ang kj mo! Dali na piso piso lang naman" anyaya pa ni Leanna sa'kin
"Ayoko sayang ang pera niyo matatalo lang kayo" pagyayabang ko. Nung huling naglaro kasi kami ako yung nanalo naka 70 pesos din nun ako sa kanila
"Ayaw mo yun may pera ka, dali na huwag ng mag inarte 'di mo ikakaganda yan" -Leanna
"Kayong dalawa nalang ni Mama" -Ako
"Huwag nalang kung ganoon" -Mama
"Ang kj niyo dali na kasi!" Na b-bwisit na sabi ni Leanna kaya naman tinawanan ko siya
"Oo na heto na walang iiyak kapag natalo ah!" Sabi ko at lumapit sa may center table
"Walang bawian ng pera" Sabi naman ni Mama na ikinatawa ko. Lagi kasing paawa si Leanna at binabawi ang pera kapag natatalo siya. Kapag siya naman nananalo bumibili siya ng pancit canton para meryenda.
Nakailang round na kami at tawa ako ng tawa dahil salitan lang ang panalo namin ni Leanna. Si Mama naman napipikon na dahil hindi pa siya tumatama minsan ay sunog pa. Ito kasing si Leanna pagkababa ng bahay niya nag be bet agad siya kahit ang taas pa ng baraha niya.
"Kanina pa may nag te text at tumatawag sa'yo bakit di mo muna sagutin" puna ni Mama sa pag vibrate ng phone ko
"Hayaan mo Ma magsasawa din yan kakatawag" Sabi ko
"Sino ba tumatawag si Kuya Terrence ba? Nag away ba kayo? Nag text siya sa'kin kanina tinatanong ka" -Leanna
"Hindi kami nag away" sagot ko nalang at biglang naalala yung pagtatalo namin kagabi na dahilan ng pagkapuyat ko.
Para kasi siyang timang na bigla nalang nagseselos at kung ano ano ang sinasabi. Nakita kasi niya kahapon si Benedict at tinanong niya kung nag uusap pa kami. Sinagot ko siya na hindi na at kahapon nalang ulit kami nagkita. Tinanong pa niya ako kung nagsisisi daw ba ako at siya ang pinili ko. Syempre sinagot ko yung totoo na hindi dahil siya ang gusto ko. Tapos kung ano ano na ang sinabi na ang gwapo daw pala ni Benedict maganda ang katawan at matangkad at close pa daw yung tao kay Mama at Leanna. Tapos biglang isisingit pa yung di tulad niya di nakakalakad, 'di man lang niya ako maayang ma date dahil ayaw niyang mapahiya ako. Wala man lang daw siyang maipagmalaki sa'kin. Hindi man lang daw niya ako mapasaya at puro pahirap pa binibigay ko sa kanya. Ako naman puro sabi na hindi ako nahihiya at nahihirapan na kasama siya, na masaya ako sa kanya na mahal ko siya pero parang sarado ang isip niya at 'di tinatanggap ang mga sinasabi ko. Umabot kami ng alas dos ng madaling araw na ganoon pag uusap namin hindi pa iyon matatapos kung hindi ko lang sinabi sa kanya na kung ayaw na niyang ituloy relasyon namin diretyahin nalang niya ako at huwag ng ipaikot ikot pa at gumawa ng dahilan para maghiwalay kami. Ayun biglang nataranta at ayaw daw maghiwalay kami. Syempre ako nagpabebe naman at ako yung nag inarte, sabi ko pag isipan niyang mabuti relasyon namin tatanggapin ko maluwang sa dibdib kung ayaw na niya sa'kin dahil nagising na siya sa pagkakauntog na hindi pala ako yung babaeng dapat sa kanya. Tapos ayon nag goodnight ako at ini off phone ko para di siya makatawag. Pagkagising ko kanina inopen ko phone ko at ang dami niyang text message. Nag reply lang ako sa kanya ng good morning yun lang.
BINABASA MO ANG
Baby Big Boss (COMPLETED)
RomanceSi Lizzy Ocampo ay simple lang ang gusto sa buhay yun ay ang mabigyan niya ng magandang buhay ang kanyang pamilya. Namasukan siya bilang isang caregiver sa isang pamilya at sinwerte naman siya sa kanyang naging amo at itinuring siyang kapamilya. Hin...