Chapter 66

2.3K 50 5
                                    

Terrence Pov

Ang balak ko talaga ay bumili ng isang bouquet ng iba't ibang kulay ng mga bulaklak para maging makulay ang araw ni Lizzy, ngunit ng makita ko kanina yung mga puting rosas sa flower shop biglang nagbago ang isip ko at isang tangkay na puting rosas nalang ang binili ko. Napakamot pa nga ng ulo yung nagtitinda dahil ako ang bwena mano niya at yun lang ang binili ko, kaya naman ginawa ko ng isang daan ang binayad ko.

Hindi mawala ang mga ngiti sa labi ko habang nagmamaneho papunta sa tindahan. Sigurado nandoon na siya at nakapagbukas na. Kung hindi lang ako bumili ng bulaklak siguradong kanina pa ako nandoon, natagalan lang naman talaga ako dahil naghintay pa akong may magbukas na flower shop.

Katulad ng inaasahan ko nakabukas na nga ang tindahan at nagwawalis sa harapan ng tindahan si Mama. Nagmadali naman akong lumabas ng sasakyan at lumapit sa kanila.

"Good morning Ma, ako na po magtutuloy niyan" Sabi ko at hinihingi yung mahabang walis tingting na hawak niya

"Huwag na ako na at ng ma exercise ang katawan ko" tanggi nito sa alok ko. Kapwa naman kami napatingin sa hawak kong puting rosas. "Para ba kay Lizzy yan? Sige na ibigay mo na" sabi nito. Nahihiyang ngumiti at tumango naman ako. "Sige po Ma ibibigay ko lang" Sabi ko at pumasok na sa tindahan.

"Good morning" bati ko sa kanya. Inaasahan kona na hindi niya ako papansinin. Abala rin kasi siya sa pagpunas ng mga freezer.

Bigla ko naman naalala ang payo nina Pablo at Santi kahapon sa'kin. Ang unang payo nila ay suyuin ko daw para mawala yung toyo niya, kulang lang daw sa lambing ang pinsan nila dahil matagal bago ko siya pinuntahan. Wala pa kasi talaga silang idea kung ano ang nangyari talaga sa relasyon namin.

Ang pangalawang payo naman nila bigyan ko daw si Lizzy ng mga regalo, ipasyal siya at ayain manood ng sine at kumain sa labas. Sa tingin daw nila ay stress na ang Ate nila dahil hindi pa nilang nakitang nag day off siya.

Ang pangatlo at huling payo pa nia ay, kung hindi daw tumalab yung panunuyo ko sa kanya ay gamitin ang kagwapuhan ko. Tsansingin ko pa nga raw kaya nabatukan ko tuloy si Santi, pero na misunderstood ko lang pala siya dahil ang tinutukoy niyang tsansing ay hindi yung babastusin o hihipuan si Lizzy kundi pasimpleng idikit ko lang daw yung kamay ko sa kamay o braso niya kahit ilang segundo lang daw. Kung cold parin daw siya sa'kin gawin ko na ang ipinagbabawal na teknik. Yung magpanggap na may sakit o nasaktan ako. Kapag yun daw hindi tumalab bumalik na daw ako ng Manila dahil wala ng pag asa mapatawad pa niya ako.

"Gusto mo bang lumabas tayo mamaya? Kain tayo, kung gusto mo isama rin natin si Mama at Leanna" nakangiting aya ko sa kanya

"Ayoko, kung gusto mo sina Mama nalang ayain mo" sagot nito

"Ganoon ba, hmm.. kung bukas kaya? Matagal na kasi ako dito pero hindi pa ako nakakapasyal ang sabi masarap daw ang pagkain dito"

"Wala akong oras at kung gusto mong pumasyal yayain mo sina Santi mas alam niya ang lugar dito at yung mga kainan dito" Sabi nito sabay harap sa'kin. Nagkatinginan kami at nginitian ko siya sabay pakita ng hawak kong rosas.

"For you" sabi ko na hindi hinihiwalay ang tingin sa kanya. Inalis niya ang tingin sa akin at kinuha ang bulaklak sa kamay ko.

"S-salamat" sabi niya at tinalikuran na ako at pumunta na sa counter at umupo doon.

"Nag almusal ka naba?" Napatingin naman ako kay Mama Matilda ng pumasok siya at tanungin ako

"Hindi pa po" sagot ko sabay kamot sa kilay ko

Baby Big Boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon