Chapter 42

2.1K 40 0
                                    

Lizzy's Pov

Kinakabahan ako pero heto na kasi yung araw na pinag usapan namin ni Sir Terrence na sasabihin na namin sa mga kasama namin na magkasintahan na kami.

Kasalukuyan akong tumutulong sa paghahanda ng tanghalian namin sa dining room ng dumating sina Ma'am Cecille. Sinabihan kasi ni Sir si Ma'am Cecille na dito mag lunch dahil may sasabihin siyang mahalaga. Kagabi naman dumating si Ma'am Shenn kasama si Sir Kiro at nagpaalam na sa linggo na sila makakabalik. Birthday kasi ngayon nung Daddy ni Sir Kiro.

"Bakit ang dami naman pinaluto ng Sir niyo? May bisita ba siyang darating?" Tanong ni Ma'am Cecille na dumiretyo dito sa dinning room pagkarating niya

"Hindi po namin alam Ma'am wala naman siyang nabanggit basta sinunod lang namin inuutos niya" sagot ni Manang Lita

"Wala bang nabanggit sa'yo si Terrence?" Tanong naman ni Ma'am Cecille sa'kin

Kinakabahan na nagpalipat lipat ang tingin ko sa lahat dahil lahat sila ay nakatingin sa'kin at hinihintay ang sagot ko.

"Nandito naba ang lahat?" Tanong ni Sir Terrence na biglang sumulpot galing sa kung saan. Medyo nakahinga naman ako dahil nalipat na kay Sir Terrence ang pansin.

"Eh Sir wala pa po mga bisita niyo" sagot naman ni Ate Kiray

"Sinong bisita ba hinihintay mo?" Tanong naman ni Sir Terrence

"Wala po ba kayong darating na bisita?" Tanong pa ni Ate Kiray. Nagkatinginan naman kami ni Terrence at awkward na ngumiti. Sinabi kasi niya sa'kin na papuntahin si Mama at Leanna di lang ako pumayag, ang sabi ko nalang sa ibang araw ko nalang siya ipaakilala sa pamilya ko.

"Handa naba ang mesa? Pakitawagan nalang ang lahat, si Mang Caloy nasaan?" Tanong pa ni Sir Terrence

"Nandito ako Sir" sagot ni Mang Caloy na lumabas galing sa kusina. Tumango naman si Sir Terrence sa kanya

"Kung nakahanda na ang mesa umupo na tayo, may sasabihin din ako sa lahat" Sabi ni Sir Terrence kaya lumapit ako sa kanya para itulak wheelchair niya

"Pati ba ako Sir?" Tanong naman ni Margie

"Tayong lahat. Sabay sabay tayong kakain ngayon" sagot ni Sir Terrence

"Nakakapanibago mabuti naisipan mo ito? Dapat nga siguro magkaroon tayo ng salo salo ng ganito kahit isang beses lang sa isang buwan" Sabi ni Ma'am Cecille na umupo na sa pwesto nito.

"Ang dami ng pinaluto mong pagkain Sir tayo lang pala kakain nito" Sabi naman ni Ate Kiray

Nagsiupuan na silang lahat at ako naman naiwang nakatayo sa likuran ni Sir Terrence.

"Umupo kana din" utos ni Sir at tinignan ang bakanteng upuan sa tabi niya. Umupo narin ako at tahimik na nakiramdam sa paligid ko.

"Bago tayo kumain may gusto sana akong sabihin sa inyo" simula ni Sir Terrence ng makaupo na kaming lahat. "Nagtataka siguro kayo kung bakit magkakasalo tayong lahat kumain ngayon tama?" Nakangiting tanong niya samantalang ako kinakabahan. Umoo naman ang mga kasama namin at muling nagsalita si Sir "May pangyayari kasi sa buhay ko ang gusto kong ibahagi sa inyo dahil isang pamilya tayong lahat dito" seryosong sabi niya at tinignan lahat kami. "Gusto kong samahan niyo ako" Sabi nito tsaka nito ibinaling ang paningin sakin. "Actually kami" dugtong nito sa sinasabi niya tsaka nito hinawakan ang isang kamay ko na nasa ilalim ng mesa. "Gusto kong malaman na ninyong lahat dahil hindi ko na kaya pang itago ito ng isa pang araw pa ang relasyon namin ni Lizzy" sambit niya sabay labas at taas sa magkahawak kamay naming dalawa na nasa ilalim ng mesa.

Baby Big Boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon