Chapter 39

2.2K 40 0
                                    

Lizzy's Pov

Araw na ngayon ng miyerkules at may appointment si Sir Terrence sa hospital. Hindi parin niya ako pinapansin pero hindi naman niya pinapahirapan. Mas naging masunurin pa nga siya ngayon pero namimiss ko rin yung pakikipag usap niya sa'kin. Siguro kaya nag desisyon siya na huwag nalang akong kausapin dahil sumasakit ang ulo niya sa kakulitan ko. Well, di na ako makulit ngayon.

Ako ang nakikipag usap kay Dr. Villegas dahil wala naman pake si Sir sa sinasabi ng Doktor sa kanya. Ako rin kinakausap ni Kuya Leo patungkol sa therapy dahil wala ngang reaction si Sir sa kanila.

Wala naman gaanong sinabi si Dr. Villegas maliban lang sa once a month nalang ang magiging check up ni Sir Terrence pero every wenesday kailangan parin niyang pumunta sa hospital para sa therapy. Ang sabi naman ni Kuya Leo mag s-start na si Sir next week para subukan yung mga equipment nila para lumakas ang mga paa niya.

Nakauwi naman kami ng maayos sa bahay at  nag stay sa sala si Sir para doon na maghintay ng ihahanda kong pagkain sa kanya. Lagi kaming magkasalo kumain sa mesa kahit di niya ako pinapansin. Yun kasi ang gusto niya, dati pagkain lang kasi niya inihanda ko tinawag pa niya si Ate Kiray at inutusan ikuha ako ng plato ko at pinasabi pa niya dito na sabay daw kaming kakain kahit nasa likuran lang naman niya ako. Siguro ayaw lang niyang kumain mag isa. Ang lungkot nga naman kasi kumain mag isa kahit masarap nakahain sa mesa.

Nang matapos kaming kumain ay hinatid ko muna siya sa kwarto niya. Dumiretyo siya sa kama niya at nagtangkang lumipat mag isa. Actually kaya naman niya talaga pero mas mapapadali kung tutulungan ko siya. Ewan ko ba parang naging allergic siya sa'kin at ayaw magpahawak. Buti nalang pinapayagan akong imasahe mga binti niya.

"Sir kung wala ka ng iuutos lalabas na po ako" Sabi ko pagkatapos ko siyang painumin ng food supplement niya. Tulad ng inaasahan ko di siya kumibo kaya lumabas nalang ako.

Nailigpit na ni Ate Kiray mga naiwang pinagkainan namin ni Sir Terrence kaya naman nag thank you ako. Tumambay muna ako sa kusina at sinamahan ko sila sa panonood ng Eat Bulaga.

"Gusto niyo ba ng kape?" Tanong ni Mang Caloy sa'min

"Ang init init na pero kape parin ang gusto mo ayaw mo ba ng juice o coke?" Tanong ni Manang Lita kay Mang Caloy

"Coffee is life daw Manang" tumatawang sabi naman ni Margie

"Alam niyo naman ito lang kaligayahan ko, kahit di ako kumain basta may kape okay na ako" sagot naman ni Mang Caloy

"Pero hindi na po kayo bumabata baka maging acidic kana po kakainom ng kape" puna ko naman sa kanya

"Parang yung tatay ko kahit sampung tasa ng kape nauubos niya araw araw kaya ayun may heartburn kaya ang sabi ko bawas bawasan ang pagkakape niya lalo't ang mahal ng gamot" sabi ni Ate Kiray

"Okay lang naman mag kape pero huwag lang sumobra. Sabi nga ang lahat ng sobra hindi maganda" sabi naman ni Margie

"Sabi nung napasobra sa kaartehan" tumatawang sabi naman ni Mang Jun "sobrang arte akala mo naman napaka ganda hahaha!" Sabi pa niya. Nahampas tuloy siya ni Margie

"Bakit ka paba nandito umalis kana nga baka hinahanap kana ni Ma'am Cecille!" Sabi ni Margie sa ama

"Tignan niyo napikon hahaha isabuhay mo kasi yang mga sinasabi mo hahaha" pamb-bwisit pa ni Mang Jun sa anak

"Kayo talagang mag ama lagi nalang kayong nag aaway. Ikaw naman imbes na sabihin mong maganda siya kung ano ano ang sinasabi mo" sermon ni Manang Lita kay Mang Jun. Nakangiti naman kaming nakikinig sakanila habang patuloy sa pagsermon nito.

Baby Big Boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon