Lizzy's Pov
Nagising ako sa masarap na naaamoy ko. Parang nagluluto na si Mama ng agahan namin. Inabot ko phone ko at ng makita ko ang oras ay alas singko dos palang. Bakit ang aga naman nagluluto ni Mama.
Nag unat muna ako bago tumayo. Ang himbing parin ng tulog ni Leanna. Tinupi ko muna ang kumot ko bago lumabas ng kwarto. Pagbukas ko palang ng pintuan ay sumalubong na sakin ang amoy ng tocino. Kahit araw araw akong kumain nito hindi ako magsasawa. Lumapit ako kay Mama na abala sa pagluluto at yumapos sa kanya. Nagulat pa nga ito kaya ako napatawa.
"Good morning Ma" nakangiting sabi ko at hinigpitan pa ang pagkakayakap ko sa kanya
"Good morning din bakit ang aga mong tumayo? Matulog kapa" sabi nito
"Ihhh alam mo naman ganitong oras ako nagigising kahit late na ako matulog" sagot ko sa kanya tsaka kumalas ng pagkakayakap
"Kahit mahiga ka lang wala ka naman gagawin" sabi pa niya
"Si Mama tinuturuan akong maging tamad" pagbibiro ko tsaka tumawa "sandali nga lang maghihilamos ako" paalam ko tsaka pumasok na sa banyo.
Balak ko lang sanang mag toothbrush at maghilamos ang kaso hindi ko alam bakit ako naghubad ng damit kaysa isuot pabalik ay naligo na ako. Bente sais palang ako pero parang nagiging ulyanin na'ko nakalimutan kong linggo ngayon at nasa bahay namin ako, akala yata ng katawan ko ay nasa bahay ako ng amo ko na satwing umaga ay naliligo ako bago mag jogging. Speaking of jogging sunday is no jogging day hahaha. Ehhh? Para akong tanga na tumatawa. Ehhh???? Tanga o baliw? Umiling iling ako sa naisip.
"Ma pwede pasuyo ng twalya?" Tawag ko kay Mama
"Sige sandali lang" sagot nito "akala ko ba'y maghihilamos ka lang?" Tanong nito ng iabot sakin ang twalya
"Ewan ko ba bakit ako naligo" sagot ko tsaka tumawa
Pagbalik ko sa kwarto ay tulog parin si Leanna. Binuksan ko yung aparador ko at nakita ko yung bistida na sinusuot ko kapag nagsisimba ako. Inilabas ko iyon at nagpasyang isuot. Mas magandang simulan ang umaga kapag kinausap mo ang Panginoon.
"Magsisimba ka din?" Tanong ni Mama sakin ng makita niya akong nakabihis
Tumango ako.
"Magsisimba ka?" Nakangiting tanong ko sa kanya
"Oo sana magpapasalamat ako sa Panginoon sa maraming bagay. Mabuti pa gisingin mo na kapatid mo ng sabay sabay na tayong magsimbang tatlo" sagot sakin ni Mama
"Sasama naman kaya?" Bulong ko tsaka bumalik sa kwarto para gisingin si Leanna.
Kahit kailan ang hirap talaga niyang gisingin. Kahit sumigaw siguro ako ng sunog dito ay humihilik parin siya. After 200 years nagising ko rin siya pinag b-bwisitan pa ako ng loka!
"Gising na pinapagising ka ni Mama sama ka daw samin mag simba" sabi ko sa kanya pero hinila lang nito ang kumot niya at pumikit ulit "bangon na diyan ma lelate tayo sa six am mass" sabi ko pa
"Kayo nalang inaantok pa ako" sagot nito sakto naman dumating si Mama
"Anong inaantok hala bangon diyan! Hindi kana nahiya sa Ate mo nauna pang gumising sayo. Tumayo ka diyan at magsisimba tayo" sabi ni Mama
"Kayo nalang mamaya na ako magsisimba" sabi pa ni Leanna. Magsasalita pa sana si Mama pero pinigilan ko siya
"Hayaan mo na siya Ma hindi ko nalang siya bibigyan ng allowance mamaya, sayang din ang five hundred" sabi ko tsaka ngumiti kay Mama
BINABASA MO ANG
Baby Big Boss (COMPLETED)
RomanceSi Lizzy Ocampo ay simple lang ang gusto sa buhay yun ay ang mabigyan niya ng magandang buhay ang kanyang pamilya. Namasukan siya bilang isang caregiver sa isang pamilya at sinwerte naman siya sa kanyang naging amo at itinuring siyang kapamilya. Hin...