Terrence Pov
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko at hindi ako makapaniwala sa mga sagot na pumapasok sa isip ko. Kahit anong gawin kong iligaw ang mga dahilan kung bakit ay dun parin nauuwi yung sagot.
Napatingin ako sa pintuan ng makarinig ng katok. Bumungad agad sakin yung nakangiting mukha ni Lizzy at parang nag slowmo ang mundo ko habang nakatingin sa kanya.
"Sir hilutin ko ang mga paa mo ah" rinig kong sabi nito at umakyat siya sa kama ko at hinawakan ang mga paa ko. Para akong nabato balani at hindi maalis ang tingin sa mukha niya, para bang nagliliwanag siya na lalong nagpapalakas at bilis ng kabog ng puso ko. May mga sinasabi pa siya dahil nakikita kong bumubuka ang mga bibig niya pero wala akong maintindihan.
"Sir? Sir?" Sabi nito na habang nakatingin sa'kin na nagpabalik sa wisyo ko.
"Ang ingay mo" kunwari iritadong sabi ko at iniwas ang tingin sa kanya
"Sinasabi ko lang po Sir lalo na bukas na start ng theraphy mo" sagot naman niya kaya napabalik ang tingin ko sa kanya habang patuloy siya sa pagmasahe sa mga binti ko
"Anong bukas therapy ko?" Naguguluhang tanong ko
"Miyerkules po bukas Sir araw ng check up niyo at simula narin ng theraphy mo. Ipakita mo Sir kay Dr. Villegas kung paano ka kadesidido gumaling ng makalakad ulit okay?" sagot niya at nakangiting tumingin sa'kin
Mabilis kong iniwas ang paningin ko sa kanya.
"Hindi mo na kailangan masahihin mga paa ko magpapa theraphy naman pala ako bukas" sambit ko
"Oo nga po pero mas maganda kung mamasahe mga paa mo sigurado sasabihin din ng doctor na need i massage mga paa mo para mapabilis ang paggaling mo" sagot nito na patuloy parin sa pagmamasahe sa mga paa ko
"Tama na yan gawin mo nalang ibang gagawin mo gusto ko ng magpahinga" sabi ko
"Wala naman po akong ibang gagawin e tsaka trabaho ko naman po ginagawa ko kaya okay lang. Kung gusto mo matulog Sir okay lang matulog po kayo, makakatulong pagmamasahe ko para mabilis ka pong antukin" sagot niya tsaka ito ngumiti
"Bahala ka matutulog na ako" tanging nasabi ko. Tinulungan pa niya ako para maayos makahiga.
Pinikit ko ang mga mata ko habang patuloy ito sa pagmamasahe. Hindi ko maintindihan ang sarili ko na kahit naiilang ako sa presensiya niya ngayon ay masaya ako dahil nakikita ko siya at nandito siya sa tabi ko. Wala naman talaga akong balak matulog dahil hindi naman ako inaantok, sa katunayan balak kong lumabas at mag isip isip kanina ng dapat kong gawin upang hindi magmukhang tanga satwing nakikita ko si Lizzy.
Habang pinapanood ko si Lizzy na para bang hindi napapagod sa pagmamasahe sa mga paa ko ay napangiti ako. Hindi ko siya maintindihan kung bakit sobrang effort at concern ang ipinapakita at binibigay niya sa'kin. Alam ko trabaho niya ang ginagawa niya pero iba kaso niya. Kung ibang caregiver siguro ang sasabihan ko na itigil na pagmamasahe sa'kin susunod agad sila, at kung wala akong iuutos mas pabor sa kanila. Naiiba at bukod tangi lang si Lizzy na tila gustong gustong inuutusan siya, ipipilit din ang gusto kahit mapagalitan pa para lang sa kapakanan ko.
Narinig kong tumunog ang phone niya at nakita kong kinuha niya iyon sa bulsa niya. Patuloy parin ang isang kamay nito sa pagmamasahe sa binti ko habang yung isa naman ay naging abala sa pag reply sa text na natanggap niya. Nakita ko na napangiti siya sa sunod na mensahe na natanggap niya at nakangiting nag rereply naman siya.
Curious ako kung sino ang katext niya at pinag uusapan nila. Bigla kasi itong napatigil sa pagmamasahe sa'kin at nag focus sa katext niya.
Gustong gusto kong nakikita siyang nakangiti pero sa pagkakataong ito naiirita ako sa mga ngiti niya. Tila parang kinikilig ito sa kung sino man ang kausap niya. Gusto kong umupo at agawin sa kanya ang cellphone niya pero alam kong wala akong karapatan gawin iyon. Taas baba ang dibdib ko at pinipigil ang inis dahil nakalimutan na niya ako dahil lang sa kung sino man ang katext niya.
BINABASA MO ANG
Baby Big Boss (COMPLETED)
RomanceSi Lizzy Ocampo ay simple lang ang gusto sa buhay yun ay ang mabigyan niya ng magandang buhay ang kanyang pamilya. Namasukan siya bilang isang caregiver sa isang pamilya at sinwerte naman siya sa kanyang naging amo at itinuring siyang kapamilya. Hin...