Lizzy's Pov
Muntik na akong mahimatay ng makita ko si Terrence pagkatapos ng mahigit dalawang taon. Halo halo ang naramdaman ko ng makita ko ulit siya ngunit nangibabaw ang saya lalo na ng makita kong maayos na ang mga paa niya. Gusto ko sanang lapitan siya ngunit hindi ko alam kung bakit napaurong ako kanina. Nakita ko ang sakit sa mga mata niya sa ginawa ko pero may mas sasakit paba sa ginawa niya sa'kin?
Akala ko talaga aalis na siya kanina ng harapin at kausapin siya ni Mama ngunit nanatili lang ito sa harapan ng tindahan namin kahit pinagtabuyan na siya kanina. Medyo naaawa din ako dahil kasagsagan ng sikat ng araw at wala man lang siyang panangga sa init ng araw. Mukhang nahihiya rin siyang pumasok sa tindahan para kahit paano'y makasilong man lang.
Para akong may stiff neck at hindi makakilos ng maayos. Halata din kay Mama na nag aalala sakin dahil sa pagiging tahimik ko. Alam ko hindi normal ang ikinikilos ko ngunit pipilitin ko maging normal alang alang sa mga costumers ko. Ilang costumers narin kasi ang pumunta at bumili pero hindi ko alam kung ngiti o ngiwi naipapakita ko sa kanila. Sinubukan rin akong tulungan ni Terrence magbuhat nung may bumiling isang kahon na manok pero hindi ko siya binigyan ng pagkakataon na matulungan ako, kaya ko naman kasi at dalawang taon ko rin ginagawa ang trabahong ito. Kung tutuusin wala nalang sa'kin magbuhat ng kinse kilos na manok, feeling ko nga nagka muscle na ako.
Pasimpleng sumulyap ako sa kinakatayuan ni Terrence at nakita ang basang damit niya dahil sa pawis. Ikaw ba naman magbilad sa araw at naka long sleeve pa. Hindi ko naman maiwasan ang hindi mag alala dahil kanina pa siya nakatayo. Umalis nalang sana siya kung nangangawit na siya dahil baka mapaano pa ang mga paa niya.
Alam kong matangkad si Sir Terrence kahit noong nakaupo pa siya sa wheelchair niya, hindi ko lang akalain na sobrang tangkad pala niya. Palagay ko naglalaro sa 185 - 187 cm ang taas niya. Mabilis ko namang iniwas ang tingin ko sa kanya ng gumalaw ang ulo nito at sa tingin ko ay nakatingin na naman ulit siya ngayon sa'kin.
Alas singko ng hapon ng dumating na yung mga karneng inorder ko sa supplier ko. Hindi na ako nag inarte ng tulungan ako ni Terrence, busy din kasi si Mama dahil may mga inaasikasong costumers.
Habang kausap ko ang supplier ko at pinapanood ang mga ibinababang mga kahon ng karne ay inililipat naman ni Terrence ang mga iyon sa gilid ng tindahan upang hindi nakaharang sa kalsada.
"Ate wala pabang beef brisket at plate? Marami Rami kasing naghahanap" tanong ko sa supplier ko habang tinitignan yung listahan ng mga inorder ko sa kanya.
"Mahirap ngayon brisket at plate yang rib nga nagmakaawa lang ako na bigyan ako, sigurado itataas na naman niyan nila ang presyo parang sa chicken thigh" Sagot nito
"Sige okay lang po pero kapag meron na paki bigyan naman ako kahit tig limang kahon lang" pakiusap ko
"Walang problema basta meron" sagot naman niya. Tinignan ko naman si Terrence na inaayos ang pagkakasalansan at pinagpapareho ang mga box ng kung anong klase ang mga ito.
Binilang ko yung mga box at tinignan as listahan kung tama ba ang bilang at ibinigay nila. Nang masigurong okay na ang lahat ay nagbayaran na kami. Napatingin naman ako sa loob ng tindahan at nakitang nasa loob si Terrence at tinulungan naman si Mama sa pagbebenta. Hawak nito ang isang buong paa ng baboy at ini slice niya iyon gamit ang bonesaw cutter.
"Ilang cut po ba ang gagawin ko dito?" Tanong nito sa lalaking costumer
"Ganyang laki lang boss tulad ng nauna tapos hatiin nalang ulit" sagot ng lalaking costumer.
Pumasok na ako sa loob at tumulong narin. Inasikaso ko yung kausap na babae ni Mama at pinapunta ko nalang si Mama sa counter para siya ang mag kwenta ng mga binili ng mga costumers namin.
BINABASA MO ANG
Baby Big Boss (COMPLETED)
RomanceSi Lizzy Ocampo ay simple lang ang gusto sa buhay yun ay ang mabigyan niya ng magandang buhay ang kanyang pamilya. Namasukan siya bilang isang caregiver sa isang pamilya at sinwerte naman siya sa kanyang naging amo at itinuring siyang kapamilya. Hin...