Talitha's Pov
Ilang araw narin akong naghahanap ng trabaho at lahat ng inaaplayan ko ay sinasabing tatawagan nalang daw ako. Kaunti nalang din ang pera ko kaya todo tipid ako. Sana lang kahit isa lang sa mga kumpanyang inaplayan ko ay tawagin ako.
"Ma" tawag ko ng maabutan ko siyang gumagawa ng embotido
"Oh, nandiyan kana pala, kumusta ang lakad mo?" Nakangiting tanong niya
"Mukhang hindi ako tanggap eh" sagot ko na nagkandahaba pa ang nguso
"Ano naman ngayon, hindi mo kawalan ang 'di nila pagtanggap sa'yo kapag ganoon" napangiti naman ako sa sinabi ni Mama
"Kung mag abroad nalang kaya ako?" Seryoso akong tumingin kay Mama. Mukha kasing wala na akong ibang choice kung hindi ang mag abroad.
"Dumito ka nalang at magtinda nalang tayo ng tocino, iniwan na ako ng Papa niyo tapos gusto mo pang lumayo sa'min, hindi ako papayag" matigas na tutol nito
Alam ko naman na hindi talaga papayag si Mama pero dahil wala akong mahanap na trabaho kaya ko naisipan na baka pwedeng mag ofw nalang ako.
"Sabi nila in demand ngayon ang mga caregiver sa Canada, naisip ko na baka pwede ako doon" pangungumbinsi ko sa kanya
"Magbihis kana at magpahinga" iwas na sagot nito sa'kin
"Sige Ma," sagot ko bago siya tinalikuran papunta sa kwarto
Pagkatapos kong magbihis ay lumabas din agad ako para tulungan si Mama, mukhang mahirap kumbinsihin si Mama sa pag aabroad ko kaya naman kailangan ko siyang tulungan sa pag gawa ng mga tinitinda naming frozen products.
Habang nagbabalot kami ng embotido ay may tumawag naman mula sa labas. Tumayo si Leanna para tignan kung sino ang tumatawag mula sa labas hanggang sa lumabas na ito.
"Ma, nandito si Kuya Ben" tawag ni Leanna kay Mama mula sa pinto
"Oh, bakit daw? Sandali lang" sagot naman ni Mama.
Hindi na ako nag abalang tignan kung sino man yung sinasabi ni Leanna at pinagpatuloy ang pagbabalot. Baka kasi isa lang sa customer ni Mama o sa mga resellers niya, masarap kasi mga homemade frozen foods namin at binabalikan talaga.
"Good afternoon po Aling Matilda nandiyan po ba si Lizzy?" Dinig kong tanong nung lalaki kaya napasilip ako sa may bandang pintuan pero hindi ko naman sila makita, mukhang nasa sala sila at pinaupo yung bisita.
"Ben ikaw pala, oo nandito siya nasa kusina, gusto mong makausap?" Tanong naman ni Mama
Napakunot ako ng noo, bat niya ako hinahanap? Tsaka sinong Ben? Wala akong kilalang Ben.
"Pwede po ba? Aakyat po sana ako ng ligaw" dinig kong sagot naman nung Ben, muntik pa akong mahulog sa kinauupuan ko sa narinig.
"Leanna, tawagin mo nga ang ate mo at sabihin may bisita siya kamo"
"Opo Ma!" Masiglang sagot naman ni Leanna.
Pinagpatuloy ko lang ang ginagawa at nagkunwaring hindi narinig ang sinabi ni Mama ng masiglang lapitan ako ng kapatid ko.
"Ate ate!" Ipit at tila kinikilig na tawag niya sa'kin kaya naman sinuway ko siya
"Ano bang nangyayare sa'yo?" Patay malisyang tanong ko sa kanya
"Nasa labas si Kuya Ben kausap si Mama nagpapaalam, gusto ka daw kasing ligawan" kilig na kilig na sabi nito.
Sa hitsura ng kapatid ko ngayon mukha naman matino yung tinutukoy niya, mataas kasi standards niya.
BINABASA MO ANG
Baby Big Boss (COMPLETED)
RomanceSi Lizzy Ocampo ay simple lang ang gusto sa buhay yun ay ang mabigyan niya ng magandang buhay ang kanyang pamilya. Namasukan siya bilang isang caregiver sa isang pamilya at sinwerte naman siya sa kanyang naging amo at itinuring siyang kapamilya. Hin...