Chapter 68

2.8K 59 0
                                    

Lizzy's Pov

Lumuwang ang dibdib ko ng makita ang sasakyan ni Terrence na dumaan at huminto sa harapan ng shop. Nakakapanibago lang, dati kasi ala sais palang nandito na siya pero ngayon alas nuwebe na. Actually nag alala ako sa kanya pero hindi ko naman alam ang number niya kaya hindi ko matawagan, buti nalang nandito na siya.

Inaasahan ko na yung kada umaga ay binibigyan niya ako ng bulaklak kaya hindi na ako nagulat ng lumabas siya sa sasakyan niya at may itinatago sa likuran niya. Ayokong kiligin dahil alam ko naman kung ano yun pero hindi ko maiwasan mamula. Iba kasi yung feeling na kahit everyday nalang niyang ginagawa iyon ay na a-appreciate ko parin, kahit hindi ko nga pinapakita sa kanya na gusto ko yung mga bulaklak na ibinibigay niya.

"Good morning baby sorry I'm late" Sabi nito pero hindi parin binibigay yung bulaklak na itinatago nito sa likuran niya.

"Good morning din, 'di ka naman late, okay nga lang kahit 'di kana pumunta" Sabi ko at nagkunwaring abala sa pag i-inventory.

"Para sayo" Sabi nito sabay baba sa mesa. Literal na namilog ang mga mata ko at napatakip sa bibig sa nakita ko.

"Oh My God! Ang cute! Sure ka akin na'to?" Sabi ko sabay karga sa cute na cute na aso. Agad naman dinilaan ng aso ang mukha ko na ikinatawa ko.

"Nagustuhan mo?" Nakangiting tanong naman niya

"Baliw kaba? Siyempre!" Masayang sabi ko "thank you so much!" Malapad ang mga ngiting sabi ko "ano ang pangalan niya?" Tanong ko

"Wala pa siyang pangalan, hindi siya pinangalanan nung breeder dahil ayaw niyangq attached sa puppy baka daw hindi niya ibenta" sagot nito

"Saan mo ba siya binili? Ang cute cute naman ng bebeko. Anong gusto mong ipangalan ko sa'yo ha? Iisip si Mommy ng magandang pangalan na bagay sa'yo ha?" Sabi ko at gigil na pinugpog ng halik ang aso.

"Kagabi kasi may nadaanan akong pet shop at nung tignan ko marami silang binebentang aso, nung una yung maliit na shih tzu o pomeranian nalang sana bibilhin ko kaso may ini offer yung breeder na kung gusto ko daw ba ng golden retriever, may GR din kami dati nung bata ako at sa palagay ko mas bagay sila sa'yo kaya GR nalang pinili ko. Hinintay ko pa sila nagbukas kanina pati na ang aso kaya na late ako ng dating dito" sagot niya

"Ang tagal ko na kayang gustong mag alaga ng aso, nag w-worry lang ako baka hindi ko maalagan sa dami ng ginagawa ko" sagot ko habang hinihimas ang tuta

"Huwag kang mag alala tutulungan kitang alagaan siya, pati ikaw aalagaan ko" Sabi nito

"Tss" Sabi ko naman at nag roll eyes "simula ngayon ikaw na si Captain okay?at lahat ng gusto mo ibibigay ni Mommy" Sabi ko sa aso. Tumahol naman ito kaya natuwa ako, parang nagustuhan niya yung pangalan niya at sinabi ko.

"Ang ganda naman ng pangalan mo Captain bagay na bagay sa'yo" sabi naman ni Terrence na hinimas ang ulo ni Captain. Ang Mommy mo General ikaw naman ang Captain at si Daddy ang taga sunod niyo" natatawang sabi nito, pati tuloy ako hindi napigilan matawa

"Ikaw lang bumili at nagbigay sa kanya pero hindi ikaw ang Daddy niya" sabi ko naman.

"Magiging Daddy din niya ako soon kapag hindi na galit si General" Sabi naman niya

Hindi nalang ako kumibo at nakipaglaro nalang kay Captain habang wala pang bumibili.

"Baby kunin ko lang sa sasakyan yung mga binili kong gamit niya, bumili lang ako ng basic needs niya ibili nalang natin siya ng mga wala pa siya kung may oras ka mamaya after natin magsara ng tindahan" sabi niya

Baby Big Boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon