Chapter 67

2.4K 60 5
                                    

Lizzy's Pov

Tatlong umaga na akong binibigyan ni Terrence ng bulaklak, tatlong araw na din na kung ano anong pagkain ang pinapa deliver niya. Tulad ngayon nagpa grab food siya ng 2 box ng assorted flavors na corndogs at 3 milktea.

"Bakit ang dami naman? Mauubos ba natin mga 'to?" Tanong ni Mama pagkakuha ng isang corndog

"Huwag kang mag alala Ma mauubos ni Lizzy lahat ng yan" sagot naman ni Terrence na nagpataas ng kilay ko at tumingin sa kanya. Nakangiting sinalubong naman niya ang tingin ko, hindi ko din inaasahan ang ginawa niyang paghawak sa nakataas kong kilay at pilit ibinaba ito.

"Sabagay tama ka din naman, kailiit ng tiyan pero ang lakas kumain. Alam mo ba noong bata pa siya lagi yan hindi natutunawan, isang beses nga dinala pa namin siya ng Papa niya sa hospital dahil nagsusuka at hindi na makahinga dahil sa kabusugan" casual na kwento naman ni Mama.

Napansin ko kay Mama na palagay na ulit ang loob niya kay Terrence, kagabi nga pinagtimpla pa niya ng kape pagkatapos naming kumain ng hapunan. Kasabay narin pala namin siyang kumain ng almusal, tanghalian at hapunan.

"Ma, eight years old pa ako nun" Sabi ko naman at kumuha ng isang corndog na nababalutan ng patatas.

"Sinasabi ko lang na matakaw kana mula pa noong bata ka" Sabi pa niya na nagpa roll eyes sakin

"Ma, nakakahiya" mahinang sabi ko

"Kanino ka mahihiya tayong tatlo lang naman dito"

"Yun na nga Ma may kasama tayong ibang tao"

"Si Terrence ba? Hindi naman siya ibang tao at mukhang alam naman niya na malakas kang kumain kahit hindi ko sabihin"

Napatingin naman ako kay Terrence na kulang nalang mapunit ang mga labi sa pagkakangiti. Inismiran ko nalang siya at muling tumingin kay Mama.

Kung dati natutuwa ako dahil kahit papaano ay nabawasan ang pagiging masungit nina Mama at Leanna kay Terrence, ngayon 'di ko alam kung dapat paba akong matuwa sa pagbabago ng pakikitungo nila sa kanya. Ang nangyayari na kasi ngayon ay parang siya na ang anak at kapatid nila.

Katulad kanina, habang nag aalmusal kami, alam ni Mama na paborito ko yung itlog pero dahil tatlo lang yung itlog naging tig isa isa sila at wala ako. Imbes kasi na ibigay sakin yung isang itlog inilagay niya agad iyon sa plato ni Terrence at sinabing 'kumain ka ng marami at magpakalakas" tapos yung isang itlog naman ay binigay niya kay Leanna at sinabi rin na 'importante sa mga estudyante lalo na sa katulad mo na maraming sinasaulo ang pagkain ng itlog sa almusal' Wala naman talagang problema sakin kasi may isa pa, kaso yung isang natitira ay kinuha niya para sa kanya. Hindi nalang ako nagsalita at bumawi nalang sa hotdog.

Inis na kumagat nalang ako ng corndog at impyernes masarap pala yung overload nila, lagi kasing binibili ko ay yung mozzarella. Iba talaga kapag nakakakain ako ng masarap nag iiba ang mood ko at parang ang kinakain ko lang ngayon overload din ang happiness ko.

*****

Pinapanood ko si Terrence habang may ka meeting siya sa zoom. Iba talaga yung dating niya kapag seryosong nagtatrabaho parang lalong gumagwapo. Napahawak naman ako sa dibdib ko dahil ang bilis ng tibok nito.

Napatingin naman ako sa labas ng may humintomg motor. Hindi ko alam kung ngingiti ba ako o ngingiwi ng makita kung sino ang sakay nun. Agad akong tumayo ng pumasok siya sa tindahan at nakangiting tinignan ako.

Gwapo si Zeke, matangkad din naman at ang astig niyang pumorma. Hindi ko na matandaan kung ilang beses na niya akong niyayang lumabas at mag joy ride daw pero lahat tinanggihan ko. Dati lagi niya akong pinupuntahan mga 2 o 3 beses sa isang linggo pero ngayon ay dumalang na pagpunta punta niya dito sa shop, siguro dahil sa lagi ko siyang tinatanggihan.

Baby Big Boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon