Lizzy's Pov
Nandito kami ngayon sa hospital dahil check up at theraphy ngayon ni Sir Terrence, pero naging pahirapan bago kami umalis ng bahay para pumunta dito.
***Flashbacks
"Sir ito kaya?" Pakita ko sa short na hawak ko. Umiling naman siya at binalik ang pansin sa binabasa
"Heto kaya?" Pakita ko pa sa isang short pero umiling lang ulit siya
Sa dami ng mga damit dito sa closet ni Sir Terrence wala siyang mapili. Ang sabi ko maligo na siya habang pinaghahanap ko siya ng masusuot pero gusto muna niyang makita yung damit na ipapasuot ko daw sa kanya.
"Itong pants mo Sir maganda tapos ternuhan mo nalang nitong t-shirt oh" pakita ko sa mga nabanggit ko pero umiling ulit siya
Tinignan ko ang relo ko at inilabas ang mga damit sa closet niya. Bahala siyang pumili ng damit niya at aayusin ko nalang mamaya pag naliligo siya.
"Sir heto ikaw na mamili" Sabi ko at ibinaba sa kama niya yung mga damit niya. Kinuha ko pa ulit sa closet yung iba ay inilapag sa kama niya.
"Sir 10 o'clock po appointment mo sa hospital may 10 minutes nalang po tayo at hindi kapa naliligo"
"Edi tumawag ka at i reschedule mo nalang sa ibang araw" Sabi nito na hindi man lang nag abalang tignan ako o yung mga damit na inilapag ko sa kama niya.
"Hindi pwede Sir kailangan ngayon na, huwag ka nalang maligo at huwag kana rin magpalit ng damit ganyan ka nalang po tutal malinis naman ang damit mo at mabango kapa rin naman kahit hindi ka maligo" Sabi ko na muling nilikom yung damit niya para ibalik sa closet niya
"Hindi ako aalis ng bahay ng di naliligo pumili ka nalang ng kahit ano diyan yun nalang isusuot ko" Sabi nito na ibinaba ang librong hawak
"Tulungan mo'ko maligo" Sabi pa niya habang hinuhubad sa harapan ko yung t-shirt niya, tumambad tuloy sakin yung pa abs ni mayor.
Ipiniling ko nalang ang ulo ko at kinuha pinaghubaran niya at tinulungan siya makapasok sa banyo.
Habang inaayos ang mga damit niya at ibinabalik sa closet niya ay narinig kong tinawag niya ang pangalan ko. Ako naman nagmadali na lumapit sa banyo idinikit ang tenga sa pinto at kumatok.
"Sir bakit po?" Tanong ko
"Pumasok ka tulungan mo'ko" Sabi nito. Hindi ko naisip kung anong tulong ang gusto niya basta bigla nalang akong nag overthink na baka nadulas siya. Huli na ng makita ko ang hindi ko dapat makita. Mabilis ko nalang iniwas ang mata ko lalo na nakita kong nagulat din siya sa biglang pagpasok ko at hindi pa niya nagawang takpan yung tweet tweet niya ng bimpo.
"Sorry po Sir" Sabi ko nalang na kunwari wala lang sakin at kinuha yung sabon
"Paki hiluran lang ang likod ko di ko lang maabot" Sabi nito
Nanginginig ang mga kamay na nilagyan ng sabon yung loofah at nilagay sa likuran niya para mahilod siya.
Pagkatapos ko siyang hiluran ay pinalabas na niya ako. Para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan at lumuwag pakiramdam ko. Sumandal pa ako sa likuran ng pinto at himinga ng maraming beses bago muling maglakad papunta sa kama niya upang ituloy ang ginagawa ko kanina.
Parang nailalarawan ko na sa isip ko kung ano ang itsura ng kwarto ni Sir Terrence bago ulit ako pumasok. Hindi nga ako nagkamali dahil nagkalat ang basa sa sahig, sa araw araw ba naman na ginawa ng Diyos laging ganito nadadatnan ko pagkatapos niyang maligo.
BINABASA MO ANG
Baby Big Boss (COMPLETED)
RomanceSi Lizzy Ocampo ay simple lang ang gusto sa buhay yun ay ang mabigyan niya ng magandang buhay ang kanyang pamilya. Namasukan siya bilang isang caregiver sa isang pamilya at sinwerte naman siya sa kanyang naging amo at itinuring siyang kapamilya. Hin...