Chapter 40

2.3K 47 10
                                    

Lizzy's Pov

"Huwag muna!" Sabi ko na napalakas ang pagkakasabi

"Why not?" Kunot ang noong tanong niya

"Kasi ano" nalilitong sabi ko "ang bilis ng mga pangyayari ako nga di parin makapaniwala na tayo na kaya paano ko sasabihin sa iba" sagot ko sa kanya

"Kailan mo balak sabihin sa kanila kung ganoon?" Tukoy niya sa mga kasamahan namin sa bahay. Gusto kasi niyang sabihin na namin sa lahat ang relasyon namin at mag celebrate daw kami.

"Next month" mabilis na sagot ko sa kanya

"What?! Baby that's too lang at a otso palang ngayon!" Sagot naman nito. Akala ko maaga na yung next month pero di ko naisip na matagal na pala yun sa kanya.

"Okay sige bigyan mo'ko ng two weeks para maayos ang lahat" Sabi ko

"Baby anong aayusin mo? Sasabihin lang naman natin na tayo na at dalawa tayo na haharap at magsasabi sa kanila" Sabi naman niya

"Parang ambilis kasi" mahinang sabi ko

Mahaba habang katahimikan ang namayani sa amin bago ulit ito nagsalita.

"All right, I'll give you two days para magawa ang nasa isip mo bago natin sabihin sa kanila ang tungkol sa atin" Sabi niya

Napatingin naman ako diretyo sa mga mata niya.

"One week" Sabi ko pero umiling niya

"Just two days" Sabi naman niya

"Maikli yung two days matataranta lang ako nun baka anong masabi ko. Bigyan mo'ko kahit limang araw lang" Sabi ko at kumunot na naman ang noo niya "please" pakiusap ko pa

"Okay three days, can't be more than that" Sabi niya. Hihirit pa sana ako pero sinelyuhan niya labi ko ng labi niya. Wala akong nagawa kundi tumango nalang, at least ginawang three days at hindi ora orada.

"Natunaw na strawberry milkshake mo igagawa nalang ulit kita" Sabi ko at kinuha yung baso na may lamang milkshake na hindi man niya nagalaw.

"Huwag na dito ka nalang samahan mo nalang ako dito" Sabi niya na kinuha sa kamay ko yung baso at ibinaba ulit sa side table niya

"Eh anong gagawin ko dito? Buti pa hilutin ko mga paa mo" sabi ko naman

"Pwede din naman pero mas gusto kong nandito ka lang sa tabi ko habang nag kukwento ka" sagot niya

"Wala naman akong maikukwento nasabi ko na lahat sa'yo" sagot ko naman

"Kahit ano lang, umoisahan natin nung day off mo anong ginawa mo nung day off mo? Nag aabang ako sa facebook ng post mo pero hanggang ngayon wala ka parin pinopost maliban dun sa shinare mo na nakakatawang reels tungkol sa aso" Sabi naman niya

"Ahh.. kasi wala naman akong ipopost na update tungkol sa sarili ko. Ayoko din pinag tsi-tsismisan ako kaya tahimik lang ako sa social media. Tsaka parang ordinaryong araw lang din yung day off ko, nag start araw ko sa pagsimba kasama pamilya ko tsaka sumama din pala si Benedict nun pinag drive niya kami, nakakahiya nga ang dami niyang pasalubong sa'min galing kasi siya ng Baguio" Sabi ko tapos huminto muna at inisip yung mga ginawa ko nung linggo. "Ahh! Tinulungan ko pala si Mama nung hapon na mag pack ng tocino at gumawa ng embutido medyo marami kasi siyang order ng mga iyon" nakangiting sagot ko nung tumingin ako sa kanya. Nawala naman ngiti sa labi ko nung kunot noo at nakasalubong ang mga kilay niyang nakatingin sa'kin. Napatanong pa ako sa kanya ng bakit?

Baby Big Boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon