Lizzy's Pov
Alas kwatro palang ng madaling araw ay nagising at tumayo na ako. Binuksan ko ang refrigerator at inilabas ang isang pack ng tocino na si Mama ang gumawa. Agad kong iniluto iyon at napangiti dahil sa nakakatakam na amoy niyon.
Pagtitinda ng tocino ang kinabubuhay ng pamilya namin. Bumibili si Mama sa suki niya sa palengke ng manok, baboy at baka para gawing tocino at tapa at siya namang ibinebenta nito sa mga kapitbahay at may mga resellers din siya.
Pagkatapos maluto ng tocino ay sinunod ko ang sinangag. May tirang kanin pa kami kagabi kaya naisipan kong isangag nalang. Ang weird ko ba dahil inuna ko ang tocino? Eh sa gusto ko kasi lasa nung tamis ng tocino na nakabakat sa sinangag.
Dahil maaga pa ay hindi ko na ginising sina Mama at Leanna at nauna na akong kumain ng almusal sa kanila. Pagkatapos kong kumain ay naligo at naghanda na ako para magsimba.
"Good morning ate bakit ang aga mong nakabihis?" Tanong ni Leanna na kinukusot pa ang mata
"Magsisimba lang ako saglit. Nakapagluto na ako ng almusal sabayan mo nalang si Mama mamaya pagkagising niya" bilin ko sa kanya
"Okay" tanging sagot niya at sinundan niya ako sa paglabas ng kwarto namin.
"Alis na ako paki lock nalang ang pinto" sabi ko pa at tumango tango lang siya.
Paglabas ko ay kumaway pa ito sakin bago nito sinarado ang pinto.
Walang lingon lingon na naglakad ako papunta sa sakayan ng jeep. Limang minuto rin ang inilakad ko bago makarating sa terminal kung saan ang sakayan papunta sa simbahan. Tulad ng dati hindi aalis ang jeep hanggat hindi ito puno ng pasahero. Siksikan na kami sa loob at pawisan narin pero hindi pa ito umaalis dahil kulang pa daw ng isa.
Pagbaba ko sa jeepney ay nakahinga na ako ng maluwang. Naglakad ulit ako para makalapit sa simbahan at marami narin tao ang nasa loob nito. Wala akong magawa kundi pumasok at tumayo nalang sa may gilid habang nagsesermon ang pari.
Paglabas ko ng simbahan ay gumaan ang aking pakiramdam. Ngayon ay masasabi ko na handa na ako sa trabahong papasukan ko. Alam kong hindi ako pababayaan ng panginoon at ang pamilya ko.
Pagkauwi ko ng bahay ay nadatnan ko si Mama sa sala na nagwawalis. Agad kong tinanong kung nasaan si Leanna kasabay ang pag mano sa kanya at sinabing nasa kusina ang kapatid ko at naghuhugas ng pinagkainan nila. Lumabas mula sa kusina si Leanna at lumapit samin. "Akala ni Mama umalis kana at mag isa kang pumunta sa mga Gutierez" sabi nito
"Mamayang pagkatapos ng pananghalian ako pupunta. Tumawag sakin si Ma'am Gia at alas kwatro daw ako susunduin sa kanila" sagot ko tsaka kinuha ang walis tambo na hawak ni Mama at binigay sa kanya
"Sigurado ka naba sa desisyon mo? Ayaw mo bang magpahinga muna dito sa bahay?" May pag aalalang tanong sakin ni Mama
"Balak ko nga sanang magpahinga muna kahit isa o dalawang linggo kaso baka ibigay sa iba yung trabaho sayang naman. Atsaka Ma, malaki kasi yung sahod doble sa sweldo ko sa dati kong trabaho. Madaragdagan pa daw yon ng limang libo kapag umabot ako ng tatlong buwan malaking tulong yon sa atin at makakapag ipon pa ako para sa pag aaral ni Leanna" mahabang sabi ko
"Kung hindi mo kaya ang trabaho ate umuwi ka nalang dito, wag mo isipin ang pag aaral ko kaya ko naman kumuha ng scholarship at mag working student para matustusan pag aaral ko eh" napangiti naman ako sa sinabi ni Leanna
"Huwag mo'kong alalahanin at mag focus ka nalang sa pag aaral mo. Kakayanin ko lahat para makatulong kay Mama at sayo. Gusto kong ikaw ang tumupad sa pangarap kong makapag tapos ng pag aaral at gagawin ko ang lahat para matupad ang pangarap kong iyon" nakangiting sabi ko
BINABASA MO ANG
Baby Big Boss (COMPLETED)
RomanceSi Lizzy Ocampo ay simple lang ang gusto sa buhay yun ay ang mabigyan niya ng magandang buhay ang kanyang pamilya. Namasukan siya bilang isang caregiver sa isang pamilya at sinwerte naman siya sa kanyang naging amo at itinuring siyang kapamilya. Hin...