Lizzy's Pov
"Bakit hanggang ngayon Sir Terrence parin tawag mo sa'kin?" Tanong niya habang minamasahe ko ang mga paa niya."mahigit tatlong buwan na tayo pero Sir parin tawag mo sa'kin" sambit pa niya
"Nasanay na kasi ako atsaka kahit boyfriend kita amo parin naman kita kaya palagay ko okay lang na Sir Terrence ang itawag ko sayo o kaya boss" nakangiting sabi ko
"Pero mas gusto kong tawagin mo rin akong baby o babe o kaya mahal" sabi naman niya na ikinatawa ko
"Ang corny mo hahaha!" Sabi ko
"So na c-cornihan ka kapag tinatawag kitang baby?" Nawala naman ang ngiti sa labi ko at napatigil sa pagmamasahe at tinignan siya
"Hindi, kinikilig kaya ako kapag tinatawag mo akong baby tapos sa malambing pa na boses parang ang cute cute mo tuloy sa paningin ko" sagot ko sa kanya at pinisil ang magkabilang pisngi niya
"Bakit sabi mo corny?" Tanong naman niya
"Kapag ako natawag sa'yo ng ganun parang ang corny kasi at di ako sanay" sagot ko naman
"Ang daya naman dapat ikaw din, gusto ko rin matawag na baby" natawa naman ako sa sinabi niya para kasi siyang bata
"Kailangan bang tawagin pa kita ng baby e binibaby na nga kita, kulang na nga lang kantahan kita ng lullaby" natatawang sabi ko
"Sige huwag na kung ayaw mo talaga, Madam Lizzy nalang din itatawag ko sa'yo" Sabi naman niya na ikinatawa ko lalo
"Lakas ng trip mo ah! Sige ikaw bahala kung saan ka masaya" Sabi ko at itinuloy na pagmamasahe sa kanya
"Tss" Sabi naman niya at hindi na ako kinausap
*****
"Bakit hindi ka nalang pumasok sa kumpanya niyo araw araw? O kaya tatlong beses sa isang linggo ako naaawa kay Ma'am Cecille parang naging secretary mo tuloy siya samantalang siya yung CEO" Sabi ko habang inaayos ang tie niya. May meeting kasi ngayon yung board at kailangan niyang umattend.
"Magagawa ko naman ang trabaho ko dito sa bahay at mas convenient para sa'kin na dito nalang gawin trabaho ko, parehas lang din naman ang gagawin ko doon at dito. Kung kailangan nila prisensiya ko madali lang naman akong matawagan may telepono at internet naman" sagot naman niya
"Sige sige boss ikaw po ang bahala, mas alam mo naman ang trabaho mo kaya no comment nalang ako" Sabi ko
"Bakit gusto mo bang pumasok ako sa opisina araw araw?" Tanong naman niya
"Hmm.. ewan ko, siguro oo pero hindi din. Ang gulo ko ba?" Natatawang tanong ko sa kanya. Pinisil naman niya ang pisngi ko at tumawa
"Bakit oo at bakit hindi? Gusto ko malaman nasa isip mo" Sabi niya kaya sumeryoso ako ng mukha at tinitigan siya
"Oo gusto ko na araw araw ka pumasok para makahalubilo mo yung mga katrabaho mo, para narin mag iba tingin nila sayo. Last time kasi napansin ko parang ilag ang mga tao sayo. Pero ayoko din na araw araw kang pumasok kasi unang una anong gagawin ko dito sa bahay kung wala ka, sino mag aalaga sayo dun, isa pa mamimiss kita kaya parang mas okay ako na dito ka nalang" sagot ko sa kanya
"Pwede naman pumasok ako araw araw sa opisina tapos kasama kita. Samahan mo'ko doon at doon mo'ko alagaan" nakangiting sabi nito
"Ayoko nga! Nung huling punta ko doon parang gusto kitang gulpihin eh! Kung makasigaw ka ng get out sa mga tao dun akala mo lalamunin mo sila. Naalala ko tuloy yung unang araw ko dito sa bahay niyo. Diba binato mo pa ako ng baso noon!" Sabi ko at umakmang susuntukin siya. Tumawa lang ang damuho
BINABASA MO ANG
Baby Big Boss (COMPLETED)
RomanceSi Lizzy Ocampo ay simple lang ang gusto sa buhay yun ay ang mabigyan niya ng magandang buhay ang kanyang pamilya. Namasukan siya bilang isang caregiver sa isang pamilya at sinwerte naman siya sa kanyang naging amo at itinuring siyang kapamilya. Hin...