Chapter 51

601 12 12
                                    

Magkasamang naglakad sina Kathryn at Daniel. May konting agwat sa pagitan pero wala sa kanila ang gustong bumalik.

"Masakit na paa mo?" Tanong ni Daniel nang saglit na huminto si Kathryn para hubarin ang kanyang sapatos. "Ako na.." Lumuhod ito at ipinatong ang mga kamay ni Kathryn sa balikat nya para hindi ito matumba.

"Akin na.." Kinuha ni Kathryn ang sapatos.

"Okay lang, ako na." Inilayo ito ni Daniel. "Pagod ka?"

"Hindi ko alam kung saan papunta 'to."

"Hindi, alam ko. Sandali.." Inayos nito ang pagkabitbit sa sapatos at ibinuhat si Kathryn.

"Daniel, ano ba?! Ibaba mo nga ako!!" Inis na sigaw nito.

"Alam ko pagod kana." Tinitigan nya ito. "We'll look for a place na pwede kang magpahinga muna." Nakakapanghina ang mga titig nito. Parang walang ibang ligtas na lugar kundi sa piling niya. "Trust me, sandal ka muna dyan." Hindi na umimik si Kathryn.

They ended up in a vacant place malapit sa villa ng mga boys.

"Upo ka--"

"Wait, wala naman akong sinabing lumayo tayo ng ganito. Ayoko lang magkagulo kayo ni Jacob at masira 'yong wedding dahil sa atin. Hindi ko sinabing we'll spend the night together." Suway nito.

Itinago ni Daniel ang resibo at susi sa bulsa. "Oo nga pero kailangan mo din magpahinga. At isa pa, baka malumpo ko pa yung gagong yun 'pag nakita ko yun."

Napairap si Kathryn.

"Tara, pasok na tayo?"

Isinuot muna ni Daniel ng maayos ang sapatos nito at pumasok na. Nasa isip ni Kathryn ay kung bakit hindi sya nagpapapigil, baka kasi gusto niya rin ito.

"Gusto mo ng hot chocolate? Shower? Matulog? Usap?" Tanong ni Daniel. "Ahh, wala nga palang damit. Hmm, hot chocolate?" Umiling si Kathryn. "Water? Tama.. water." Kumuha ito ng tubig at inabot.

Pagkatapos ay saglit na umalis si Daniel para maghilamos at ihanda ang sarili. Tinanggal muna nya ang kanyang sapatos at ang unang dalawang butones ng kanyang puting long sleeves para kumportable ito.

Tila dito napako ang tingin ni Kathryn nang bumalik siya. "Ahh, anong oras tayo babalik? Hindi ko kabisado yung lugar."

"Ako nang bahala.." Naglakad si Daniel pabalik sa kinauupuan ni Kathryn at napansin niya na unti-unting bumababa ang mga tingin nito sa kanya. "May gusto ka bang sabihin?"

"Ha? Tubig? Gusto mo din ba ng tubig?" Inabot nito ang baso.

"Thank you?" Sagot niya at uminom na lang din.

Sa kasalukuyan ay pareho silang nakaupo. Walang nagsasalita. Parehong may gustong sabihin. Parehong naghihintay.

"Namiss ko 'to.. yung magkasama tayo na hindi nag-aaway." Hinarap siya ni Daniel at tinitigan. "Hindi ko alam pero kahit sigawan o suntukin mo ko, dito ako masaya, dito ako sigurado. It's a safe place for me. Parang.. home?" Mahina lamang ang pagkasabi nito ma parang naglalambing, parang dati.

Napatitig si Kathryn. Gusto niyang sabihin na pareho sila ng nararamdaman. Gusto niyang hayaang sumakit ang mga sugat at gamutin ito. "To feel safe and cared for.."

Hinawakan ni Daniel ang mga pisngi nito at tinitigan na may mga matang tila nagmamakaawa at pinipigilang lumuha. "I love you, Kathryn." And he kissed her. Isang beses lang at huminto. "I love you." At hinalikan nya ito ulit.

Life After YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon