Chapter 8

3.6K 135 54
                                    

KATHRYN

Nagpumilit si Daniel na ihatid ako sa bahay kaya pumayag ako kahit masakit dahil alam kong ito na ang huli. Tahimik akong tumitingin tingin sa bintana habang tahimik din syang nagdadrive. Hindi ko alam kung paano ko natitiis na sumama sa kanya matapos ng lahat ng nangyari.

Siguro kasi mahal na mahal ko sya at kahit anong paraan para makasama pa sya, gagawin ko, kahit sandali lang, kahit alam kong matatapos din.

Mukha siguro akong tanga ngayon, magulo ang isip, namumugto ang mga mata, umaasa.

"Ah, medyo matatagalan tayo.. Baka gusto mo magpatugtog.." Sabi nya habang nakatigil kami dahil sa sobrang traffic. "Mukhang may nagkabanggaan pa dun eh."

Ito siguro yung mga pagkakataon na gusto ko pang patagalin ang traffic.

"Okay lang." Sagot ko ng hindi sya nililingon.

Lagi kasing nagpapatugtog si DJ tuwing nagdadrive sya tapos dahil kabisado ko na lahat ng kanta sa playlist nya sumasabay ako at sya naman tinatawanan lang ako.

At nakakapanibago dahil ang tahimik na.

"Kaso wala na yung mga songs ko dyan.." Sabi ulit nya. Alam kong sinusubukan nya akong kausapin para mawala yung awkwardness sa paligid.

Pero paano ba namang hindi? Sampung taon kaming nagsama tapos bigla na lang naghiwalay at ngayon magkasama kami sa iisang kotse habang kinakausap nya ako na parang hindi nya sinaksak ang puso ko ng sabihin nyang hindi na nya ako mahal.

"Bakit?"

"Ah.. Pinalitan ko na.." He answered.

I smiled sadly. "Parang ako pala."

Hindi na lang nya pinansin ang sinabi ko. "May mga CDs dyan.."

"Okay lang."

Nung tumigil ang kotse sa intersection ay naghanap sya ng mga CDs sa kanyang lalagyan.

"I don't know kung nandito pa yung favorite mo eh." He said. Alam ko ginagawa nya lang to para mawala ang awkwardness dahil ayaw nya ng ganun at pareho yata kaming sanay na maingay sa kotse ng magkasama kami.

"Alam mo ba na ang bigat bigat ng hinihiling mo." Bigla ko na lang nasabi at pinunasan ang luha sa mga mata ko. Ito na naman.

Bumalik sya sa pagmamaneho at umastang hindi nya narinig ang sinabi ko.

Dahil kabisado ko ang kotse nya ay kinuha ko ang nakatagong litrato namin sa maliit na compartment sa harap ko.

Nagulat ako ng makitang punit punit na ang mga pictures namin doon. At ngayon ko lang napansin na wala na yung polaroid picture namin na nakadisplay.

Una, yung playlist namin. Ngayon naman ang mga pictures. Unti-unti na nga nya akong tinatanggal sa buhay nya.

Napaiyak ako habang hawak hawak ang mga napunit na litrato.

"Nandito na tayo."

Tumigil sya sa tapat ng gate namin habang hindi pa rin ako bumababa.

"Sana binalik mo na lang sakin o di kaya tinapon mo pagkatapos punitin." Kahit ako mismo, ramdam ko ang sakit sa boses ko.

Hinawakan nya ang mga kamay ko. Alam kong may gusto syang sabihin.

"Sorry.. Si.. si Luisa kasi a.."

"Sya yung gumawa nito?"

Napayuko sya.

Bakit ba kailangang ganito kasakit?

Bakit ba meron na agad syang iba? Hindi ba pwedeng hayaan nya munang makalimot ako?

Bakit ang hirap hirap tanggapin na wala na akong kontrol sa buhay nya? At pwede na nyang gawin lahat ng gusto nya at wala syang pakialam kung masasaktan ako.

Bumaba sya at pinagbuksan ako ng pinto. Bumaba na rin ako at hinarap sya.

Ngumiti ako kahit ito yung pinakamahirap gawin sa mga oras na 'to.

Pasensya na, kung papatulugin na muna
Ang pusong napagod kakahintay.. 🎶

Nagulat siguro sya ng bigla ko syang niyakap pero naramdaman kong unti unti nya rin akong niyakap pabalik.

Hinaplos nya ang buhok ko at doon na ako napaiyak ulit. "Wag mong isipin na hindi ka na mahalaga sakin ha? I will always be here for you and you know how much I care for you. I loved you for ten years. Malaking parte ka na ng buhay ko. Isipin mo na lang na susubukan ko lang ngayon na mabuhay on my own. Take care of yourself for me, please?"

Kaya sa natitirang segundong kayakap ka
Maaari bang magkunwaring akin ka pa? 🎶

Dati ito yung pinakaayaw kong parte, kapag dumarating na yung gabi at kailangan na naming umuwi. Naalala ko dati na  nagtatalo pa kami kung sinong unang aalis kapag hinahatid nya ako sa labas ng bahay noong mga panahong medyo strict pa sa amin ang parents ko dahil ilang taon pa lang kami.

Siguro nga narating na namin ang gabi sa aming relasyon at sya ang unang umalis.

Mangangarap hanggang sa pagbalik
Mangangarap pa rin kahit masakit.. 🎶

Kumalas ako sa yakap at hinawakan ko ang kanyang mga pisngi.

Sa huling pagkakataon, sa huling ilang sandali, naging makasarili ako.

Hinalikan ko sya kagaya ng dati. Hinalikan  din nya ako pabalik. Kasabay ng paggalaw ng aming mga labi ang pagpatak ng aking mga luha.

Ito yung huli. Ito yung masakit. Ito yung mahirap pakawalan.

Baka sakaling makita kitang muli
Pagsikat ng araw, paglipas ng gabi.. 🎶

"I love you." Sabi ko sa kanya habang magkadikit ang aming noo. "Palagi. Araw-araw. Walang katapusan. Paulit-ulit."

Pinunasan nya ang mga luha ko at muli akong hinalikan sa labi at sa noo.

"Wala na akong mahahanap na katulad mo. Alam nating pareho yan. Sana mapatawad mo ko, Kathryn. Sana hindi lang ako, sana matanggap nating pareho."

I nodded. "Darating din siguro tayo dyan pero di pa ngayon. Masakit kasi talaga. Sobrang sakit."

"Alam ko. Naiintindihan ko."

Kung di pipilitin ang di pa para sa'kin
Baka sakaling maibalik.. 🎶

"Matatanggap ko din na hindi na magkakatotoo yung plano nating magpakasal, bumuo ng pamilya at magtravel sa iba't ibang bansa. Matatanggap ko din na wala na ako kapag natapos na yung bahay na pinapagawa mo para sa future family natin. Matatanggap ko rin na wala ng halaga yung mga plano natin na after almost ten years unti unti nang nabubuo. Matatanggap ko rin na kasama lang ako sa pagbuo ng mga plano pero darating yung araw na tutuparin mo yun kasama ng iba. Matatanggap ko rin."

Malaya ka na.. 🎶

Hinalikan ko sya sa huling beses bago pumasok sa bahay. Hindi ko na sya nilingon.

Hanggang dito na lang.

***

VIII. "MALAYA"

Wala ng pipigil. Wala ng aalalahanin.
Lahat ng hindi nagawa ay pwede nang gawin.
Dahil sa wakas, ako ay malaya na mula sayo
At mula sa ako noong meron pang tayo.

***

Yung song is "Malaya" by Moira. Hehe pagtyagaan nyo na muna ito lang kaya ng brain ko today.

Next chapter: "Hanggang Dito Na Lang".
Spoken Word Poetry. Albie. Calling Card. Madam.

Life After YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon