Chapter 13

3.5K 132 39
                                    

Abala si Kathryn sa pagpaplano ng mga gagawin sa kanilang Christmas party at sa mga kakailanganin nila dahil dumarami na naman ang mga costumers ngayong holiday season. Naninibago sya dahil dati ay nagtutulungan sila ni Daniel para dito ngunit ngayon ay tila di na nya ito mahagilap. Kung may kailangan ito o kung may maitutulong sa kanilang negosyo ay nagpapapunta lamang ito ng tao. Wala din ngayong ang kanyang mga kaibigan dahil may kanya kanyang lakad ang mga ito lalo na si Marlan na ilang araw ng walang paramdam.

"Ma'am, may naghahanap po sa inyo sa labas.." Sabi ni Gracia. Nasa loob kasi sya ng owner's lounge.

"Sino daw?"

"Hindi ko po alam pangalan nya ma'am eh. Pero parang nakapagperform na dito 'yon."

Napaisip sya. "Ah, baka yung Albie 'yon. Sabihin mo, sandali lang. May inaasikaso lang ako."

"Okay po."

She nodded and smiled.

"Ang hirap ng wala ka." Sabi nya sa lalaking katabi nya sa lockscreen ng phone nya matapos tumawag sa kanilang supplier.

Sila dapat ang magkasama sa pag-aayos nito. At literal na kailangan din si Daniel dahil wala daw delivery today kaya sila ang kukuha ng mga kailangang kunin sa bago nilang supplier at sa mga pinasadya nilang Christmas decors. May iilang staffs din na nagholiday break at may iba na ngayon lang ginamit ang kanilang leave.

"Pakitawag nga 'yong Albie.. Papuntahin mo na lang dito. May mga chinecheck pa ko eh." Sabi nya kay Leo na kakapasok lang para magdala ng kape.

"Yes, ma'am."

Maya-maya ay nakita na nyang pumasok si Albie.  "Maupo ka." Itinuro nya sa kanya ang upuan sa harap. "Sorry, ang dami ko pa kasing ginagawa and kulang ako sa tao ngayon."

"Ay, okay lang po. Pasensya na, baka nakakaabala po ako." Ngumiti ito sa kanya.

Unang napansin ni Kathryn ang tattoo sa wrist nya. 'Lavinia' Basa nya dito sa kanyang isip. Hindi nya namalayan na nakakatitig na pala sya dito kaya pasimpleng itinago ito ni Albie.

"Ah. No, di ka naman nakakaistorbo. So why are you here? Tinatanggap mo na ba yung offer ko?"

"Yes ma'am." May inabot itong envelope sa kanya. "Nandyan na po yung biodata, application letter at resume ko may kasama pang picture."

Napatawa si Kathryn bago ito binuksan at basahin. "So graduating student ka na pala.."

"Opo."

"Okay.." She smiled. May mga itatanong pa sana si Kathryn ng pumasok si Lory, isa sa kanilang waitress.

"Ma'am, absent daw po ngayon si Philip." Nag-aalinlangan syang sabihin.

"What?? So sinong lalaki lang ang nandyan?"

"Si Jason at Louie lang po." Sagot naman ni Lory.

"Hindi ko naman pwedeng isama si Jason kasi kailangan din sya dito. Si Louie hindi naman pwedeng magbuhat iyon dahil kakabalik lang nun galing ospital." Paliwanag ni Kathryn. "Kung nandito lang sana si Daniel."

"Ma'am, excuse me po ha? Pero kailangan nyo po ba ng tulong?" Singit ni Albie.

Napatinging sa kanya si Lory at Kathryn.

"Uy, sakto! Ma'am bakit hindi na lang ho sya ang isama nyo?"

Parang nahihiyang tumingin naman sa kanya si Kathryn. "Sorry, wala na kasi talagang choice eh. Okay lang ba? Dadagdagan ko na lang yung unang talent fee mo."

"Ay, ma'am, okay lang po. Wala naman po akong gagawin ngayon eh."

Nakita ni Kathryn na mukhang mapagkakatiwalaan naman ito kaya napagdesisyonan nyang si Albie na lang ang isama.

Life After YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon