Chapter 21

3.6K 162 55
                                    

4:13 AM

Kathryn ordered breakfast burrito, blueberry-coffee muffins and caramel macchiato for breakfast at 525 Café near Baguio bus terminal while waiting for the departure time of the first bus to Sagada. Nagkahiwalay na sila ng babaeng nakilala nya sa bus ngunit hindi man lamang nya nalaman ang pangalan nito.

"Beautiful.." She whispered.

After eating, umikot muna sya para kumuha ng mga litrato. May nakita syang message board malapit sa counter ng café kung saan pwede kang magsulat ng mga mensahe. Kumuha sya ng isang piraso ng maliit na papel at sumulat.

She wrote a line from the last song she listened to.

"Our roads are gonna cross again.. It doesn't really matter when."

She smiled. "Pag nagkita tayo ulit, sana kaya ko nang ngumiti sayo."

***

"Oh my god!" Excited na napababa sya sa bus at kumuha ng mga pictures.

Sumakay sya papunta sa inn na tutuluyan at inayos ang mga gamit nya bago nag-ikot ikot sa lugar. Unang pinuntahan niya ay ang Kiltepan View. She took pictures of it at sya din ay nagpakuha ng litrato.

"Sobrang ganda dito." Huminga sya ng malalim, nilalanghap ang malamig na simoy ng hangin.

"Parang ikaw, Ma'am." Sabi sa kanya ng tour guide ng mga Amerikanong dumaan.

"Ay.." Napatawa sya. "Thank you."

***

"Si Kathryn?" Tanong ni Daniel kay Gracia ng bumisita sya sa resto.

"Ay, nasa bakasyon po pero nagawa naman na po nya lahat ng kailangan nyang gawin dito. Binilin na rin nya sa akin mga kailangan naming gawin at ang mga bayarin." Sagot ni Gracia.

"Bakasyon? Saan daw? Kailan sya babalik?"

"Hindi ko po alam, Sir. Ang sabi naman nya babalik naman daw po sya next week."

"Gracia.." Mahinang tawag ni Daniel na parang takot na takot marinig ng iba. "Pwede mo ba akong i-text kapag bumalik na ang Ma'am Kathryn ninyo?"

"Bakit, sir? Namimiss nyo na ho?" Simpleng tanong nito.

"Magtrabaho kana, Gracia."

***

Nakaupo si Kathryn sa malapad na bato sa gilid ng mga damo habang nakatitig sa langit.

Alas dose ng tanghali at tirik na tirik pa ang araw. Nakakapaso ang init na tumatama sa kanya ngunit tila hindi nya alintana. Muli na namang namuo ang mga luha sa kanyang mga mata. Wala na yatang katapusan.

"Miss na miss na kita.." Bigla nyang nasabi. "Ang hirap hirap na."

Minsan kahit sumuko ka na, kahit umatras ka na, kahit lumayo ka na hindi pa rin mapigilang masaktan dahil alam mo sa sarili na kung ikaw lang ang masusunod ay magmamahal ka pa rin, babalik ka pa rin kahit ang sakit sakit na.

Ibinuhos nya lahat sa pag-iyak.

"Binigyan kita ng isa pang pagkakataon para patunayang ako lang ang mahal mo pero ginamit mo lang ang pagkakataong yun para saktan ulit ako."

Hindi makakalimutan ni Kathryn ang araw na iyon.

Pangatlong araw ngayon ni Kathryn sa Boracay kasama ang mga kaibigan. Birthday vacation kasi ang regalo nila sa kaibigang si Trina.

Life After YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon