KATHRYN
"Kaibigan ko lang 'yun." Walang gana nyang sagot.Paulit ulit na lang.
"Ang sweet mo naman sa kaibigan mo. Inalalayan mo pa at hinatid pauwi?" Tanong ko na nagpipigil ng galit.
Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa kanya. Sa ten years naming magkasama alam kong maraming nagbago sa kanya. Unang una na doon ang pakikitungo nya sa akin.
Ewan, nakalimutan na yata nyang girlfriend nya 'ko.
"Syempre lasing na lasing na 'yun? Alangan namang pabayaan ko diba? Umuwi naman ako agad pagkahatid ko sa kanya. Diba tumawag ako sayo gamit yung landline sa bahay kasi patay na yung phone ko? Kahit tanungin mo pa sa mga maids dun."
"Ang point ko lang naman, bakit ka ba nandun? Kung hindi ko pa tinignan 'yung instagram mo hindi ko pa malalaman na nakipag-inuman ka sa kanila! May pag-thank you pa 'yung babae mo sa paghatid mo sa kanya??"
"Tangina." Rinig kong bulong nya at umupo sa sofa. Nandito kasi kami sa condo ko.
"Ano?"
"Hindi ko nga babae 'yun! Pwede ba? Kasama ko sila sa trabaho! Bakit? Hindi na ba 'ko pwedeng umalis ng hindi ka kasama? Kailangan ba sabihin ko sa'yo lahat?"
"Yung mga ganitong lakad mo, dapat alam ko! Dapat sinabi mo sakin hindi 'yung para akong tanga na hindi alam na may kasama na palang ibang babae 'yung boyfriend ko!" Sigaw ko sa kanya dahil sa sobrang galit. Gusto ko na lang umiyak.
"Hindi naman kasi nakaplano 'yun! Bigla lang namin naisipang lumabas para magcelebrate kasi successful 'yung latest project namin. Kathryn naman.. Parang nakalimutan ko lang sabihin galit na galit ka na?" Sabi nya at pakiramdam ko ay pagod na pagod na syang mag-explain.
"Hindi lang naman maliit na bagay 'yun, Daniel! Nakalimutan mong sabihin sa'kin ibig sabihin nun nakalimutan mo din ako! Nakalimutan mong may girlfriend ka!"
"Okay, sorry. Kasalanan ko na naman!" Napasigaw sya at parang bigla nyang narealize na mali sya kaya pinakalma nya ang sarili nya. "Sorry na.."
"Hindi ka naman ganyan dati ah." Mahinang sambit ko.
"Ano ba talagang gusto mong gawin ko?" Kalmadong tanong nya.
"Hindi na kita maramdaman." 'Yun na lamang ang nasagot ko.
"Kathryn. Iba yung dati at ngayon. Dati mga bata lang tayo, highschool pa lang nung maging tayo. Hindi pa ganun kalaki ang obligasyon natin. Ngayon, may kanya kanya na tayong trabaho. Kailangan nating makisama."
Hindi ko alam kung mapapanatag ako sa sagot nya o lalong magagalit. Hindi ko na rin masabi sa kanya lahat ng naiisip kong sabihin. Gusto ko syang intindihan pero ang labo nya.
"Nagseselos ka ba?" Tanong ulit nya.
Pwede ko ba syang tanungin ng "gago ka ba?"
Tumawa ako sa gitna ng pag-iyak. "Sinong girlfriend ang hindi magseselos dun?"
"So ano talagang problemo mo? 'Yung hindi ko sinabi sayo o nagseselos ka kasi hinatid ko si Jane sa bahay nila?"

BINABASA MO ANG
Life After You
RomanceAfter ten years of being together, what would life be without you? A KathNiel story 101617