"Pansin mo ba ang pagbabago?
Di matitigan ang iyong mga mata
Tila di na nananabik
Sa iyong yakap at halik..""Sampung taon ng buhay ko binigay ko sayo pero bakit parang ang dali dali lang sayong bitawan ako?" Parang isang ilog ang mga mata ni Kathryn at walang tigil sa pagdaloy ang kanyang mga luha.
Mula sa bintana ng restobar ay sinilip sila ng kanilang mga kaibigan. Ramdam nila ang awa at sakit dahil naging parte sila ng kwentong ito. Lahat ay hindi makapaniwala na ito na ang pagtatapos. Ang hindi inaasahang wakas.
Ang huling gabi.
"Kath.. Para sayo din naman to. Para sa atin din to." He said. "Darating din sa punto na mapapagod ka din sa akin. Susukuan mo din ako."
"Bakit?" Hindi makapaniwalang tanong ni Kathryn. "Bakit ganito?"
Pareho nila itong hindi inasahan. Ang buong akala nila ay sila na hanggang huli.
"Paano yung singsing na binigay mo sa akin? Remember that night na nagpropose ka sa akin? Niyaya mo akong magpakasal three years ago. Diba we promised each other na hihintayin natin na matapos yung bahay na pinapagawa mo kasi dun tayo titira, we'll wait until maging okay na yung resto at makapag-ipon na tayo para sa kasal natin. Remember our plans for the future?"
"Kathryn. Please."
"I said yes kasi siguradong sigurado na tayo noon. Look, malapit na matapos yung bahay. Malaki laki na rin yung naipon natin at sobrang successful ng business natin. Malapit na akong makapagpatayo ng sarili kong photography studio, malapit ka nang maging CEO. You see, ito na yung pinaghihirapan natin? Were almost there.." Kung kanina ay iyak lang ang ginawa ni Kathryn ngayon tuluyan na itong humagulgol. Nagmamakaawa na baka pwede pa.
"Sana'y malaman mo
Hindi sinasadya
Kung ang nais ko ay maging malaya..""Kathryn. Tama na." Hinawakan ni Daniel ang mga kamay nya. Patuloy lamang ito sa pag-iyak.
"Church wedding gusto mo diba? Sige, payag na ako. Kalimutan mo na yung garden wedding na pinipilit ko sayo." Pinunasan nya ang mga luha kaya lalong nagkalat ang kanyang mascara. "Hay, ano ba, hindi waterproof yung mascara ko."
"Kathryn, sorry. Patawarin mo ko. Sobrang buti mong tao pero paulit ulit lang kitang sinaktan."
"Ano bang nagustuhan mo sa kanya na wala sakin?"
"Hindi. Hindi 'to dahil sa kanya. This is about us. This is between you and me. Kath.. Hindi na tayo masaya."
"Di lang ikaw
Di lang ikaw ang nahihirapan
Damdamin ko rin ay naguguluhan..
Di lang ikaw
Di lang ikaw ang nababahala
Bulong ng isip wag kang pakawalan
Ngunit puso ko ay kailangan kang iwan..""Dahil lang hindi na tayo masaya, susuko ka na? Ganun na lang yun? Hindi mo man lang ako tatanungin kung anong gusto ko?"
Napayuko sya at napapikit. "Hindi na ako masaya. Ako, Kath! Ako yung may problema. Naiintindihan mo ba?"
BINABASA MO ANG
Life After You
RomanceAfter ten years of being together, what would life be without you? A KathNiel story 101617