Chapter 38

6.4K 200 68
                                    

Mabilis na pumunta si Daniel sa kanilang restobar nang mapag-alaman nya sa isang staff na nandoon si Kathryn kasama si Jacob. Gusto sana nya itong makausap para humingi ng tawad sa nangyari noong isang gabi at para na rin mabigyan ito ng bulaklak bilang peace offering kaya naisipan nyang tumawag doon para sana tanungin kung napadaan si Kathryn ngunit sobra-sobrang impormasyon ang nakuha nito.

"Kanina pa ba sila dito?" Tanong nya kay Gracia nang nakasalubong nya ito papasok.

"Kanina pa po sila dito, Sir. Silang dalawa lang ho, nag-uusap at nakikinig sa banda tapos sumunod na po 'yung kasama nila. Maaga-aga po silang nag-iinuman. Ang sweet nga po ni Ma'am at nung lalaking kasama nya. Parang kayo lang po dati." Dire-direchong sagot ni Gracia.

"Salamat, Gracia. Balik na sa trabaho." Utos ni Daniel at naglakad papunta sa counter.

Napansin nyang nagtitinginan at nagbubulungan ang ibang mga staffs kaya inunahan na nya ang mga ito. "Oo, alam kong nandito sila. Focus na sa trabaho at dumarami na ang costumers."

Naghanap sya ng pwesto kung saan hindi sya gaanong mapapansin ngunit kitang kita nya si Kathryn at ang mga kasama nito.

Kung pwede lang sumunod at ilayo si Kathryn sa kanila ay ginawa na nya.

***

Marami-rami na rin ang nainom ni Kathryn at hindi na masyadong tuwid ang kanyang paglalakad. Hindi nya napansin ang oras dahil sa katuwaan nila ng kanyang mga bagong kaibigan na nakilala lamang nya dahil kay Jacob.

"Ma'am, nandito sya." Pasimpleng bulong ni Faye kay Kathryn nang dinala nito ang karagdagang orders nila.

"Ha? Sino?" Napataas ng kilay si Kathryn.

"Si, ano po.."

"Sino nga kasi?"

"Si Sir Daniel po." Sagot nito sa kanya at tinignan kung may nakarinig nito. Buti naman at wala.

Gusto sanang itanong ni Kathryn kung nasaan ito ngunit pinigilan nya ang sarili. "Hayaan mo sya."

"Sige po. Balik na po ako." Paalam ni Faye.

Nang nagpalit na ang kanta at halos lahat ay sumasabay at sumasayaw na, tumayo si Kathryn at niyaya ring sumayaw si Jacob.

"What? No!?" Gulat na sambit ni Jacob. "I don't know how to dance."

"Turuan kita, sige na. Dali!" Hinila sya ni Kathryn sa kung saan nagtitipon tipon ang mga tao at ang iba ay may mga hawak pang inumin.

"Okay, okay.." Napatawa na lamang si Jacob at sumunod.

Isinayaw sya ni Kathryn at tawang tawa lamang ito dahil wala syang ibang ginawa kundi sundan lang ito.

"I told you hindi ako magaling sumayaw." Wika nito at tumawang muli.

"Eh ako, magaling akong sumayaw!" Itinaas ni Kathryn ang kanilang magkahawak na kamay at pinaikot si Jacob.

"What the..? Ako dapat gumawa nun eh." Napatawa na naman sya at ginaya din ang ginawa ni Kathryn at pinaikot ito.. "Ayan.."

Pagbalik ni Kathryn kaharap nito ay sandali nya itong tinitigan ng nakangiti.

"I will never get tired of telling you how beautiful you are, Kathryn." Bulong nito at hinawi ang buhok ni Kathryn. "I don't know, I really don't know kung bakit ganito 'yung nararamdaman kong saya kapag kasama kita. I'm always excited to see you."

Life After YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon