FRIDAY NIGHT. Kathryn locked herself in her room and cried. Masaya naman ang araw, hindi napagod ang kanyang mga pisngi at labi sa pagngiti pero ang mundo ay umiikot, lumulubog ang araw at sumasapit ang gabi.
🎶 Here I am alone in this empty room,
And let my mind just fly you to the end.. 🎶No matter how many times she smiles in a day, how loud her laugh is, how funny her jokes are, how interested she is in meeting new people and how happy she gets, these doesn't really mean she's okay.
At night, she still cries herself to sleep.
Siguro ang pinagkaiba lang ngayon ay hindi na sya umaasa, hindi na sya nagtatanong at hindi na nya kaya pang ipilit ang sarili sa taong sumuko na sa kanya. Tanggap na nya.
She started scrolling through old photos of her and Daniel in her phone.
Delete all photos?
Delete all.
Napahinga sya ng malalim.
Cancel.
"Ahhh, ano ba, Kathryn!" Bulong nya sa sarili at binura ulit nya ang mga pictures at sa pagkakataong ito hindi na nya pinigilan ang sarili.
🎶🎶 Thoughts of you still linger in my memory,
Wondering why my life is not that fair.. 🎶🎶Binalikan nya ang mga araw na pareho pa silang nagmamahalan. Ang mga araw na meron pang takot sa kung anumang pwedeng mangyari na maaring makapagpahiwalay sa kanilang dalawa.
Napakasaya ng nakaraan, para syang nasa alapaap, umiiyak sya sa saya, ang pagngiti ay hindi pa ganito kahirap gawin at walang puwang ang lungkot sa buhay nya.
Sabi pa nila dati, sila daw ang 'relationship goals' but how did they get there?
Posible pala 'yon. Buong akala mo kayo na habangbuhay pero ilang salita lang pala ang makakapagpabago dito.
Akala mo ikaw lang. Akala mo ikaw pa rin. 'Yun pala, wala nang 'ikaw' sa buhay nya.
Minsan pa, wala kang kaalam-alam. Magugulat ka na lang na sa iba na nya ginagawa ang dating ginagawa nya para sa'yo.
🎶🎶 I could still recall, those memories of you,
The joy and all your laughter,
The love that we've been through.
Oh I can't believe, you're gone.. 🎶🎶Binura na nya lahat ng photos, videos, conversations at phone number.. Isa na lang ang hindi pa.
"Iboblock ko ba sya? Tama ba 'to?"
***
"Good morning, love! Wake up na." Daniel laughed at the text message he typed and deleted it after.
"Boss!" Sumenyas sya na muling lagyan ng inumin ang kanyang shot glass.
Gabi na sa Pilipinas at pinili nya itong palipasin sa isang nightclub ng mag-isa. Nagulat na lang sya ng may umakbay sa kanya kaya nilingon nya ito at napangiti.
"Hi." Bati nya.
"Hi, kanina pa kita napapansin. Bakit ka mag-isa? Where's Kathryn?"
"Out of the country."
"Oh, Can I sit beside you? Mukhang malungkot ka eh." She smiled at him.
"Sure, Yasmin." And they started talking about random things.
Walang kaalam-alam si Daniel na mula sa hindi malayo ay nakatitig si Trina sa kanya. Hindi sinasadyang nasa pareho silang lugar dahil kaarawan ng pinsan nito at doon sila nagcelebrate.
![](https://img.wattpad.com/cover/125816408-288-k606403.jpg)
BINABASA MO ANG
Life After You
RomanceAfter ten years of being together, what would life be without you? A KathNiel story 101617