KATHRYN
Five days later..
Isinuot ko ang jacket ko pagkababa ko ng sasakyan. December kasi kaya malamig talaga ang panahon. Kakatapos ko lang pumunta sa unang misa de gallo kaya maaga aga pa at konti pa lang ang staffs na nandito.
Naalala ko dati kasama ko sya sa pagkumpleto ng simbang gabi. Pagkatapos ng misa ay pupunta kami kung saan namin gusto o manonood kami ng sunrise.
"Tama na muna, Kathryn." Sabi ko sa aking sarili at huminga ng malalim. Mamaya ka na umiyak at masaktan.
Hindi dapat ako bibisita sa resto ngayon. Ang paalam ko ay may client ako sa Palawan at four days akong hindi makakabisita pero na postpone kasi ang shoot kaya naisipan kong pumunta dahil wala naman na akong gagawin at wala nang sasama sa akin pumunta kung saan saan. Wala din naman akong ganang lumabas kung hindi naman importante.
Habang naglalakad dito sa parking ay may napansin akong babae na parang may inaayos sa kotse nya, nasiraan siguro. Pero ang nakakapagtaka eh malabo namang costumer sya dahil sarado pa kami at sa pagkakaalam ko eh wala akong staff na merong kotse.
Nang palapit na ako sa kanya ay napagtanto ko na kung sino sya. Huminto ako sa harap nya kaya napalingon sya.
"Pwede ko bang malaman kung bakit ka nandito?" I said it nicely kahit sa totoo lang ay kating kati na akong punitin ang pagmumukha nya gaya ng pagpunit nya sa mga pictures namin ni Daniel.
She slightly raised an eyebrow. "May hinihintay ako."
"Si Daniel?"
"Yeah.." She nodded and smiled.
Feeling ko ngayon ay isa akong looser. Gusto kong magtampo sa universe dahil pinagtagpo nya kami na hindi pa ako handa. Gusto kong umiyak, gusto kong manumbat, gusto kong manampal.
Kaso kahit anong tapang ang ipakita ko, tingin pa rin nila sa akin ay kawawa dahil iniwan at ipinagpalit ako ng taong akala ko makakasama ko habangbuhay.
"Masaya ka ba?" Tanong ko sa kanya. Pinipilit ko ang sarili ko na huwag ipakitang nanghihina ako.
"Yes." She smiled. "Sana balang araw, ikaw din."
"Masaya ba kayo na may nasasaktan dahil sa ginawa nyo?" Tanong ko ulit at tinitigan sya. Nagpapanggap na matapang.
"Masaya kami dahil masaya kami sa isa't isa hindi dahil nasasaktan ka. Nasasaktan din sya para sayo, nakita ko kung gaano sya pinahirapan ng desisyong 'to. Sana matanggap mo na minahal ko nya dati at mahalaga ka pa rin sa kanya ngayon.. Pero hindi na sa paraang gusto mo."
Natahimik ako. Naguguluhan. Hindi ko inaasahan ang isasagot nya. Puno ng tapang ang pananalita nya pero hindi parang nagtataray ang dating.
Tama nga si Daniel. Iba sya.
"Hindi mo sya kayang mahalin gaya ng pagmamahal ko sa kanya. Darating din ang panahon na iiwan ka nya."
"Handa ako." Sabi nya.
"So sinasabi mo ba na iniwan ako ni Daniel para lang sa pansamantalang relasyon? Kung hinahanda mo pala ang sarili mo na maghiwalay kayo, para saan pa na naging kayo?"
"Walang permanente sa mundo. You just have to live in the moment. Enjoy life habang nabubuhay ka. Importante ang ngayon." Sabi nya.
Siguro ito yung natutunan ni Daniel sa kanya. To live in the moment. Siguro nagsawa na sya sa pananaw ko sa buhay, siguro nagsawa na sya sa babaeng puno ng plano.
"Uhmm, I'm sorry, kailangan ko pa kasing ayusin yung sasakyan ko." Paalam nya.
"Bakit hindi si Daniel ang gumawa nyan? Dati pag nasisiraan ako ng kotse, sya yung nag-aayos kung kaya nya." I smiled at her.
"Actually, gusto nya nga ayusin kaso sabi ko kaya ko naman. Hindi na sya nakialam. He knows me, pag sinabi kong kaya ko, ako lang ang gagawa nun. And this is my car, ako ang nakasira so ako dapat ang mag-aayos."
"Oh, okay. I have to go. It was nice meeting you.. again." Ngumiti ako at umalis.
Pero ang totoo, naiinggit ako. Nanliliit ako sa sarili ko. Para kasi syang mga babae sa pelikula, yung halos perfect na. Kaya siguro iniwan ako para sa kanya.
Walang wala ako kumpara sa kanya.
Nagmamadali din ako dahil umaasa akong maabutan ko si Daniel. Gusto ko syang makita, gusto kong marinig ang boses nya kahit sandali lang.
"Ma'am?!" Parang gulat na sabi ni Liyah, isa sa mga staff dito.
"Nandyan ba sya?" Tanong ko at alam na nya kung sino iyon. Alam na rin kasi nila ang nangyari.
"Nasa loob po ma'am."
"Sige." Pumasok na ako at una kong pinuntahan ang owner's lounge.
"Si Daniel?" Tanong ko kay Jason.
"Parang umalis na po ma'am." Sagot nya.
"Kasama nya si Luisa diba? Bakit hindi ko sya nakita?"
"Hindi ko po alam ma'am. Nasa kitchen po kasi ako kanina."
"Ma'am, ako po, nakita ko po sya." Pabulong na sabi ni Gracia, sya ang pinakamalapit sa akin sa kanilang lahat. "Kagabi pa po sila umiinom dito kasama mga kasama nya yata sa trabaho. Tapos ma'am, pumasok po sila ni Luisa sa lounge, nag-ano po.. Nag-alam mo yun.. Make out make out lang."
"Nasaan na yung mga kasama nila?" Nanginginig ang boses ko. Kung pwede lang magwala dito, ginawa ko na.
"Umalis na po ma'am kani kanina lang din. Kakaalis lang din po ni Sir, ma'am. Nakita nya po na kausap nyo si Luisa kaya hindi muna sya lumabas tapos nung papasok na po kayo, sa kabila po sya dumaan. Nauna po kasi si Luisa para ayusin daw yung kotse nya, eh si sir Daniel po may mga niligpit pa." Sabi nito. Maaasahan ko talaga to.
Lalo akong nainis. Agad akong lumabas kahit di ako sigurado kung nandito pa sila.
"Daniel.." Tawag ko nang maabutan kong paalis na ang kotse. "Sandali.."
Tumakbo ako palapit sa kanila pero mabilis na umalis na ang kotse nila.
Bumalik ako sa room at iniyak lahat ng sakit ng loob na nararamdaman ko. Naalala ko yung sinabi ni Gracia.
"Tapos ma'am, pumasok po sila ni Luisa sa lounge, nag-ano po.. Nag-alam mo yun.. Make out make out lang."
Itinapon ko ang mga nakadisplay sa sobrang galit ko.
"Ang kapal ng mukha mo! Gago ka! GAGO KA!" Sigaw ko at itinapon ang bote ng wine na nakadisplay. "Ang kakapal ng mukha nyo!"
"Hayaan mo na lang muna sya." Narinig kong bulungan ng mga staff.
***
IX. "DULO"
Ngayong tapos na, parang kilometro ang itinakbo sa pagod
Pero tapos na, narating ko na ang dulo at napaluhod
Tama ba ang desisyon ko?
Kung hanggang ngayon, nandito ako,
Nagsusulat gamit ang lapis na wala ng pambura at lumang kwaderno
Hindi namamalayang ang bawat pangungusap ay tungkol pa rin sayo.**
Happy new year!
BINABASA MO ANG
Life After You
RomanceAfter ten years of being together, what would life be without you? A KathNiel story 101617