DANIEL
Three weeks later
Maaga akong pumasok sa trabaho nang matanggap ko ang tawag ni Papa. Mabilis akong nag-ayos at nagdrive paalis dahil ayoko syang madismaya na naman sa akin. Dumirecho ako sa opisina nya pagkarating ko.
"Maupo ka." Bigkas nya pero hindi nakatingin sa akin.
Tinawag nya ang kanyang assistant at pinahandaan ako ng kape.
"Salamat." Sabi ko sa kanya.
"Do you have any idea kung bakit kita pinatawag?"
"Wala." Sagot ko at uminom sa kape.
"May ipagkakatiwala ako sayong isang project na gagawin sa Thailand. Hindi 'to kasing laki ng proyektong tinanggihan mo noon but this is a good start. I believe in you."
Seryoso ka ba?
"Paano nangyari 'yon?"
"I had a meeting with the board a week ago regarding this matter. They all agree na sayo ibigay ito. Now, all you have to do is read these documents which is about the project we're talking about. Gumawa ka ng proposal and you will present it to us a couple of weeks from now. Lahat ng gusto mong malaman ay nandyan. I'm giving you another chance to prove yourself to me. Naiintindihan mo ba ako, Daniel? I won't take no for an answer. Not anymore." Diredirechong paliwanag nya.
Masaya na kinakabahan kong kinuha ang mga dokumento na nakalagay sa isang asul na folder.
"Salamat, Pa."
"Okay, you may go." Sabi nya at nagpatuloy sa ginagawa nya.
Teka, hindi maproseso ng utak ko ang sinabi nya.
I believe in you.
Jusko, kung hindi lang awkward na yakapin sya baka ginawa ko na.
~~~
Six months. Thailand. Four months from now.
Napaisip ako. Tatanggapin ko ba talaga? Kaya ko ba? Kaya ko bang gawin? Kaya ko bang umalis?
'Mabilis lang naman yung six months.' Napaisip ako.
At ano pa bang pumipigil sa akin?
May sarili na rin syang buhay. Gusto nyang tuparin ang pangarap nya kaya gagawin ko rin ang sa akin.
Iniisipin ko na lang siguro na para ito sa ikabubuti namin.
At sa susunod na magkita kami ay pareho na kaming mas may maipagmamalaki.
Maybe, the next time we meet, we're already the better versions of ourselves.
~~~
Inimbita ko ang mga kaibigan ko na icelebrate ang natanggap kong offer sa resto. Ako mismo ang nag handa ng mga inumin at pulutan. Nagpahanda din ako ng dinner sakaling gusto nilang kumain.
Tinignan ko ang aming groupchat at medyo nagulat na wala ni isa sa kanila ang nagreply.
Ang aarte ng mga 'to oh. Tinawagan ko na sila isa isa at lahat sila ay may kanya kanyang dahilan para hindi magpunta.
Sina Arisse, Trina at Pamu eh hindi daw pupunta. Hindi ko alam kung bakit. Siguro tinatamad o talagang naiinis pa rin sila sa akin dahil sa mga nangyari.
Si Marlann at Bryan ay nasa Cebu para maghanap ng magandang venue sa kanilang wedding.
Si Marco naman, nasa La Union kasama and kanyang pamilya.
![](https://img.wattpad.com/cover/125816408-288-k606403.jpg)
BINABASA MO ANG
Life After You
RomanceAfter ten years of being together, what would life be without you? A KathNiel story 101617